lifeworksgestaltl1

Lunes, Hunyo 2, 2014

Case #10 - Takot, pagka-agresibo, at sarap

Si Bridget ay isang napakasensitibong tao. Nagkaroon siya ng mga malalang allergy noon, sensitibo ang katawan niya sa kanyang paligid, at madali siyang matakot.
Sinabi niya sakin na mahirap para sa kanya kapag may taong galit sa kanya. Pakiramdam niya raw ay napaka-vulnerable niya, kahit simpleng di-pagkakaintindihan lamang ito sa pagitan niya at ng kanyang asawa.
Sinabi niya pa, "Hindi akin ang katawan ko, manhid ako, wala akong konsepto ng boundary."
Mahirap dawnpara sa kanya ang maging konektado sa sarili niyang katawan, lalo na kapag may tao sa paligid na hindi natutuwa sa kanya.
Tinanong ko siya tungkol sa kanyang mga puna. Sinabi niya na matigas raw ang ulo niya, at na insensitive siya.
Kinuwentuhan ko siya tungkol sa pagkatigas ng aking ulo at sa aking insensitivity.
Sinabi niya na kaya niyang pagmukhaing nanlilisik ang kanyang mga mata, at tahimik na itulak papalayo ang ibang tao.
Inutusan ko siyang isipin ang kanyang mga mata habang nagtutulak palayo ng ibang tao, gaya ng sinabi niya. Sinabi niya na "Ang mga mata ko ay pulang pula; kaya kong pumatay gamit ito." Naglarawan siya ng imahe kung saan may sinasampal siyang isang tao.
Napagsamantalahan daw siya noong dalaga pa siya, kaya malaki ang galit niya sa mga lalaki.
Kaya inutusan ko siyang isipin na sinasaktan niya ang lalaking gumawa noon sa kanya.
Nakaramdam siya ng kapangyarihan, at hinikayat ko siyang pansinin ang iba pang bahagi ng kanyang katawan. Nakaramdam daw siya ng lakas sa kanyang mga masel, balat, at binti.
Dati, 'torture' para sa kanya ang kanyang katawan. Ngunit ngayon ay maganda na ang pakiramdam niya dito.
Sunod, pinag-usapan naman namin ang kanyang sekswalidad. Sa loob ng maraming taon siya ay naging kimi, takot, at madaling matigilan pagdating sa sekswalidad at pakikipagtalik sa kanyang asawa.
Hinikayat ko siyang isipin ang pagiging sexually aggressive sa kanyang asawa. Sobrang nagustuhan niya ang imaheng ito.
Inusisa din namin ang iba pang aspeto ng kanyang buhay kung saan maaari siyang maging agressive - halimbawa, pakikipagsaluhan ng baseball sa kanyang anak.
Napakaganda raw ng pakiramdam niya.
Sa session na ito, nagsimula kami sa kanyang vulnerability, at sa kanyang pagiging 'scared out of her body'. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang posisyon kung saan wala siya gaanong kapangyarihan, at naging permanenteng kadikit na ito ng kanyang mga karanasan sa buhay. Naistorbo nito ang intimacy nila ng kanyang asawa, at ang kakayanan niyang makipag-communicate ng maayos.
Itong posisyon ng pagiging 'hard done by' ay ang kabilang polarity ng isang tao na malakas ang impact sa iba. Bagamat tahimik ang posisyong ito, sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanyang mga karanasan bilang 'tagatulak' (pusher) ay naungkat namin ang kanyang galit.
Ang somatic marker nito - ang kanyang mga mata - ang naging susi sa pagpapalalim ng karansan niya ng kanyang galit. Napalabas ito sa pamamagitan ng pagvi-visualise ng agresibong pagkilos.
Hindi nito layong hikayatin ang agresibong pag-uugali laban sa iba. Bagkus, ang layon nito ay tulungan siyang tumawid sa kabilang polarity para ma-integrate din ito sa buo niyang pagkatao.
Ibang klase ang naging pagbabago. Hindi na raw niya nararamdaman ang pagiging sensitibo, kawalan ng kapangyarihan, takot, o pagkahiwalay sa katotohanan. Hindi niya lamang binaligtad ang sitwasyon laban sa mga may atraso sa kanya; naramdaman niya rin mismo sa sarili niya na handa na siyang maging aktibo sa pakikipagtalik sa kanyang asawa, isang bagay na matagal nang hindi nangyayari.
Ang pagkakadiskubre ng posibilidad na pwedeng maging playful ang aggression pagdating sa sex o sa kanyang anak ay bago sa kanya, at siyang nagbigay sa kanya ng kakaibang perspektibo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)