lifeworksgestaltl1

Lunes, Hunyo 23, 2014

Case #12 - Panaginip: kambal, tubig, ina

Ang mga panaginip, pangarap, at kwento ay magkakatulad: binibigyan tayo ng mga ito ng mas malalim na pagkakaintindi sa isang tao.
Sumulat si Jesse ng kwento tungkol sa dalawang kambal na lalaki. Naglalaro raw sila sa tabi ng isang dam. Ang pangunahing tauhan, na tatawagin nating Tony, ay takot sa tubig. Ang kakambal naman niyang si Jack ay hindi.  Si Jack ay naglalaro na sa tubig at inuudyukan si Tony na gumaya sa kanya, ngunit ayaw ni Tony. Namatay daw kasi ang kanilang ina ilang taon na ang nakalipas, at ngayon ay inaalagaan na lamang sila ng isang madrasta. May dala dalang bato si Tony sa kanyang bulsa na bigay sa kanya ng kanyang ina. Kinuha ni Jack ang batong ito mula sa kanyang bulsa at binato ito sa tubig. Dali dali itong sinundan ni Tony, at nadiskubre niya na ayos lang naman pala siya sa tubig. Nakalimutan niya nang kunin ang bato.
Ang isyu ni Jesse ay ang kanyang pag-aalinlangan na pakasalan ang kanyang nobya. Mahal niya ito, ngunit wala siyang kumpiyansa sa kanilang magiging kinabukasan, at hindi siya makabuo ng maayos na desisyon.
Inusisa namin ang panaginip na ito sa pamamagitan ng pagpapahanap kay Tony ng koneksyon sa pagitan niya at ng bawat tauhan sa panaginip. Bilang si Tony siya ay takot sa tubig, at sa basta bastang pagsuong sa isang sitwasyon. Bilang si Jack siya ay spontaneous, kumportable sa kanyang sarili, at mapaglaro. Bilang patay na ina, siya ay mapagmahal, bata, at malambot. Bilang tubig, siya ay malalim.
Mahalaga dito ang kanyang karanasan bilang "nanay", dahil ang kanyang sariling ina ay malamig at malayo ang loob sa kanya. May kinalaman ito sa mga isyu niya sa kanyang relasyon sa mga babae - takot siya na masyadong mapalapit sa kanila, dahil natatakot siya na baka manlamig ang relasyon.
Ang malinaw dito ay ang kanyang koneksyon sa isang mas malalim, mainit, at feminine na bahagi ng kanyang karanasan. Ito ang nag-udyok sa kanya na tumalon sa tubig. Malinaw din na kailangan niya ang tulong ng kanyang "kakambal", isang bahagi ng kanyang sarili na walang takot, upang makayanang "itapon" ang imahe ng kanyang mapagkalingang ina sa tubig.
Tinanong ko kung maaari namin itong isadula. Ako ang magiging kambal na kukuha ng mahalagang gamit mula sa kanyang bulsa at magtatapon nito sa tubig. Pumayag siya. Habang ginagawa ito ay sinasabi ko ang bawat bahagi ng pagsasadula: "Ngayon kinukuha ko na ang bato, ngayon tinatapon ko na ito sa tubig". Inisip niya na tumalon siya sa tubig upang kunin ito. Naramdaman niya na unti unti na siyang nagrerelax.
Naging malalim at makabuluhang karanasan ito para sa kanya. Pakiramdam niya raw na siya ay payapa at tahimik; na kaya na niyang abutin ang isang mas malalim na parte ng kanyang sarili; at na hindi na siya gaanong nag-aalala tungkol sa kinabukasan ng kanyang mga relasyon. Tulad ng nangyari sa kwento, mula nang makapasok siya sa tubig, hindi na niya kinailangan ang alaala ng kanyang ina.
Malinaw nga lang na maraming bagay na kinakailangan dito. Una, dapat ay may ibang tao na tutulong sa kanya - kailangan niya ng "kambal" upang maibaling ang atensyon niya mula sa hinahangad niyang mainit na kalinga ng ina. Ang kanya namang magiging natural na paggalaw ay papunta sa lugar na mapagkukunan niya noon. Sa wakas, makakayanan niya nang maging buo at hindi hati sa dalawang bahagi - isang bahagi na gustong sumulong ngunit nag-aalinlangan, at isang bahagi na sumusulong lamang sa buhay. Naramdaman niya na nagkasundo na ang dalawang bahaging ito. Nakaramdam siya ng koneksyon sa malalim, mainit, at feminine na bahagi ng kanyang puso, kaya nakayanan niya nang suungin ang buhay at ang kanyang mga relasyon ng walang alinlanagan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)