
Tila wala namang "isyu" sa mga binanggit niya. Kaya nagtanong ako tungkol sa kanyang buhay mag-asawa. Maganda raw ito, at masaya raw siya.
Habang magandang indicator naman ang ganitong sagot, interesado parin ako sa kung paano niya ito nasabi - interesado ako sa mga detalye, sa madaling salita. Sa Gestalt, palagi kaming interesado sa paglayo sa mga generalisation papunta sa specifics, dahil ito ang aming paraan ng paggawa ng contact.
Nahirapan siyang sagutin ito. Nagtanong ako tungkol sa kanyang mga nararamdaman at muli, nahirapan siyang maging specific.
Kaya sinabi ko na baka may kinalaman ang kawalan ng clear figure sa kanyang pagiging hirap na pakiramdaman ang kanyang mga emosyon.
Nagmungkahi ako ng isang eksperimento - iikot siya sa grupo at titingnan ang mga tao dito, isa-isa, at papansinin niya ang kanyang nararamdaman habang tinitingnan ang bawat tao.
Nakayanan niyang ilarawan sa akin ang kanyang karanasan sa malinaw na paraan, kaya malinaw na mayroon siyang kapasidad na tukuyin ang kanyang karanasan sa relasyon; kailangan niya lang talaga siguro ng pag-uudyok at suporta mula sa paligid. Sumang-ayon naman siya dito.
Sunod ay binigyan ko siya ng specific na sasabihin: "Kapag tinitingnan kita, ako ay _____".
Tila napakasimple nito, ngunit mahalagang magsimula sa isang bagay na kaya niyang gawin. Kung iisipin ang kanyang natural na hirap sa pagtukoy ng kanyang mga nararamdaman, mukhang maganda nga kung dito kami magsisimula. Hinayaan ko siyang ilarawan sa akin ang kanyang karanasan sa iba, at pagkatapos ay pinasabi ko sa kanya ng direkta sa iba ang kanyang karanasan sa kanila. Palaging papunta sa relational na direksyon ang Gestalt.
Kaya ginawa niya ito sa maraming tao, at sa bawat pagkakataon ay naging malinaw ang kanyang pagkakasabi.
Muli, malinaw na kailangan niya lang talaga ng suporta mula sa paligid upang magawa niya ito.
Kaya sunod, naglabas ako ng isang unan, sinabi na isipin niya na ito ang kanyang asawa, at inimbitahan siyang kausapin ito gamit ang pangungusap na binigay ko sa kanya kanina: "Tuwing nakikita ko ang ____ sayo, ako ay ____".
Ginawa niya nga ito, at naging malinaw siya. Binanggit ko ito sa kanya, inudyukan siya, at sinabi na talagang may kapasidad nga siyang tukuyin ang kanyang mga nararamdaman at sabihin ito sa iba.
Sinabi ko na siguro ay kailangan niya lang ng maayos na ensayo, sa isang ligtas na setting. Sumang-ayon siya dito.
Sunod ay inimbitahan ko siyang gawin din ito sa kanyang ama.
Sinabi ko na mukhang suporta ang pinakamahalagang isyu dito, kaya inanyayahan ko siyang kausapin muli ang mga unan - una ang kanyang asawa, sunod ang kanyang ama - at sabihin sa kanila, "Tuwing ginagawa mo ang _____, ako ay _____, at nais ko sanang makatanggap ng _____ na suporta mula sayo."
Naging mahalaga ito para sa kanya, dahil naglinaw ito ng maraming detalye, at sinabi niya na pakiramdam niya raw ay napayapa siya pagkatapos nito.
Isa itong magandang halimbawa ng mala-behavioral na eksperimento na naghahalo ng emosyon, contact, pagiging awtentiko, at suporta. Ito ang mga pangunahing elemento na katrabaho natin sa Gestalt, at maaaring maging valuable ang ganoong sesyon na halos naging coaching process na.
Kung ayon sa sitwasyon, maaari ring ipasok sa Gestalt na lapit ang aspetong ito. Mahalagang malaman na hindi ito isang formula; binabagay ito sa tao, at sa kung anong klase ng proseso ang kailangan niya sa oras na iyon.