![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh90kN9xipqbN0fWZ7OXEpm7dN7cvJu91lBfsN_FllQI8nhh3dJj-taATzg1_JDEeAwEW4-Q2cd3SbGxTFUZDAG2pcaFb5V01uEpUbF5AuLNuRcA0Rzb7n7Tn9xlFXKjtr-EH4SNQHr4Eqo/s320/48-701716.jpg)
Kung lalapit ka sa isang doktor, makakatulong ang pagkuha ng pangawalang opinyon, ngunit hindi na magandang kumuha ng apat o lima pa - nakakalito na masyado iyon. Maaaring makalikha ng lalim ang pakikipagbuno sa isang isyu kasama ang iisang therapist lamang, ngunit maaaring maging counter productive ang "shopping around" para sa iba't ibang lapit. Kaya ayokong sumabak kaagad sa isyu - kinailangan ko muna itong pag-isipan ng maigi.
Nagtanong ako tungkol sa kanyang konteksto - ano ba ang nangyari isang taon ang nakaraan nang una siyang makaranas ng mga problema sa kalusugan? Kinwento niya ang kanyang pagbili ng "paper money" na ginagamit sa China upang sunugin bilang pag-alala sa isang yumao. Namatay ang kanyang ama limang taon na ang nakakaraan, at para dito niya binili ang "paper money" na ito.
Habang binibili niya ito, may isang "bruha" (ito ang ginamit niyang salita) na binalaan siyang huwag bumili ng masyadong marami; kundi, magkakasakit siya. Agad niyang sinubukang ibalik ang kanyang mga binili, ngunit ayaw na itong tanggapin ng tindahan.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang kanyang pagkakasakit.
Nagtanong ako tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ama. Naging malapit at mapag-alaga raw sila isa't isa, at araw araw niya itong iniisip. Madalas niya rin itong kinokonekta sa iba't ibang bagay sa buhay niya, gaya ng kanyang anak na lalaki.
Mahalaga na alamin mo muna ang mga detalye ng field ng isang tao, imbis na pagtuunan kaagad ng pansin ang mga emosyonal na isyu. Nagbibigay ang konteksto ng mahalagang impormasyon na maaaring gumabay sa direksyon ng therapy.
Kaya tinanong ko rin kung gaano kadalas niya itong isipin - matapos ang limang taon ay nakapokus parin siya dito, kaya mukhang may unfinished business siya sa kanyang ama.
Hindi niya naman matukoy kung ano ang unfinished business na ito, o kung ano talaga ang nararamdaman niya tuwing iniisip niya ang kanyang ama, kahit mukha itong positibo.
Posible sigurong mas usisain pa ang kanyang awareness sa mga susunod na sesyon, ngunit dahil malinaw na ayaw niya pa akong papasukin ngayon, ayokong basta na lamang mag-usisa. Sa halip, mas gusto kong manatili na lamang sa piniprisinta niya sa akin. Isa ito sa mga paraan ng Gestalt ng hindi pagpupumilit tuwing may resistance ang kliyente.
Kaya naupo lang ako doon at nakinig sa kanya.
Nagmungkahi ako ng takdang gawain - isang extended na Gestalt experiment.
Minungkahi ko na bumili siya ng isang piraso ng paper money. Tinanong ko kung may litrato ba siya ng kanyang ama; mayroon daw siya sa computer. Ganito ang pinagawa ko: araw-araw, sa parehong oras, gugupit siya ng maliit na piraso mula sa paper money, ilalagay ito sa burner, bubuksan ang litrato ng kanyang ama sa computer, pakikiusapan itong pagpalain ang kanyang buhay, at pagkatapos ay isasara nang muli ang litrato.
Ang tawag dito sa brief therapy ay "prescribing the symptom", at ang katapat naman nito sa Gestalt ay ang "paradoxical theory of change", o pagiging mas present sa kasalukuyan; sa "what is".
Humingi siya ng iba pang mga gawain. Malinaw na bunga ito ng kanyang di-mapakaling paghahanap ng therapy hinggil sa paksang ito, at isang isomorph ng babala ng bruha - na huwag siyang maging masyadong sugapa sa mga bagay na may halaga, na ngayon ay nirerepresenta ng pera na binili niya.
Gayunpaman, tinandaan ko ang kanyang pagiging di-mapakali para sa mga susunod na sesyon.
Naka-sick leave siya, kaya tinanong ko kung ano ang ginawa niya noong araw na iyon. Nasa bahay lang daw siya, at sa loob ng walong oras ay nagluto, nagpahinga, at naglakad lakad.
Tinanong ko kung may mga social issues ba na mahalaga sa kanya, ngunit wala naman daw.
Kaya minungkahi ko na mag-isip siya ng isang proyektong may kinalaman sa serbisyo na maaari niyang simulan sa ngalan ng kanyang ama.
Binago nito ang simbolismo para sa kanyang ama, at ginawa itong springboard papunta sa buhay at pakikisalamuha imbis na tagatuon ng pansin sa sakit, kamatayan, at kawalan ng pakikisalamuha. Binigyan din siya nito ng positibong bagay na maaari niyang pagtuunan ng pansin - isang bagay na maaaring tumayo bilang "silbi" ng kanyang buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento