lifeworksgestaltlogobase

About Me

Aking larawan

I teach and practice Gestalt therapy, Career decision coaching, and Family Constellations work. As well as Australia, I teach workshops and training in China, Japan, Korea, the USA & Mexico. I am author of Understanding The Woman In Your Life, a book of advice for men about relationships with women. In my work as director of Lifeworks I provide therapy,  training and supervision. I am a Phd candidate, studying the interpersonal dynamics of power, and am currently director of an MA in Spiritual Psychology for Ryokan College, an accredited online institution based in LA.

Linggo, Hulyo 27, 2014

Case #21 - "Wild" na babae

Kakahiwalay lang ni Cynthia mula sa kanyang pangatlong asawa. 20 years silang naging kasal. May gusto siyang talakayin na panaginip.
Pinakuwento ko ito sa kanya na tila nangyayari pa ito sa kasalukuyan.
Sabi niya:
Tulog ako sa sofa. Dumating ang asawa ko, sabay yakap at halik sa akin. Bumili raw siya ng bagong bahay na mura lang at may malaking shed. Mayroon itong bagong kuwarto.
Naglakad kami papunta sa aming bahay. Mayroong batang lalaking kumuha ng malaking piraso ng kahoy, at tinapon niya ito sa bintana. Ngayon, dumating si John (ang kanyang asawa) at tumunog ang telepono niya. Sinabi niya na kailangan niya raw itong kausapin ng mag-isa, kaya inisip ko na baka mayroon na siyang bagong nobya.
Pinasadula ko sa kanya ang ilan sa mga tao sa kanyang panaginip, at ilarawan ang sarili niya bilang mga karakter na ito.
Una ay ang bahay - sinabi niya, "Ako ay bago, kumikinang, maganda ang kalidad, at mas maganda kaysa lumang bahay. Masaya, malaki, at maraming mapaglalagyan."
Sunod ay si John - "Ako ay masaya, gusto ko ang bahay, milagro na nabili ko ito, malakas ako, mayroon akong layunin sa buhay."
Sunod ay ang piraso ng kahoy na tinapon sa bintana - "Ako ay matigas, malakas, at makapangyarihan; wala nang halaga ang lumang bahay, kinailangan ko lang na mag-ingay at ipakita na sira na ito."
Sunod, ang batang lalaki na 13 anyos sa panaginip - "Ako ay maloko at malakas."
Sunod ay ang bagong nobya - "Ako ay interesado."
Nangailangan ito ng coaching, dahil gusto ni Cynthia na sabihin ko sa kanya ang interpretasyon ko ng bawat elementong binabanggit niya. Ngunit sa Gestalt, ang hinahanap namin ay direktang karanasan at hindi mga asampsyon. Kaya paulit ulit ko siyang pinabalik sa paglalarawan sa sarili niya bilang ang mga elementong nabanggit at sa paglalarawan ng kanyang mga nararamdaman, hindi ng kanyang mga iniisip.
Tinanong ko kung anong elemento ang pinakatumatak sa kanya. Ang batang lalaki raw dahil ito ay mapaglaro, di tulad niya ("out of character" kumbaga).
Iniugnay ko ito sa kanyang buhay ngayon - ano ba para sayo ang "out of character"?
Sabi ni Cynthia - ang hindi umuwi ng magdamag, magkaroon ng malaking bonfire, magkaroon ng party sa dalampasigan sa ilalim ng buwan, at matulog sa beach.
Sinabi niya na gusto niya sanang isama si John, ngunit ayaw nitong nakikita ang pagiging "wild" na babae niya, kaya natutunan niyang pigilan ito.
Pinaliwanag niya na ilang taon niya itong sinubukang isama sa pagsasayaw ng rock and roll, ngunit sa huli ay sumuko na lamang siya.
Iminungkahi ko na tigilan niya na ang pagpipigil, at pumunta na lamang sa dance classes ng mag-isa.
Ngayon, paano kung may gusto siyang sabihin na "wild" kay John - isang bagay na out of character? Paano niya ito sasabihin? Sabi ko, kunwari ako si John, at maaari niya itong sabihin sa akin ng direkta.
Sinabi niya kay John na gusto niyang iwan nilang pareho ang kanyang trabaho, sumakay ng yate at maglakbay sa dagat, kung saan man sila dalhin nito; magluluto siya, at pwede silang magsulat ng mga tula ng magkasama.
Ngayon, pinaisip ko siya ng sasabihin na mas may puwersa; na magsabi siya dito ng bagay na tila ba nanghahamon.
Sinabi niya na pagod na siya sa paggamit nito ng droga, at na galit siya sa mga taon na sinayang niya sa paghihintay na magbago ito. Hindi na siya tatanggap ng mga pangako - aksyon na lamang.
Binigyan ko siya ng feedback sa proseso na ginawa niya - siya ay naging malinaw at mahinahon, at bilang isang hindi defensive na karakter, na-appreciate ko ang kanyang pagiging direkta.
Inudyukan ko siya na maging mas malakas, mas malupit, at mas "wild".
Nagbigay siya ng ilan pang mga pahayag tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang mga hangganan.
Muli, binigyan ko siya ng feedback.
Ramdam niya na lumakas siya mula sa buong karanasang ito.
Sa Gestalt, nagdidisenyo kami ng mga eksperimento na naglalayong usisain ang mga figure na lumilitaw. Maraming lumitaw na figure sa kanyang panaginip, ngunit mas pinagtuunan namin ng pansin ang may pinakamaraming energy para sa kanya - ang paggawa ng mga bagay na hindi bagay o hindi inaasahan mula sa kanya (pagiging "uncharacteristic" sa madaling salita).
Ang pagiging "uncharacteristic" na ito ay ang pagiging "wild", malakas, at direkta, sa positibo at negatibong paraan.
Sumali ako sa eksperimento bilang kanyang "partner", at sa pamamagitan ng pagbibigay ng feedback. Nakatulong ito upang gawing mas makatotohanan ang buong karanasan para sa kanya, at bigyan siya ng ligtas na espasyo upang subukan ang isang panibagong paraan ng pamumuhay.
Ang Gestalt ay tungkol sa pagsubok ng mga bagong bagay ng may suporta, habang pinagtutuunan ng pansin ang mga mahahalagang isyu na lumulutang sa awareness - magandang panghinuha ng mga isyu ang mga panaginip.

Biyernes, Hulyo 25, 2014

Case #20 - Ang nanigas na takip

Tinamaan si Jane ng sharing sa grupo. Nanginginig siya noong pinuntahan niya ako. Ayaw niyang pag-usapan ang paksa, at wala namang problema dito. Tinalakay lang namin ang energy. Pinalarawan ko sa kanya ang kanyang karanasan. Nagkwento siya tungkol sa pakiramdam ng paninigas. Humingi ako sa kanya ng metaphor na maglalarawan ng kanyang nararamdaman. Ang sagot niya  - isang nanigas na takip. Tinanong ko kung saang parte ng katawan ito matatagpuan - sa sikmura niya raw.
Inanyahan ko siyang magsalita na tila siya ang takip - "Ako ay isang nanigas na takip." Ginawa niya ito, at pinag-usapan namin ang paraan kung paano niya sinara ang mga "kanto".
Kaya inanyahan ko siyang magsalita bilang kanto. "Ako ay isang kanto"...at naglarawan siya ng iba pang mga aspeto ng pagiging kanto.
PInalagay ko ang isa niyang kamay sa lokasyon ng nanigas na takip, at ang isa pang kamay sa lokasyon ng kanto (sa kanyang tagiliran). Pagkatapos, sinabihan ko siyang hingahan ang mga lugar na ito. Pinaigting nito ang kanyang mga nararamdaman. Nagsimulang manginig ang kanyang mga binti, kaya inudyukan ko pa ito.
Nakaramdam siya ng sobrang kalungkutan, at umiyak siya. Ngunit wala siyang mailabas.
Kaya pinagalaw galaw ko sa kanya ang kanyang mga daliri sa paa. Nahirapan siyang gawin ito, at sa isang paa niya lamang ito nagagawa. Maya maya ay inalalayan ko siya upang magalaw galaw niya rin ang kanyang mga daliri sa kabilang paa.
Pagkatapos ay nagsimula siyang dumighay ng maraming beses. Sinabi niya na pamilyar ito sa kanya.
Ang pagdighay ay isang epektibong anyo ng paglalabas, at maaaring simula ng paggalaw tungo sa expression.
Siyanga; nakaramdam siya ng pagtaas sa kanyang enerhiya, ngunit wala paring nabubuong mga salita. Kaya inudyukan ko ang somatic release na ito at unti-unti, nakayanan niyang lapatan ng salita ang kanyang mga nararamdaman. Pinasabi ko ito sa kanya ng direkta, na para bang ang taong nakasakit sa kanya ay nandoon din.
Ito ang naging katapusan ng sakit na tahimik niyang dinala sa loob ng maraming taon.
Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang mga nararamdaman bilang mga metaphor ("takip", "kanto"), nabuno natin ang mga ito ng mas direkta. Sa pamamagitan ng pagpapaangkin ng mga ito sa kanya, pinokus nito ang kanyang awareness na dating kalat at iwas - natural, wala naman kasing gustong makaramdam ng sakit.
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang pananatili sa mga enerhiya at pakiramdam sa kanyang katawan, nalagpasan natin ng buo ang kanyang proseso ng pag-iisip at naging natural ang daloy. Kung mananatili ka sa proseso ng katawan, palaging ganito ang mangyayari, dahil natural na palaging papunta sa paghilom ang katawan.

Lunes, Hulyo 21, 2014

Case #19 - Atraksyon at mga hangganan

Si Dee ay isang babae na nagkwento tungkol sa kanyang takot. Tinanong ko, ano ang kinatatakutan mo? Sabi niya, mga lalaki. Pinalinaw ko ito sa kanya. Pinaliwanag niya na gusto niyang mapansin ng mga lalaki, ngunit natatakot din siya dito.
Sinabi ko na, bukod sa pagiging therapist at teacher, lalaki din ako. Sinabi niya na, Oo, pero hindi ganoon ang tingin ko sayo.
Layunin ko na dalhin ang isyu sa kasalukuyan - sa here and now - at sa aming relasyon. Nais kong gamitin ang aking sarili bilang instrumento sa proseso ng pagpapalakas ng awareness at paglilinang ng karanasan ng relasyon.
Kaya sinabi ko na hindi mababago ang katotohanan na lalaki ako, at maaari itong makatulong upang mas matanto niya kung ano ang nararamdaman at naiisip niya sa katotohanang iyon.
Nakakatakot daw. Tinanong ko kung bakit. Kasi, baka raw maisip ko na nakakaakit siya.
Ano naman kung maisip ko na nakakaakit siya?
Kasi baka raw mahulog ako para sa kanya, at lumikha ng sitwasyon na hindi niya gusto.
Kaya inanyahan ko siyang sabihin sa akin ng direkta na: "Ayokong mahulog ka sa akin. Hindi ako available sayo pagdating sa ganyan."
Naramdaman niya na gumaling siya sa paglalatag ng kanyang mga hangganan.
Ako naman ang nagkwento tungkol sa aking karanasan. Sabi ko - Ayoko ring mahulog para sayo. Tingin ko nga ay nakakaakit ka, ngunit maaari namang manatili ang katotohanang iyan sa loob ng iyong mga hangganan, pati narin sa loob ng akin.
Nagkaroon naman kami ng pag-uusap tungkol sa karanasan ko sa pagtingin sa kanya bilang nakakaakit, at sa karanasan niya dito. Malapit na siya sa kanyang isyu - paghahangad ng atensyon, at pagiging takot dito.
Sa pag-uungkat ng isyung ito sa ligtas na paraan, makakayanan niyang maglatag ng kanyang mga hangganan, ihayag ang mga ito, at harapin ang atraksyon bago pa ito sumobra at maging mahirap para sa kanya.
Nakaramdam siya ng hiya sa maraming punto sa diskusyon, kaya nilipat ko ang pokus sa aking sarili at sa aking karanasan. Inamin ko na hindi rin naman madali para sa akin ang usapang ito - ito ay isang bagay na nais kong alisin mula sa aking awareness minsan. Kaya maganda na nahaharap namin ito ng magkasama at nang tinatamasa lamang ang aming koneksyon sa puntong iyon, nang hindi natatakot na baka lumaki ito hanggang sa puntong hindi na namin makontrol.
Ito ay isang bagong karanasan para sa kanya sa maraming paraan, at binigyan siya nito ng kumpiyansa na kaya niyang maglatag ng mga hangganan, pag-usapan ang paksang ito, at maging aware sa erotic na aspeto ng relasyon nang hindi ito nagiging problema.
Mahalaga sa Gestalt ang authenticity, at ginagamit ito sa proseso ng pagpapalakas ng awareness at pagdadala nito sa relasyon.

Biyernes, Hulyo 18, 2014

Case #18 - Ang mini-holiday

Nakatira si Trudy sa bahay ng kanyang tito at tita. Para sa kanyang tito, aksaya lamang sa oras ang kanyang interes sa sikolohiya. Inuudyukan siya nitong maghanap ng trabaho, binatikos ang kanyang paggastos sa mga workshop gaya nito, at sinabi na kailangan na niyang mag-asawa sa lalong madaling panahon, dahil 26 na siya.
Nang tanungin ko kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang katawan, sinabi niya na nakakaramdam daw siya ng sakit sa kanyang balikat.
May koneksyon ang ganitong klase ng sakit sa isang overdeveloped na sense of responsibility.
At totoo naman - pine-pressure niya ng sobra ang kanyang sarili pagdating sa mga ganitong bagay. Paghahanap ng trabaho, anong klaseng trabaho, atbp. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin - therapy daw. Ngunit pakiramdam niya ay kailangan niya pa ng ensayo at karanasan sa buhay bago siya maging handa.Tinanong ko kung kailan iyon mangyayari - 'Pagtanda ko," tugon niya.
Sa Gestalt, palagi kaming nakapokus sa specifics kaya tinanong ko - gaano katanda? 80 ang kanyang sagot.
Kaya, tinanong ko kung anong klaseng trabaho ang gusto niyang gawin habang hinihintay niya na maging handa siya. Nahirapan siyang pag-isipan ito ng maayos dahil sa pressure na kanyang nararamdaman.
Inanyayahan ko siyang "magpahinga" mula sa pressure, at magbakasyon muna ng isang minuto. Na manatili lamang sa panahon na iyon kasama ako. May naobserbahan ako sakanya; isang bagay na naa-appreciate ko. Inanyahan ko siyang obserbahan din ako.
Inilagay siya nito sa kasalukuyan (sa here and now), mas binabad siya sa aming relasyon, binigyan siya ng positive recognition (inamin niya na wala siyang natatanggap na encouragememt mula sa kanyang mga magulang; pressure lang), at dinala siya sa kanyang sensory awareness. Ginagamit namin ang ganitong mga proseso sa Gestalt upang ilabas ang mga tao sa kanilang mga kuwento at paraan ng pag-iisip tungkol sa mundo.
Ang minungkahi ko dito ay isang Gestalt experiment.
Nagrelax siya ng kaunti, ngunit naging mahirap ito para sa kanya. Hindi niya kayang bigyan ang kanyang sarili ng isang "bakasyon".
Kaya nilapitan ko siya, hinanap kung saan masakit ang kanyang balikat, at pinindot ito gamit ang aking daliri. Hindi ito masahe - bagkus, ito ay paraan lamang ng pagdadala ng awareness sa lugar kung saan may tensyon, at pagpapatalas ng kanyang awareness dito. Sa sobrang pagkasanay niya kasi ay isinasantabi niya na lamang ito.
Nang bumitaw ako, nakayanan niya ring bumitaw.
Sinubukan ulit namin itong "bakasyon" na ito, bago namin talakayin ng mas maayos ang kanyang sitwasyon pagdating sa trabaho.
Pagkatapos ay bumalik ulit kami sa "pagbabakasyon", at muli ay nahirapan siya dito.
Inamin ko na nalulungkot akong makita na mahirap ito para sa kanya, at na nag-aalala ako na baka hindi siya umabot sa matandang edad kung patuloy siyang maglalagay ng pressure sa kanyang sarili.
TInuon nito ang kanyang awareness sa kabuuan ng sitwasyon, at sa mga masamang epekto ng buhay na maraming pressure. Pinatanto rin nito sa kanya na kung magpapatuloy siyang ganoon, maaari siyang magkaroon ng buhay na hindi niya naman talaga pinili.
Ang Gestalt ay tungkol sa kakayahang pumili.

Lunes, Hulyo 14, 2014

Case #17 - Pagputol ng lumang kuwento

Maraming problema sa pag-iisip si Jake. Nakaranas siya ng maraming pagdurusa sa kanyang buhay; labas pasok siya sa mga klinika; samu't saring gamot na ang kanyang nainom; at kasalukuyan siyang nagthe-therapy upang harapin ang para sa kanya ay isang pabigat na imposibleng lagpasan. Mababa ang tingin niya sa kanyang sarili, at wala siya gaanong kumpiyansa sa pakikisalamuha sa mga tao. Mahiyain siya.
Nagkwento siya tungkol sa kanyang mga pagdurusa.
Agad akong sumabat. Sa pakiwari ko ay isa na itong luma at gamit na kwento na hindi na nakakatulong sa kanya bukod sa pagkuha ng awa sa iba, pagmumukmok, o sa pagpapaliwanag ng kanyang walang katapusang pagdurusa.
Binigyan ko siya ng gagawin - kailangan niyang ituro ang pinagkaiba ng karanasang masarap at karanasang masakit. Pinaikot ko ang kanyang tingin sa buong kuwarto at pinaturo sa kanya kung sinu-sino ang, sa tuwing tinitingnan niya ito, ay nagbibigay sa kanya ng masarap na pakiramdam,  at tukuyin sa isang iskala kung gaano kasarap ang pakiramdam na iyon.
Sunod ay pinatukoy ko sa kanya kung sino ang taong pinakanagbibigay sa kanya ng masarap na pakiramdam tuwing tinitignan niya ito. Pinili niya ang kanyang therapist na nasa loob din ng grupo. Pinalarawan ko sa kanya ang kanyang nararamdaman. Nakakaramdam daw siya  ng init sa kanyang dibdib. Sinabihan ko siyang huminga ng malalim at pakiramdaman ang init na iyon. Nakita ko na nagrelax siya, at lumambot ang kanyang tingin.
Sunod ay pinatukoy ko kung kanino pa siya kumportable sa grupo. Pinili niya ang pinakabatang miyembro ng grupo. Gaya ng kanina, pinapaliwanag ko sa kanya kung bakit.
Matapos ang lahat ng iyon, nakaramdam siya ng pagkapayapa at pagkakuntento.
Hinamon ng eksperimentong ito ang kanyang malungkot na kuwento ng pagdurusa, at tinulungan siyang ituon ang kanyang atensyon sa mga bagay na nakabubuhay, sa relasyon, at sa kasalukuyan.
Gumagalaw ang Gestalt sa kasalukuyan - sa here and now. Maaaring may silbi ang pagtutuon ng pansin sa kuwento dahil nagbibigay ito ng konteksto at nagpapalalim ng pag-unawa. Ngunit may kuwentong sariwa at talagang kailangang mailabas, at may kuwento ring luma na at nagpapanatili na lamang ng sitwasyon ng isang tao.
Lahat ng mga kuwento ay unti-unting dinadala sa kasalukuyan kung saan may pagpipilian (choice) ang tao - isang key focus ng Gestalt.

Biyernes, Hulyo 11, 2014

Case #16 - Nakangiting mata; nakakatakot na mata


Tumingin sa akin si Ingrid at sinabing - tila nakangiti ang mga mata mo.
Tugon ko, buti na yan kaysa nakakatakot.
Gusto kong ilabas ang polarity nito - mabuti at pakiramdam niya'y ligtas siya sa akin, ngunit ito ay dahil hindi niya pa nakikita ang nakakatakot na aspeto ng aking pagkatao. Ang ugali niya rin ba ay may nakakatakot na aspeto? Interesado ako sa pagkakaroon ng mas buong relasyon, imbis na manatili lamang sa isang "ligtas" na relasyon.
Kaya tinanong ko kung kailan siya nagkakaroon ng nakakatakot na mata, at nagkwento naman siya ng mga sitwasyon kung kailan ito nangyayari - tuwing siya ay nagagalit, tuwing siya ay nasasaktan.
Nagkwento siya tungkol sa pagiging galit. Humingi ako ng mas malinaw na halimbawa. Nagkwento siya ng isang pangyayari kung saa'y tinawagan siya ng kanyang asawa. Sinabi niya dito na abala siya noong panahong iyon at samakatuwid ay walang oras para makipag-usap, ngunit nagtagal ang kanyang asawa sa telepono, at napilitan naman siyang kausapin ito. Naging madalas ang ganitong pangyayari.
Kaya nagmungkahi ako ng isang eksperimento.
Tumayo kami, humarap sa isa't isa, itinaas ang ang aming mga kamay, at inulit ang nangyari - ang paglagpas ng kanyang asawa sa kanyang itinakdang hangganan. Dahan dahan kong tinulak palayo ang kanyang mga kamay hanggang sa siya'y mapaatras o malaglag.
Ngayon, sinabihan ko siyang itulak din ako ng palayo. Sinubukan niya, ngunit mahina lang. Paulit ulit namin itong ginawa.
Inudyukan ko siyang panindigan ang kanyang mga hangganan. Sa wakas ay nag-ipon nga siya ng lakas para sa susunod na tulak, at naramdaman ko nga ang lakas nito.
Sunod ay sinabihan ko siyang isipin na siya ang kanyang asawa, at subukang lagpasan ang aking itinakdang hangganan. Masyado itong direkta para sa kanya - malaking hakbang para sa kanya na gawin ito.
Kaya imbis na pilitin siyang gawin iyon, sinabihan ko nalang siya na huwag akong hayaang tumulak ng lagpas sa itnakda niyang hangganan, at bagkus ay tapatan ang aking puwersa. Pakiramdam niya ay naparalisa ang kanyang mga binti, at tila nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay. Kaya pinatuon ko ang kanyang awareness sa kanyang mga paa. Pagkatapos, inanyayahan ko siyang humakbang ng pasulong, at umatras naman ako. Sa huli ay nakayanan niya ring gamitin ang puwersa ng kanyang buong katawan, at naging malakas din ang pagtulak ko dahil talagang tinatapatan niya ito ng sarili niyang lakas.
Nagkaroon kami ng isang mapuwersang pagtatagpo.
Makapangyarihan ang eksperimentong ito dahil imbis na pag-usapan ang sitwasyon, dinala namin ito sa kasalukuyan - sa here and now - at sa pagitan namin. Sa pamamagitan ng pagsama ng aking sarili sa eksperimento, naramdaman ko kung ano talaga ang nangyayari sa aming relasyon, at nasuportahan ko siya sa paglagpas sa kanyang paninigas at kahinaan at sa pagsulong papunta sa kabuuan.


Linggo, Hulyo 6, 2014

Case #15 - Ang kaso ni Wang, mahinang perception, at pagkurap.

Si Wang ay isang matalinong binata. Gusto kong gamitin at ipakita ang kakayahan ng phenomenological approach, kaya nagsimula ako sa pagpansin sa kulay ng kanyang t-shirt - isang nakababagot na brown.
Pinili niya raw ito dahil may pagka-color blind siya, at mukha itong green sa kanya.
Sa katunayan, ginamit niya ang salitang "mahina" upang ilarawan ang kanyang perception ng mga kulay.
Sinabi niya rin na sa pangkalahatan, ang kanyang sensory at interpersonal na perception (pakikiramdam sa madaling salita) ay mahina. Dahil dito, nagkaroon siya ng mga problema sa kanyang nobya.
Pinasok ko ang aking sarili sa usapan, at nagkwento ako tungkol sa aking mahinang pakikiramdam.
Nakatulong ang personal na rebelasyong ito upang maging mas bukas siya.
Gusto niyang malaman kung paano ito babaguhin o aayusin.
Pinaliwanag ko mula sa punto de bistang Gestalt na hindi kami interesado sa pag-aayos ng problema, kundi sa pagiging mas konektado sa kasalukuyan (sa "what is"), sa pag-intindi ng mga lakas at kahinaan ng estilo ng bawat tao, at sa pagpapalawak ng mga posibilidad.
Kaya humingi ako ng partikular na halimbawa kung paano umuubra para sa kanya ang kanyang estilo. Nagsimula siyang magkwento tungkol dito, sabay sabing "Pero"... Kaya pinatigil ko siya, at nagsimulang magbahagi ng sarili kong mga halimbawa ng valuing na umuubra para sa akin.
Ang karaniwang pamamaraan ng Gestalt ay ang pangunguna ng therapist gamit ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.
Pagkatapos, nagtanong ako tungkol sa kanyang mga limitasyon. Binigyan niya ako ng general na kasagutan, kaya humingi ako ng mas malinaw na halimbawa. Sa Gestalt, gusto natin na palaging nakakonekta ang mga isyu sa malilinaw na kundisyon upang mabuno natin ito ng mas maayos.
Binigay niyang halimbawa ang kagustuhan ng nobya niyang makatanggap ng appreciation at malalambing na salita, ngunit pakiramdam niya ay nabigay niya na ang mga iyon, kaya hindi na siya nagbibigay pa nito. Nahihirapan talaga siyang intindihin ang nararamdaman ng  kanyang nobya.
Binigay ko naman sa kanya ang obserbasyon ko sa kanyang pagkurap. Medyo kakaiba ito - madalas siyang kumurap, at minsan ay halatang halata.
Medyo alam niya na ginagawa niya ito, ngunit nang inimbitahan ko siyang maging mas aware sa kanyang karanasan habang kumukurap, naging blangko ang reaksyon niya. Kaya inimbitahan ko siyang tingnan ang ibang mga tao sa loob ng grupo at pansinin ang kanyang pagkurap habang ginagawa iyon. Masyado itong mahirap para sa kanya - mabilis kasi siyang gumalaw kaya hindi niya na napansin.
Kaya sinabihan ko siyang tumingin sa akin, at pansinin ang kanyang pagkurap habang ginagawa ito. Agad siyang nagkomento tungkol sa sarili niya, ngunit pinakiusapan ko siyang obserbahan lamang ang sarili niya at ang kanyang karanasan na para bang camera.
Mahirap ito para sa kanya, at wala siya gaanong awareness. Pero sa isang punto ay kumurap siya ng malaki at mabagal, at tinanong ko siya kung anong nangyari noon.
Sinabi niya na iniiwasan niya raw ang contact.
Sa Gestalt, inoobserbahan namin ang mga penomena, lalung lalo na ang mga punto kung saan nagbabago ang karanasan, at iniimbestigahan ang naging karanasan sa puntong iyon.
Tinalakay namin ang avoidance, at nagbigay ako ng halimbawa mula sa sarili kong karanasan na nangyari noong binisita ko ang aking ama. Muli, nakatulong ang aking self-disclosure upang magkaroon kami ng mas maraming contact.
Nagreact siya dito ng may emosyon - nahihirapan din daw kasi siyang kausapin ang kanyang ama.
Wala kaming sapat na oras upang mas pag-usapan pa iyon, pero tinandaan namin ito para sa mga sesyon sa hinaharap.
Marami naman na kaming natalakay sa sesyon na ito, kaya tinapos na namin.
Nakatukoy siya ng partikular na aspeto na pagtutuunan at pag-eensayuhan ng kanyang awareness, dahil nagsisimula pa lamang siyang palawakin ito. Matalino siya at palaisip, at nagsilbing somatic marker ang kanyang pagkurap na siyang tutulong sa kanyang maging mas mulat sa kanyang mga nararamdaman, lalo kapag masyado na itong bumibigat.
Ang kanyang kapasidad na makiramdam sa iba ay hindi mahahasa hangga't hindi niya nahahasa ang pakikiramdam niya sa kanyang sarili. At ang kanyang "mahinang" perceptual sense ay kaya niyang kontrolin kahit papano, sa pamamagitan ng pagkurap.

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

I publish this blog twice a week. It is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)