Martes, Abril 29, 2014
Case #2 - Hanggang saan ang mga hangganan mo?
May isang binata na pumuntang may bitbit na mga isyu sa kanyang nobya. Pursigido siyang ipagpatuloy ang relasyon, ngunit nais ng babaeng maglagay ng distansya sa pagitan nila, at bagamat sinabi nitong mahal niya ang binata, kapansin pansin na para bang nawawalan na siya ng interes at nagnanais ng mas maluwag na koneksyon sa pagitan nila.
Hindi makapalag ang binata at nararamdaman niya na parang wala siyang masyadong sabi sa sitwasyon. Pakiramdam niya na parang nasa babae ang huling salita at bukod sa pagpupumilit ng kanyang gusto, hindi niya na alam kung ano pa ang pupuwede niyang gawin. Hindi mabuo ng babae ang isip niya, at hindi malinaw kung ano ba talaga ang gusto niya.
Kaya sinuri namin ang kanyang pagkatao sa sitwasyong iyon. Sa Gestalt, hindi kami gaanong interesado sa paghahanap ng solusyon; mas naglalaan kami ng pokus sa pagmumulat. Kaya ang tanong na "Sino ka ba talaga?" ay isang masusing kasangkapan sa iba't ibang sitwasyon.
Kaya bagamat mukhang nasa posisyon siya kung saan wala siya masyadong kapangyarihang pumili, ang pinakaunang bagay na kailangan niyang gawin ay hanapin kung saan ang kanyang mga hangganan. Ang paglalarawan ng sarili ay natutulungan ng pagtatalaga ng pansariling mga hangganan.
Kaya sinubukan namin ang mga tanong na gaya ng:
- Ano ang minimum na contact na sapat para sa iyo?
- Gaano ka katagal handang maghintay bago umusad at kumalimot?
- Ano ang mga ekspektasyon mo hinggil sa lebel ng personal na interaksyon?
- Ano ang gusto mong makamit sa pangmatagalan?
- Habang kayo ay magkahiwalay, ano ang mga hangganan at palatuntunan na itinatatag mo para sa sarili mo, at na hinihiling mong itatag niya para sa sarili niya?
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga hangganang ito, nakita niya na hindi lamang siya nasa posisyon upang "manlimos"; nakita niya na kaya niya rin palang maglinaw ng sarili niyang posisyon sa relasyon.
Sa Gestalt, nakikita namin ang mga hangganan bilang mahalaga sa pagpapabuti ng maganda at malinaw na contact. May iba't ibang paraan upang intindihin ang paglabo ng mga hangganan, at nakakatulong ang pagtukoy ng mga paraan na iyon sa aming pag-intindi sa pagkaka-"out of balance" ng mga kliyente, at sa kung paano nila mababalanseng muli ang mga sarili nila.

Biyernes, Abril 25, 2014
Case #1 - Si Trevor at Pagdududa

Si Trevor ay may karelasyon na babae; sa katunayan, inaya niya na nga itong magpakasal. Ngunit hindi parin siya sigurado kung ang babaeng ito nga ba ang para sa kanya. Mas naging kumportable siya sa kanyang desisyon habang ginagawa namin ang therapy, ngunit may nanatili paring duda. Nararamdaman niya na pareho sila ng mga prinsipyo, na mahal nila ang isa't isa, at na kaya nilang magkaroon ng magandang buhay na magkasama. Ngunit lagi siyang ginagambala ng duda niya - mayroon kayang iba diyan na mas bagay pala sa kanya?
Paulit-ulit niyang sinubukang talunin ang kanyang duda - sinabi niya sa sarili niya na hindi ito rasyonal, makatwiran, o nakakatulong. SInubukan niya ring isipin ang mga magandang katangian ng babaeng ito, ngunit paulit-ulit paring lumilitaw ang duda upang guluhin ang kanilang pagsasama.
Kaya sa therapy, sumubok kami ng iba't ibang lapit sa kanyang problema.
Una, tiningnan namin ang konteksto - ito ang Field Theory orientation ng Gestalt. Mayroon palang relasyon sa ibang babae ang kanyang ama mula pa noon, at kinalakhan na ni Trevor ang ganitong klaseng sitwasyon. Kaya naman pagdating sa pag-aasawa, nahuhuli niya ang sarili niyang nag-iisip na baka may iba pang babae diyan na maaaring "magnakaw" ng kanyang atensyon.
Pinasubok ko sa kanya ang pag-roleplay ng isang pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang ama, at sa pagitan niya at ng kabit nito. Na sabihin niya sa kanila kung paano nakaapekto sa kanya bilang bata ang kanilang relasyon, at kung paanong patuloy parin siyang ginagambala ng relasyong ito. Hinamon ko siya na pansinin ang kanyang mga nararamdaman - kalungkutan, galit - habang kinakausap niya sila.
Nakatulong ang pag-uusap na ito upang tapusin ang "unfinished business" niya sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng pagmulat sa kanya sa kanyang kasalukuyang karanasan, nakakuha siya ng suporta mula sa therapy at napagalaw niyang muli ang enerhiya sa kanyang katawan. Naiipon din kasi sa katawan ang "unfinished business".
Ngunit marami pang kailangang ayusin. Kinailangan din naming ayusin ang kanyang mga sobrang magkasalungat na emosyon (ang kanyang polarity): pagkakampante/kahandaang magcommit, at duda/di-pagkasigurado. Kasama sa mga interes ng Gestalt ang pagkakasundo ng mga magkasalungat na emosyon o polarity.
Kaya inimbitahan ko siya sa isa pang Gestalt experiment: isipin na may kinakasausap siyang isang kaibigan at umakto bilang isang taong paladuda - sa ibang salita, ang pakikiisa sa at pag-aari ng boses ng duda sa kanyang isipan.
Kakatwa ang susunod na nangyari. Sinimulan niyang gawin ang kabaligtaran ng pinapagawa sa kanya - sinabihan niya ang kaibigan niya na kailangan niyang tibayan ang kanyang pagtitiwala.
Napansin ko ito at pinaalam ko sa kanya na mayroon na siyang "boses ng paniniwala". Tinulungan siya nitong makadiskubre ng isang alternatibong boses para sa pagdududa.
Kaya ngayon, tuwing nakakarinig siya ng "boses ng pagdududa", kaya niya naring pakinggan ang "boses ng paniniwala" na siyang kokontra sa negatibong epekto ng pagdududa.
Nakamit ito hindi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng payo, kundi sa pamamagitan ng paggawa ng oportunidad upang magkaroon siya ng bagong karanasan; ito ang mas pinagtutuunan ng pansin sa Gestalt therapy.

Huwebes, Abril 24, 2014
Upcoming workshops in Romania
H folks.
I wanted to let you know that I will be running two workshops in Romania in May.
-------------------------------------------------------
Workshop #1
Host:
Societatea de Gestalt Terapie din Romania
Workshop subject:
A Gestalt approach to working with couples
City:
Bucharest
Contact:
gestaltro@yahoo.com
ph +40 (21) 319 69 52

Workshop #2
Host:
AMURTEL Romania
Workshop subject:
Psychotherapy and spirituality
City:
Bucharest
Contact:
didi@amurtel.ro
ph +40 (744) 565 252

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)