![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgvjM77gfVC5detK1W4rA9fgQOgnbbD4TQmkfmSFgocymd7y5kL8KPVzXYtg-U0vP3RVu7Qbq1DacfRbvindzcdImFQnA3nhB5QiLJ1r5gauSM91gzjoIpL1kcrEv3Ml1AsIs36-ik5fuGo/s320/49-732989.jpg)
"Ako ito," sabi niya. "Matigas ang aking mga braso gaya ng sa zombie. Malungkot ang aking puso."
Kinuwento niya na malalang mag-away ang kanyang mga magulang habang lumalaki palang siya, at nakalikha ito ng maraming takot at paninigas sa kanya. Noong tumanda na siya, pakiramdam niya ay naging masyado siyang matigas, at nais niya sanang maging mas malambot. Ngunit pinapakita ng manika kung gaano talaga katigas ang pakiramdam niya.
Nakinig ako ng maigi, at naramdaman ko kung gaano kabukas ang puso ko sa kanya - tunay nga siyang malungkot.
Ngunit kasabay nito ay may lumutang na mapaglarong imahe sa isip ko na tila hindi bagay sa bigat ng sitwasyon - naisip ko ang mga zombie sa nakakatawang paraan.
Kaya binahagi ko ang aking malalim na koneksyon at pag-aalala sa kanya, pati narin ang mapaglarong imahe kong ito ng mga zombie. Hindi naman sa hindi ko ginagalang ang bigat ng kanyyang sitwasyon; gusto ko lang kasi sanang ibahagi ng mas buo ang aking sarili.
Naging bukas naman siya dito. Minungkahi ko na paglaruan namin ang imaheng iyon.
Kaya tumayo kami at naglakad ng magkatabi na tila mga zombie - nilapitan namin ang mga tao sa grupo. Karamihan sa grupo ay tumawa rin at natuwa sa aming kabaliwan. May ilan nga lang na natakot talaga, kaya iniwasan namin sila. Ngunit masasabi na sa kabuuan, isa itong nakakatawa at mala-baliw na karanasan.
Umupo na si Annabelle, at umupo rin ako ng nakaharap sa kanya, attentive sa kung anuman ang nararamdaman niya sa oras na iyon.
Pinalambot siya ng eksperimentong iyon, at ginawa siyang mas bukas. Pinakiramdaman niya ang maliliit ng braso ng kanyang manika at muling nagkomento sa katigasan nito. Ngunit baka lumambot daw ito kung hihimasin niya ito.
Ginawa ko itong cue. Kinuha ko ang kanyang mga braso gamit ang aking mga kamay at hinimas ito. Kumapit siya sa aking mga braso na parang maliit na bata na naghahanap ng kalinga. Tiningan ko siya upang makita kung kamusta ang karanasan para sa kanya, at nakikita ko na tila lumalambot na nga siya. Nagpatuloy ako sa paghimas sa kanyang mga braso, at kinausap ko siya tungkol sa paglambot. Nararamdaman ko ang lakas ng energy sa kanyang mga kamay. Kaya, habang sinasabi niya na tila lumalambot na ang kanyang mga braso, nilagay ko akg aking mga kamay sa aking hita at tinaas ang aking mga palad. Pinahintulutan ko siyang himasin ang aking mga kamay gamit ang kanyang mga kamay, at ginawa niya nga ito. Naging mabagal ang kanyang paghimas. Nagkomento ako tungkol sa dami ng enerhiya sa kanyang mga kamay. Nagkaroon siya ng malalim na koneksyon sa kanyang puso at mga nararamdaman, at nanatili ang kanyang contact sa akin sa buong prosesong ito.
Sinabi niya na ang aking mga kamay ay ang kanyang mga magulang: magkahiwalay, ngunit parehong nandoon. Hinawakan niya ang bawat kamay ng may pagmamahal, ngunit may halong lungkot. Pagkatapos ay kinuha niya ang manika at dinikit ang mukha nito sa bawat isa sa aking mga daliri. Pagkatapos ay kinuha niya ang dalawang braso; nilagay niya ang isang braso sa isa kong kamay, at nilagay din ang isa pang braso sa kabila kong kamay.
Sabi niya - kahit magkahiwalay ang mga magulang ko, maaari parin akong kumonekta sa kanilang dalawa.
Malalim ang kahulugan ng sandaling ito, at nagbago ang kalidad ng kanyang kalungkutan mula sa pagiging stuck at collapsed, papunta sa pagiging bukas at dumadaloy. Nag-relax ang kanyang mga braso at bawat bahagi ng katawan niya ay humihinga, nasa kasalukuyan, at konektado.
Isa itong malalim na karanasan para sa kanya, pati narin sa akin, at pagkatapos ay nakaramdam siya ng malalim na kapayapaan at integration.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento