Biyernes, Hunyo 27, 2014
Case #13 - Panaginip tungkol sa dugo
May panaginip si Liz na palaging umuulit. Pinakuwento ko ito sa kanya sa estilo ng Gestalt, gamit ang present tense - sa ganitong paraan namin pinapasok sa here and now ang isang kliyente kasama ang kanyang panaginip.
Ito ang kanyang pagkakakuwento:
Nasa tren ako, katabi ang aking ina. Sa harap ay may dalawang lalaki na nakasuot ng itim na uniporme. Tinutukso nila ako. Nagalit si Mama, kaya lumakad sila palayo. Maya maya, isa sa kanila ay umiihi na sa tabi ko sa tren, at maraming lumalabas na mainit na dugo galing sa kanyang bituka. Punong puno na ng mainit at mapulang dugo ang sahig ng tren. Natatakot ako. Nakatayo lang siya doon habang dumadaloy palabas ang kanyang dugo. Ganoon din ang nangyayari sa isa pang bata.
Nang makarating kami sa estasyon, may naabutan kaming babaeng doktor na maraming kagamitan. Nakaramdam ako ng ginhawa nang malaman ko na nandoon siya.
--
Tinanong ko kung ano ang nararamdaman niya, upang maintindihan ko siya ng mas malalim.
Nakakaramdam daw siya ng takot; takot na mamatay nang nag-iisa.
Noong magsalita siya bilang ang batang lalaki sa panaginip niya, sinabi niya, "Nauubusan na ako ng lakas at natutumba. Hindi ko na kayang panatilihin ang aking lakas."
Sinabihan ko siya na mas pakiramdaman ang kanyang katawan - maiuugnay nito ang kanyang mga karanasan sa panaginip sa kasalukuyang karanasan niya sa kanyang katawan, at mabibigyan siya nito ng mas malalim na pagkakakilala sa kanyang sarili.
Nakakaramdam daw siya ng tila walang patid na bigat sa kanyang dibdib. Tinanong ko siya kung gaano kainit ang pakiramdam niya sa oras na iyon. Mga 30% daw.
Binigyan ko siya ng feedback - binigyang pansin ko ang kanyang mga nararamdaman sa kanyang katawan (somatic experience)
Masasabi ko base sa karanasan ko sa kanya na isa siyang mainit na tao - mga 70%.
Tinanong ko siya tungkol sa pagkakaiba ng aming mga porsiyento, at binigyan ko rin siya ng eksperimento - kaya niya bang pataasin o pababain ang kanyang init?
Sa pamamaraang ito, masisimulan na naming bunuin ang litaw na isyu - ang kanyang init.
Kapag binababa niya ang kanyang init, pakiramdam niya raw ay hihimatayin siya, nasusuka, at nanlalamig ang bituka.
Sinabi pa nga niya na madalas daw siyang makaramdam ng sakit sa kanyang mga bituka, na para bang inutusok ito ng mga karayom. At talagang apektado siya ng lamig - hirap daw siyang huminga tuwing taglamig.
Ngayon, sinabihan ko siya na mas pakiramdaman ang kanyang bituka. Pakiramdam niya raw na siya ay mabigat, namamasa-masa, maalinsangan, at hindi gumagalaw.
Sinabi niya na hindi siya magaling tumanggap sa pisikal na antas. Hirap daw siyang makakuha ng lakas mula sa pagkain- mapayat siya at nangangailangan ng mga supplement. Kapag hinahawakan siya ng iba, natatakot siya. Mahirap para sa kanya ang magrelax. Hindi siya ganoon ka-interesado sa pakikipagtalik. Gusto niya ng pisikal na contact, pero haplos na tila para sa bata ang gusto niya.
Sinabihan ko siyang isipin na siya ang dugo sa kanyang panaginip; na mas usisain ang init nito.
Sinabi niya, "Ako ay mainit, puno ng buhay, at puno ng nutrisyon. Ayaw sa akin ng batang lalaki, lumalabas ako mula sa kanya, hindi niya ako kailangan."
Tinanong ko siya kung paano ito tumutugma sa buhay niya, at sa paraang ito ay kinokonekta ang karanasan sa panaginip sa totoong buhay.
Sinabi niya sa akin kung paano niya itinutulak palayo ang buhay...sobrang abala na raw kasi nito para sa kanya minsan, pakiramdam niya ay walang nakakaintindi sa kanya, at may boses lalaki sa loob niya na nagsasabing dapat na siyang mamatay.
Kaya nagtanong ako tungkol sa kanyang ama. Palagi raw itong lumalayo. Noong bata pa siya, sarado raw ito, hindi nakikipag-usap sa kanya, at palagi lamang nanood ng TV o nagkukulong. Matigas at masungit ang kanyang mukha. Naaawa raw siya rito, kaya sinusubukan niyang umakto na parang lalaki para pasayahin siya...gusto niya lamang na makita itong ngumiti at maging masaya.
Ngayong matanda na siya, tuwing nakikita niya ang kanyang ama, tila sumasakit daw ang kanyang tiyan. Tinitingnan daw siya nito na parang bata na hinahanap ang nanay nito.
Ngayon, malinaw na ang dahilan. Bilang bata, kinailangan niya ang init ng kanyang magulang - ng kanyang ama - pero sa katunayan siya pala talaga ang nagbibigay ng init dito, ngunit hindi ito sapat. Masyadong mahirap ang ganitong gampanin para sa isang bata, at inuubos nito ang lakas niya. Ngayon at wala siyang magandang napagkukunan ng init, madalas siyang makaramdam ng pagkaubos ng lakas; ng pagbibigay ng higit sa nakukuha niya. Sa labas ay nagmumukha siyang mapagbigay at tila nanay para sa ibang tao, ngunit sa loob loob niya ay puro sakit at kawalan ang nararamdaman niya.
Dahil dito, naiisipan niyang itulak palayo ang buhay, at nagiging mabigat na problema ito para sa kanya.
Sa puntong ito, hindi pa namin nasosolusyonan ang problema, ngunit sa wakas ay naibaling na namin ang kanyang atensyon (awareness) dito. Sa Gestalt, lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa awareness...

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento