Biyernes, Pebrero 20, 2015
Case #53 - Sobrang pag-inom, o sobrang pagbibigay?
Umiinom si Tom - masyado nga lang marami, at masyadong madalas. Ilang taon niya na itong ginagawa. Minsan tumitigil siya, minsan nagsisimula siyang ulit.
Hindi masaya si Abby, at direkta niyang sinasabi dito na kailangan na niyang magbago. Nagbabago nga ito minsan - titigil ito sa pag-inom, magkakaayos sila ulit, ngunit unti-unti ay uulit nanaman ito.
Gusto ni Abby ng isang magandang relasyon. Gusto niya ng koneksyon, komunikasyon, at pagiging totoo. Matagal na silang nagsasama, at ayaw niyang itapon nalang ng basta ang kanilang relasyon. Hindi umuubra ang paulit ulit na panenermon, ngunit hindi rin uubra kung hahayaan niya lamang ito. Frustrated na frustrated na si Abby. Mukhang hindi kayang panindigan ni Tom ang mga pagbabago na kailangan niya.
Walang duda na may problema sa alak si Tom. Malinaw na wala siyang kontrol dito, at malinaw din na sa limitadong panahon lamang umuubra ang mga tangka nitong tumigil - minsan aabot ito ng anim na buwan, ngunit pagkatapos ay magsisimula nanaman ito.
Ginagawa ni Abby ang lahat ng kanyang makakaya. Naging malinaw siya sa mga gusto niya. Naglagay siya ng mga hangganan. Pumupunta siya sa therapy upang humingi ng tulong.
Mula sa perspektibo ng Field, ang pagkalulong ay hindi isang bagay na nasa "loob" ng isang tao, kundi isang bagay na nasa "loob" ng pamilya o ng relasyon. Pinapanatili ito ng higit sa isang tao, ngunit sa kasong ito, tila ginagawa ni Abby ang lahat ng magagawa niya upang mabago ang sitwasyon. Hindi malinaw sa kanya ang parteng ginagampanan niya dito - tila wala siyang ibang gusto kundi mawala ang isyu ng pagkalulong sa kanilang relasyon.
Ang ama ni Abby ay mapangkontrol, mababa ang tingin sa iba, at masama ang ugali. Hindi natugunan ang pangagailangan ni Abby na maalagaan at mapakinggan, kaya natutunan niyang maging matulunging bata upang makakuha ng pagkilala.
Ang tawag natin dito sa Gestalt ay "creative adjustment". Umuubra ito noon, ngunit ngayon at matanda na siya, nakikita ni Abby na mas lalo lang siyang nast-stuck - hindi na umuubra para sa kanya ang creative adjustment.
Sinabi niya na ito raw ang nagdala sa kanya sa nursing - sa pag-aalaga ng iba at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ito rin ang ginagawa niya kay Tom.
Habang mas pinapalalim pa namin ito, naging aware si Abby na tila pagbibigay na ng regalo ang kanyang pagiging matulungin. Kung magbibigay siya sa iba, partikular sa lalaki, magkakaroon siya ng silbi; gugustuhin siya ng iba, bibigyan ng pagkikilala, at kakailanganin.
At ito nga ang sitwasyon niya kay Tom. Kailangan siya nito, at malulungkot ito kung magagalit siya at aatras. Hindi niya kayang makita itong malungkot, kaya babalik ulit siya dito.
Ang mahalaga dito ay ang pagtukoy natin ng kanyang pagiging matulungin bilang isang klase ng manipulasyon - "Kung may ibibigay ako sayo, kakailanganin mo ako, at hindi mo ako iiwan."
Ang mahalaga ay ang pagbabagong dulot nito - ngayon ay malinaw na kay Abby hindi lang ang pagkakalulong ni Tom sa alak, kundi pati ang kanyang paulit-ulit na manipulasyon - pagbibigay upang makakuha, na tinatawag nating "proflection" sa Gestalt.
Isa itong halimbawa ng tinatawag natin distorted boundary - sa unang tingin ay tila nagbibigay lamang siya, ngunit mayroon talagang motibo sa likod nito, kaya ang pagbibigay ay conditional at hindi unconditional.
Naging makahulugan ang kaalamang ito para sa kanya - ngayon ay nakikita niya na hindi lamang ang pamilyar na pattern ng pag-inom ni Tom, kundi pati ang pattern na kasama nito - ang kanyang mapangmanipulang pagbibigay.
Sa Gestalt, pinagtutuunan natin ng pansin ang awareness, hindi lamang sa "here and now" kundi pati ng awareness sa field - kasama ang mga kumplikadong aspeto nito, lalo na ang mga tagong pattern ng pagkilos.
Kung mabubuking ang mga tagong pagkilos na ito, magiging posible para sa tao na akuin at kontrolin ang pagkilos na iyon, anuman ang pinanggalingan nito - "taking responsibility", ika nga sa Gestalt. Mapagpalaya ito. Nagbibigay ng options sa tao ang pagiging aware sa kanyang pagiging mapangmanipula, habang reaksyon lamang ang kanyang mapapala kung ang ugali lamang ng isa pang tao ang kanyang makikita.

Biyernes, Pebrero 13, 2015
Case #52 - Ang party girls
Nagkaroon ng maraming seryosong relasyon sa buhay si Martin. Ngayong 50 anyos na siya, mayroon siyang napaka heart-connected na relasyon, ngunit wala silang anak.
Palagi raw siyang naaakit sa mga "party girls". Sa huli, kahit gaano niya subukang iligtas ang relasyon, hindi niya ito napapatagal, hanggang sa makilala niya ang karelasyon niya ngayon.
Masaya na siya ngayon...ngunit mahilig paring uminom at magsaya ang kanyang kabiyak. Habang natutuwa naman siya dito, minsan pakiramdam niya ay sumosobra na ito, at madalas ay gusto niyang umalis ng mas maaga sa mga pagtitipon kaysa dito.
Kaya naman minsan ay napapainom siya ng mas higit sa gusto niya.
Pagdating sa mga bagay gaya ng alak at mga pattern ng relasyon, mas magandang tingnan ang kabuuan ng sitwasyon. Ang tawag natin dito sa Gestalt ay Field. Palagi itong ginagawa sa mga family constellation, ngunit maraming iba't ibang lapit dito. Sa individual therapy, may mga partikular na paksa kung saan mas magandang bigyang pansin ang mas malaking konteksto.
Kaya nagtanong ako tungkol sa kanyang mga magulang, pati kanyang mga lolo at lola. Nagkakasundo naman daw ng maigi ang kanyang mga magulang.
Adventurous palang babae ang kanyang lola sa ama. Madalas daw itong bumiyahe sa iba't ibang lugar, at matagal bago ito nag-asawa. Sikat daw ito sa mga tao, ngunit hindi raw ito palaging nandiyan upang maging ina. Kaya ang kanyang karanasan ng parenting ay mas nanggaling sa kanyang ama, na mas stable.
Kahit kailan ay hindi naisip ni Martin na magkakakonekta ang mga ito, ngunit naging malinaw kung bakit siya naaakit sa mga babae na buhay na buhay, ngunit unstable.
Ang susunod na gawain ay ang pagdadala nito sa kasalukuyan. Naglabas ako ng isang upuan upang tumayo bilang "party girl", at sinabihan ko siyang pakiramdaman ang kanyang mga emosyon. Magkahalo raw ito - may atraksyon, ngunit mayroon ding sakit, dahil nga sa kanyang mga nakaraang relasyon. Tinanong ko kung ano ang nabubuhay sa kanya tuwing umuupo siya sa harap ng ganitong klase ng babae.
Naging aware siya sa iba't ibang bagay - sa kanyang pagkasabik, sa kanyang galit, at sa pakiramdam ng kawalan. Pinatukoy ko kung saang parte ng katawan niya ito nararamdaman. Nakapansin daw siya ng paninikip sa kanyang dibdib.
Sinabi niya na ito rin daw ang kanyang naramdaman nang magsimulang sumobra sa pag-inom ang kanyang kabiyak - parang takot o taranta. Kadalasan, sa puntong iyon ay pagsasabihan niya ang kanyang partner, o hindi kikibo, o magkakaroon ng hinanakit dito.
Kaya sinabihan ko siyang manatili sa pakiramdam na iyon, at na kausapin ang kanyang partner na "nakaupo" sa upuan.
Nahirapan siyang gawin ito - hindi raw siya kumportable dito.
Kaya sinabi ko na magpalit palit siya ng posisyon - uupo rin siya sa upuan, at sasagot siya na para bang siya ang kanyang kabiyak. Sa posisyong iyon, pakiramdam niya raw ay rebelde siya - ayaw niyang sinasabi sa kanya kung ano ang dapat iyang gawin, at sinabi niya na "Kung talagang may pakialam ka akin, bibigyan mo ako ng kalayaan imbis na subukan akong kontrolin."
Medyo pamilyar daw ito kay Martin - narinig niya na nga ang mga ganitong salita sa kanyang kabiyak dati.
Kaya pinaupo ko siyang muli sa tabi ko, at nagtanong ako tungkol sa rebeldeng parte ng kanyang pagkatao. Interesado kami sa mga polarity sa Gestalt, lalo na doon sa mga hindi konektado sa isang polarity at mas konektado sa isa.
Hindi raw siya sanay isipin ang kanyang sarili sa ganoong paraan - ang partner niya raw talaga kasi ang rebelde.
Tinanong ko siya - kung mayroon siyang kalayaan, ano ang mga bagay na gugustuhin niyang gawin kung magrerebelde siya?
Binanggit niya ang kanyang pagtitiis sa ilalim ng mapagkontrol na ugali ng kanyang boss, at ang kanyang hindi pagsasalita tungkol dito.
Kaya minungkahi ko na ilagay niya ang kanyang boss sa upuan, at magsabi ng isang rebellious na bagay dito. Habang ginagawa niya ito, nakaramdam siya ng kalayaan, at tila may bigat na nawala mula sa kanya.
Inulit ulit namin ito para sa iba't ibang eksena sa kanyang buhay, at pagkatapos ng bawat ulit ay nakaramdam siya ng matinding ginhawa - siya kasi ang tipikal na "mabait na bata".
Pakiramdam niya ay mas lumakas siya, at naging mas empowered.
Unang hakbang pa lamang ito sa isang buong serye ng therapy sessions, ngunit binibida nito kung paano pinapalabas ng projection ang enerhiya na kailangan natin upang magkaroon ng balanse at aliveness- na siya ngang mga layunin ng Gestalt.

Lunes, Pebrero 2, 2015
Case #51 - Pagharap sa isag multo
Nagkwento si Leanne tungkol sa kanyang pagiging matatakutin. Takot siya sa mga ipis, madali siyang magulat, at minsan hirap siyang makatulog sa gabi dahil nag-aalala siya na baka may magnanakaw na pumasok sa bintana, o multo, o halimaw. Natatakot din siya na baka maka-engkwentro siya ng mga halimaw habang nagbabangka siya.
Tila child state ito, kaya tinanong ko kung ano ang nangyari noong kabataan niya upang maging matatakutin siya.
Agad niyang kinuwento ang isang insidente noong 6 anyos pa lamang siya. Isang batang lalaki, na isa sa mga matatalik niyang kaibigan, ay namatay sa pagkalunod. Ilang oras bago ito nadiskubre. Dinala ito sa bahay nila at hiniling ng pamilya nito na buhayin ito ng kanyang ama - doktor kasi ito. Hindi siya nagtagumpay.
Bumabagyo noong gabing iyon, at natulog siya ng may takot sa kanyang puso. Pagkatapos ay binangungot siya - kailangan niya raw iligtas itong taong ito, ngunit hindi niya kaya. Madalas niya itong isipin habang lumalaki siya, at nalulungkot parin siya tuwing naiisip niya ito.
Ngayon, malinaw na kung sinong "multo" ang kinatatakutan niya.
Nagmungkahi ako ng isang confronting na eksperimento - gagamitin namin ang drama, lakas ng kanyang takot, at ang oras na ito upang harapin, sa wakas, ng direkta ang kanyang takot.
Sinabi ko na tatabihan ko siya habang nakaharap siya sa bukas na bintana, at tatayo sa likod niya ang grupo bilang suporta. Sunod, iimbitahan niya ang multo ng kaibigan niyang namatay na pumasok sa kwarto at tumayo sa harap niya.
Ginawa niya nga ito, ngunit nanginginig siya. Hinayaan ko siyang sumandal sa akin. Hinawakan ko siya ng mahigpit, at mas pinalapit ko pa sa likod namin ang grupo. Sinabihan ko siyang kausapin ng direkta ang "multo" at sabihin dito ang kanyang nararamdaman, ang kanyang mga pinagdaanan, at kung gaano niya ito nami-miss.
Tinanong ko kung ano ang naging sagot ng "multo", at sinabi niya na hindi raw nito nagustuhan ang kanyang narinig. Mahalaga na maproseso niya ito; ngunit may bahagi parin sa kanya na naghahangad ng kamatayan upang mapalapit dito.
Kaya inudyukan ko siyang mas kausapin pa ito, sabihing maigi dito ang kanyang mga nararamdaman, at pakinggang maigi ang sagot nito.
Kinailangan ko siyang suportahan upang mapagtagumpayan niya ang kanyang takot, pati ang kanyang hinagpis. Sinabihan ko siyang huminga ng maigi sa kanyang tiyan, at papunta sa kanyang mga binti.
Sa Gestalt, pinagtutuunan namin ng pansin ang grounding at ang paghinga, pati ang pagtulong sa tao na manatili sa kasalukuyan kasama ang kanilang karanasan at ang lakas ng kanilang emosyon. Madalas ay kulang ang suporta upang magawa nila ito, lalo kapag bata pa sila, kaya makakatulong ang suporta upang maharap nilang muli ang kanilang karanasan ng hindi na nalulula dito, at sa paraang mapoproseso na nila ito ng maayos.
Napakahirap para sa kanyang manatili sa kasalukuyan - namuhay siya ng 30 taon sa takot, at nasanay siya sa mababaw na paghinga na siyang nagpapalala pa ng takot, kaya napakahirap para sa kanyang huminga ng malalim. Nangailangan siya ng maraming suporta at direksyon mula sa akin.
Matapos ang ilang sandali ay kumalma na siya, at nakayanan niya nang bitawan ang multong ito at bumalik ng buo sa kanyang sarili. Mas ramdam niya na ang kanyang katawan, at nawala na ang lahat ng bakas ng takot sa kanya.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)