
Paulit-ulit niyang sinubukang talunin ang kanyang duda - sinabi niya sa sarili niya na hindi ito rasyonal, makatwiran, o nakakatulong. SInubukan niya ring isipin ang mga magandang katangian ng babaeng ito, ngunit paulit-ulit paring lumilitaw ang duda upang guluhin ang kanilang pagsasama.
Kaya sa therapy, sumubok kami ng iba't ibang lapit sa kanyang problema.
Una, tiningnan namin ang konteksto - ito ang Field Theory orientation ng Gestalt. Mayroon palang relasyon sa ibang babae ang kanyang ama mula pa noon, at kinalakhan na ni Trevor ang ganitong klaseng sitwasyon. Kaya naman pagdating sa pag-aasawa, nahuhuli niya ang sarili niyang nag-iisip na baka may iba pang babae diyan na maaaring "magnakaw" ng kanyang atensyon.
Pinasubok ko sa kanya ang pag-roleplay ng isang pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang ama, at sa pagitan niya at ng kabit nito. Na sabihin niya sa kanila kung paano nakaapekto sa kanya bilang bata ang kanilang relasyon, at kung paanong patuloy parin siyang ginagambala ng relasyong ito. Hinamon ko siya na pansinin ang kanyang mga nararamdaman - kalungkutan, galit - habang kinakausap niya sila.
Nakatulong ang pag-uusap na ito upang tapusin ang "unfinished business" niya sa kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng pagmulat sa kanya sa kanyang kasalukuyang karanasan, nakakuha siya ng suporta mula sa therapy at napagalaw niyang muli ang enerhiya sa kanyang katawan. Naiipon din kasi sa katawan ang "unfinished business".
Ngunit marami pang kailangang ayusin. Kinailangan din naming ayusin ang kanyang mga sobrang magkasalungat na emosyon (ang kanyang polarity): pagkakampante/kahandaang magcommit, at duda/di-pagkasigurado. Kasama sa mga interes ng Gestalt ang pagkakasundo ng mga magkasalungat na emosyon o polarity.
Kaya inimbitahan ko siya sa isa pang Gestalt experiment: isipin na may kinakasausap siyang isang kaibigan at umakto bilang isang taong paladuda - sa ibang salita, ang pakikiisa sa at pag-aari ng boses ng duda sa kanyang isipan.
Kakatwa ang susunod na nangyari. Sinimulan niyang gawin ang kabaligtaran ng pinapagawa sa kanya - sinabihan niya ang kaibigan niya na kailangan niyang tibayan ang kanyang pagtitiwala.
Napansin ko ito at pinaalam ko sa kanya na mayroon na siyang "boses ng paniniwala". Tinulungan siya nitong makadiskubre ng isang alternatibong boses para sa pagdududa.
Kaya ngayon, tuwing nakakarinig siya ng "boses ng pagdududa", kaya niya naring pakinggan ang "boses ng paniniwala" na siyang kokontra sa negatibong epekto ng pagdududa.
Nakamit ito hindi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng payo, kundi sa pamamagitan ng paggawa ng oportunidad upang magkaroon siya ng bagong karanasan; ito ang mas pinagtutuunan ng pansin sa Gestalt therapy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento