Lunes, Hunyo 30, 2014
Case #14 - Tulog: Pagkapit at Pagbitaw
Sinabi ni Julee na, tuwing nakaupo siya kasama ang grupo, narerelax siya at inaantok.
Ayon sa kanya, nagkaroon daw siya ng insomnia sa loob ng dalawampung taon. Tinanong ko kung ano ang nangyari sa loob ng panahong iyon, at sinabi niya na marami raw nangyari; masyado raw siyang naging abala, at sa gayon ay wala gaanong panahon para matulog. Imbis na usisain ang sinabi niya, nagpasya akong mas pagtuunan ng pansin ang kanyang kasalukuyang karanasan, at bumuo ng isang Gestalt experiment.
Pinaliwanag ko sa kanya na ang pagtulog ay tungkol sa pagbitaw, at na iyon ang nakayanan niyang gawin sa grupo kaya siya inantok.
Kaya kung palagi siyang hirap matulog, masasabi natin na praktisado siya sa pagkapit at hindi pagbitaw.
Inimbitahan ko siyang mas tuklasin ang pagbitaw at pagkapit kasama ko, sa pamamagitan ng paghawak sa aking pulso (wrist). Sinabihan ko siyang ipakita sa akin ang kanyang pagbitaw sa klase, at ang pagkapit na karaniwan niyang ginagawa bago siya matulog.
Napansin ko na hindi ganoon kalakas ang kanyang pagkapit - ang pinangkapit niya lamang ay ang kanyang dalawang gitnang daliri. Binanggit ko ito sa kanya, at sunod na pinasubok sa kanya ang pagbitaw. Hindi ito naging mahirap para sa kanya.
Ito ay maliit lamang na eksperimento, ngunit binigyan siya nito ng direktang karanasan ng ginagawa niya, at ng maaari niyang gawin upang baguhin ito. Iminungkahi ko na, tuwing siya ay matutulog, ay subukan niyang maging mulat sa mga paraan kung paano siya kumakapit, at sa panahong iyon ay alalahanin kung gaano kadali niyang nabitawan ang aking kamay, at kung paano siya nakabitaw habang kasama ang grupo.
Layunin ng Gestalt experiment na dalhin ang mga isyu sa kasalukuyan, at usisain ang mga isyung ito sa aktibo at malikhaing paraan. Hangga't maaari ay ginagawa itong parte ng relasyon sa pagitan ng kliyente at therapist. Tinutulungan din nito ang therapist na intindihin ng mas direkta ang mga nangyayari, imbis na dumepende lamang sa pagkakalarawan nito. Nagbibigay ang eksperimento ng bagong karanasan at dinadala sa awareness ang mga bagay na nandoon na ngunit hindi lamang napapansin, o isang detalye na nakaligtaan. Sa Gestalt, naiintindihan namin na kapag dinala mo ang mga bagay sa buong awareness, hindi na sila mananatiling stuck, di-tapos (unfinished), o hati (split)...natural na mangyayari ang integration. Isa itong Taoist na konsepto.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento