Biyernes, Hulyo 18, 2014
Case #18 - Ang mini-holiday
Nakatira si Trudy sa bahay ng kanyang tito at tita. Para sa kanyang tito, aksaya lamang sa oras ang kanyang interes sa sikolohiya. Inuudyukan siya nitong maghanap ng trabaho, binatikos ang kanyang paggastos sa mga workshop gaya nito, at sinabi na kailangan na niyang mag-asawa sa lalong madaling panahon, dahil 26 na siya.
Nang tanungin ko kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang katawan, sinabi niya na nakakaramdam daw siya ng sakit sa kanyang balikat.
May koneksyon ang ganitong klase ng sakit sa isang overdeveloped na sense of responsibility.
At totoo naman - pine-pressure niya ng sobra ang kanyang sarili pagdating sa mga ganitong bagay. Paghahanap ng trabaho, anong klaseng trabaho, atbp. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin - therapy daw. Ngunit pakiramdam niya ay kailangan niya pa ng ensayo at karanasan sa buhay bago siya maging handa.Tinanong ko kung kailan iyon mangyayari - 'Pagtanda ko," tugon niya.
Sa Gestalt, palagi kaming nakapokus sa specifics kaya tinanong ko - gaano katanda? 80 ang kanyang sagot.
Kaya, tinanong ko kung anong klaseng trabaho ang gusto niyang gawin habang hinihintay niya na maging handa siya. Nahirapan siyang pag-isipan ito ng maayos dahil sa pressure na kanyang nararamdaman.
Inanyayahan ko siyang "magpahinga" mula sa pressure, at magbakasyon muna ng isang minuto. Na manatili lamang sa panahon na iyon kasama ako. May naobserbahan ako sakanya; isang bagay na naa-appreciate ko. Inanyahan ko siyang obserbahan din ako.
Inilagay siya nito sa kasalukuyan (sa here and now), mas binabad siya sa aming relasyon, binigyan siya ng positive recognition (inamin niya na wala siyang natatanggap na encouragememt mula sa kanyang mga magulang; pressure lang), at dinala siya sa kanyang sensory awareness. Ginagamit namin ang ganitong mga proseso sa Gestalt upang ilabas ang mga tao sa kanilang mga kuwento at paraan ng pag-iisip tungkol sa mundo.
Ang minungkahi ko dito ay isang Gestalt experiment.
Nagrelax siya ng kaunti, ngunit naging mahirap ito para sa kanya. Hindi niya kayang bigyan ang kanyang sarili ng isang "bakasyon".
Kaya nilapitan ko siya, hinanap kung saan masakit ang kanyang balikat, at pinindot ito gamit ang aking daliri. Hindi ito masahe - bagkus, ito ay paraan lamang ng pagdadala ng awareness sa lugar kung saan may tensyon, at pagpapatalas ng kanyang awareness dito. Sa sobrang pagkasanay niya kasi ay isinasantabi niya na lamang ito.
Nang bumitaw ako, nakayanan niya ring bumitaw.
Sinubukan ulit namin itong "bakasyon" na ito, bago namin talakayin ng mas maayos ang kanyang sitwasyon pagdating sa trabaho.
Pagkatapos ay bumalik ulit kami sa "pagbabakasyon", at muli ay nahirapan siya dito.
Inamin ko na nalulungkot akong makita na mahirap ito para sa kanya, at na nag-aalala ako na baka hindi siya umabot sa matandang edad kung patuloy siyang maglalagay ng pressure sa kanyang sarili.
TInuon nito ang kanyang awareness sa kabuuan ng sitwasyon, at sa mga masamang epekto ng buhay na maraming pressure. Pinatanto rin nito sa kanya na kung magpapatuloy siyang ganoon, maaari siyang magkaroon ng buhay na hindi niya naman talaga pinili.
Ang Gestalt ay tungkol sa kakayahang pumili.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento