Tugon ko, buti na yan kaysa nakakatakot.
Gusto kong ilabas ang polarity nito - mabuti at pakiramdam niya'y ligtas siya sa akin, ngunit ito ay dahil hindi niya pa nakikita ang nakakatakot na aspeto ng aking pagkatao. Ang ugali niya rin ba ay may nakakatakot na aspeto? Interesado ako sa pagkakaroon ng mas buong relasyon, imbis na manatili lamang sa isang "ligtas" na relasyon.
Kaya tinanong ko kung kailan siya nagkakaroon ng nakakatakot na mata, at nagkwento naman siya ng mga sitwasyon kung kailan ito nangyayari - tuwing siya ay nagagalit, tuwing siya ay nasasaktan.
Nagkwento siya tungkol sa pagiging galit. Humingi ako ng mas malinaw na halimbawa. Nagkwento siya ng isang pangyayari kung saa'y tinawagan siya ng kanyang asawa. Sinabi niya dito na abala siya noong panahong iyon at samakatuwid ay walang oras para makipag-usap, ngunit nagtagal ang kanyang asawa sa telepono, at napilitan naman siyang kausapin ito. Naging madalas ang ganitong pangyayari.
Kaya nagmungkahi ako ng isang eksperimento.
Tumayo kami, humarap sa isa't isa, itinaas ang ang aming mga kamay, at inulit ang nangyari - ang paglagpas ng kanyang asawa sa kanyang itinakdang hangganan. Dahan dahan kong tinulak palayo ang kanyang mga kamay hanggang sa siya'y mapaatras o malaglag.
Ngayon, sinabihan ko siyang itulak din ako ng palayo. Sinubukan niya, ngunit mahina lang. Paulit ulit namin itong ginawa.
Inudyukan ko siyang panindigan ang kanyang mga hangganan. Sa wakas ay nag-ipon nga siya ng lakas para sa susunod na tulak, at naramdaman ko nga ang lakas nito.
Sunod ay sinabihan ko siyang isipin na siya ang kanyang asawa, at subukang lagpasan ang aking itinakdang hangganan. Masyado itong direkta para sa kanya - malaking hakbang para sa kanya na gawin ito.
Kaya imbis na pilitin siyang gawin iyon, sinabihan ko nalang siya na huwag akong hayaang tumulak ng lagpas sa itnakda niyang hangganan, at bagkus ay tapatan ang aking puwersa. Pakiramdam niya ay naparalisa ang kanyang mga binti, at tila nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay. Kaya pinatuon ko ang kanyang awareness sa kanyang mga paa. Pagkatapos, inanyayahan ko siyang humakbang ng pasulong, at umatras naman ako. Sa huli ay nakayanan niya ring gamitin ang puwersa ng kanyang buong katawan, at naging malakas din ang pagtulak ko dahil talagang tinatapatan niya ito ng sarili niyang lakas.
Nagkaroon kami ng isang mapuwersang pagtatagpo.
Makapangyarihan ang eksperimentong ito dahil imbis na pag-usapan ang sitwasyon, dinala namin ito sa kasalukuyan - sa here and now - at sa pagitan namin. Sa pamamagitan ng pagsama ng aking sarili sa eksperimento, naramdaman ko kung ano talaga ang nangyayari sa aming relasyon, at nasuportahan ko siya sa paglagpas sa kanyang paninigas at kahinaan at sa pagsulong papunta sa kabuuan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento