Sabado, Mayo 10, 2014
Case #4 - Sexy at celibate
Si Tracy ay labindalawang taon nang kasal, at nagkaroon ng isang anak. Masaya naman siya sa kanyang buhay may-asawa. Nagkakasundo silang mabuti ng kanyang asawa. Ngunit bihira silang magtalik.
Sa simula ng kanilang relasyon, nangibang-bansa siya sa ng isang taon. Sa loob ng panahong iyon ay nagkaroon siya ng napakapusok at napakasekswal na relasyon sa iba. TInakbuhan niya ito, umuwi sa kanyang bansa, at nag-asawa. Ngunit inabot ng matagal na panahon bago siya maka-get over sa nangyari, at hindi pa niya ito nai-integrate.
Isa itong klasikong halimbawa ng unfinished business at polarity sa Gestalt.
Habang ikinukwento niya ang nangyari, tinanong ko siya: "Ano na ang nararamdaman mo ngayon?" Ito ay isang klasikong tanong na Gestalt.
Marami siyang kumplikadong damdamin. Tinalakay namin ito base sa mga pisikal nitong manipestasyon, at dinahan dahan naming ang paghimay ng kalungkutan, pagkapusok, at pagka-ungrounded ng kanyang karanasan. Hindi kinakailanganang "puntahan" ang nakaraan, dahil ang nakaraan ay makikita sa kasulukuyan, at lahat ng kailangan natin upang harapin ang pagkadi-tapos ng nakaraan ay makukuha at magagamit natin ngayon, sa kasalukuyang panahon.
Tinrabaho din namin ang polarity. Ang kanyang napakapusok na sekswal na sarili, at ang kanyang masayang maybahay na sarili. Ang kanyang paglagpas sa kanyang mga hangganan, at ang kanyang konserbatibo at hindi padalus-dalos na sarili.
Sa pag-uusap na ito, inutusan ko siyang magpalit ng katauhan habang inaakto ang parehong aspeto ng kanyang sarili.
Sinuri ko rin ang mga pakiramdam na mayroon siya sa bawat aspeto. Inudyukan ko ang bawat aspeto na punan ang isa pang aspeto. "Masyado kang mapusok". "Masyado kang nakakabagot".
Matapos ang ilang pag-uusap, unti-unting naging mas malapit ang parehong aspeto, at nagkasundo. Natural itong nangyayari, basta't may kasamang tamang klase ng suporta, at nauuwi sa integration ng ating "splits", sa termino ni Fritz Perls.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento