Lunes, Pebrero 2, 2015
Case #51 - Pagharap sa isag multo
Nagkwento si Leanne tungkol sa kanyang pagiging matatakutin. Takot siya sa mga ipis, madali siyang magulat, at minsan hirap siyang makatulog sa gabi dahil nag-aalala siya na baka may magnanakaw na pumasok sa bintana, o multo, o halimaw. Natatakot din siya na baka maka-engkwentro siya ng mga halimaw habang nagbabangka siya.
Tila child state ito, kaya tinanong ko kung ano ang nangyari noong kabataan niya upang maging matatakutin siya.
Agad niyang kinuwento ang isang insidente noong 6 anyos pa lamang siya. Isang batang lalaki, na isa sa mga matatalik niyang kaibigan, ay namatay sa pagkalunod. Ilang oras bago ito nadiskubre. Dinala ito sa bahay nila at hiniling ng pamilya nito na buhayin ito ng kanyang ama - doktor kasi ito. Hindi siya nagtagumpay.
Bumabagyo noong gabing iyon, at natulog siya ng may takot sa kanyang puso. Pagkatapos ay binangungot siya - kailangan niya raw iligtas itong taong ito, ngunit hindi niya kaya. Madalas niya itong isipin habang lumalaki siya, at nalulungkot parin siya tuwing naiisip niya ito.
Ngayon, malinaw na kung sinong "multo" ang kinatatakutan niya.
Nagmungkahi ako ng isang confronting na eksperimento - gagamitin namin ang drama, lakas ng kanyang takot, at ang oras na ito upang harapin, sa wakas, ng direkta ang kanyang takot.
Sinabi ko na tatabihan ko siya habang nakaharap siya sa bukas na bintana, at tatayo sa likod niya ang grupo bilang suporta. Sunod, iimbitahan niya ang multo ng kaibigan niyang namatay na pumasok sa kwarto at tumayo sa harap niya.
Ginawa niya nga ito, ngunit nanginginig siya. Hinayaan ko siyang sumandal sa akin. Hinawakan ko siya ng mahigpit, at mas pinalapit ko pa sa likod namin ang grupo. Sinabihan ko siyang kausapin ng direkta ang "multo" at sabihin dito ang kanyang nararamdaman, ang kanyang mga pinagdaanan, at kung gaano niya ito nami-miss.
Tinanong ko kung ano ang naging sagot ng "multo", at sinabi niya na hindi raw nito nagustuhan ang kanyang narinig. Mahalaga na maproseso niya ito; ngunit may bahagi parin sa kanya na naghahangad ng kamatayan upang mapalapit dito.
Kaya inudyukan ko siyang mas kausapin pa ito, sabihing maigi dito ang kanyang mga nararamdaman, at pakinggang maigi ang sagot nito.
Kinailangan ko siyang suportahan upang mapagtagumpayan niya ang kanyang takot, pati ang kanyang hinagpis. Sinabihan ko siyang huminga ng maigi sa kanyang tiyan, at papunta sa kanyang mga binti.
Sa Gestalt, pinagtutuunan namin ng pansin ang grounding at ang paghinga, pati ang pagtulong sa tao na manatili sa kasalukuyan kasama ang kanilang karanasan at ang lakas ng kanilang emosyon. Madalas ay kulang ang suporta upang magawa nila ito, lalo kapag bata pa sila, kaya makakatulong ang suporta upang maharap nilang muli ang kanilang karanasan ng hindi na nalulula dito, at sa paraang mapoproseso na nila ito ng maayos.
Napakahirap para sa kanyang manatili sa kasalukuyan - namuhay siya ng 30 taon sa takot, at nasanay siya sa mababaw na paghinga na siyang nagpapalala pa ng takot, kaya napakahirap para sa kanyang huminga ng malalim. Nangailangan siya ng maraming suporta at direksyon mula sa akin.
Matapos ang ilang sandali ay kumalma na siya, at nakayanan niya nang bitawan ang multong ito at bumalik ng buo sa kanyang sarili. Mas ramdam niya na ang kanyang katawan, at nawala na ang lahat ng bakas ng takot sa kanya.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento