Miyerkules, Disyembre 24, 2014
Case #47 - Ang katapusan ng isang relasyon ay isang bagong simula
Matagal nang may problema ang relasyon ng magkasintahang ito.
Ang pinakaunang sinabi ni Rhonda sa sesyon ay - "Nagdiborsyo ang aking mga magulang, at pinangako ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko ito hahayaang mangyari sa aking magiging pamilya." Talagang nababagabag siya. Inakbayan siya ni Brian, ngunit nilayuan niya ito.
Sinabihan ko si Brian na lumipat sa bandang harap ni Rhonda upang makita nila ng maayos ang isa't isa.
Ang pangalawang bagay na sinabi niya ay, "Ayoko na. Hindi ko na kaya. Tapos na ang relasyong ito para sa akin."
Nagulat si Brian. Maraming beses niya na raw itong narinig dati, at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya nitong mga nakaraang buwan upang magbago at pagandahin ang sitwasyon. Sinimulan niyang ipaliwanag ito...ngunit pinigilan ko siya. Sa perspektibong Gestalt kasi, tinitingnan bilang pag-iwas sa kasalukuyan ang pagpapaliwanag.
Inudyukan ko siyang sabihin na lamang kay Rhonda ang kanyang nararamdaman. Pagkatapos humingi ng maraming suporta, sinabi niya na para siyang natataranta, at pakiramdam niya ay inabanduna siya. Nagsimula siyang umiyak.
Naupo lamang si Rhonda ng walang sinasabi. Nang sabihan ko siyang sagutin ito, sinabi niya lang na tila blangko na siya - sobra na ito para sa kanya, at lumabas na siya sa kanyang awareness. Sa Gestalt, hindi natin pinipilit ang isang tao kapag dumating na sila sa ganitong punto.
Kaya si Brian na lamang ang kinausap ko - pinaliwanag ko na hindi na available si Rhonda, kaya wala nang silbi kung magpupumilit pa siya. Dinamayan ko siya sa kanyang mga nararamdaman, at tinulungan siyang samahan ang kanyang sarili sa pagkakataong ito. Kinilala ko ang kanyang nararamdaman; kung gaano kasakit para sa kanya ang sitwasyong ito, at kung gaano kahirap tanggapin na "binaba na [ni Rhonda] ang bintana" at sa gayon ay hindi na available para sa kanya sa oras ng lungkot at pangangailangan.
Pagkatapos ay tumingin si Ronda sa kanya ng may luha sa kanyang mga mata. Sabi niya - nangyari ito sa iyong nanay, pati sa dati mong asawa, at kahit kailan ay hindi ko ginustong gawin ito sayo.
Bumigay si Brian, at tila umurong papasok sa sarili niya habang umiiyak. Inudyukan ko siyang manatili sa kasalukuyan, upang makita na ngayon ay may luha na si Rhonda at sa gayon ay available na, at upang kilalanin ang koneksyon nila sa sandaling iyon. Naging mahirap ito para sa kanya.
Sinabi niya na nagui-guilty siya, dahil pakiramdam niya ay pumalpak siya, at binanggit niya ang kanyang kagustuhang gawin muli ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit pinigilan ko siya, dahil wala nang sapat na emosyonal na espasyo si Rhonda upang pag-usapan ang hinaharap.
Sunod ay tinanong ko si Rhonda kung kaya niyang tanggapin ang sinabi ni Brian. Tila blangko parin siya - kaya minungkahi ko na sabihin niya kay Brian na hindi niya pa ito kayang tanggapin. Ito ang kanyang magiging awtentikong emosyonal na pahayag.
Napakahirap para kay Brian na marinig iyon. Inudyukan ko siyang sabihin ito kay Rhonda. Tumugon si Rhonda sa pamamagitan ng pagpansin sa galit, hinanakit, at lungkot na nakita niya sa mga mata nito. Kaya pinapaliwanag ko kay Brian ang mga emosyon na iyon.
Nakinig nga si Rhonda, ngunit sinabi niya na "Ayoko nang magpatuloy pa; hindi na maganda ang pakiramdam ko dito, kasi alam ko na napakahirap nito para sayo."
Bigla na lamang nagsara si Brian at umatras muli papasok sa kanyang sarili; malinaw na hindi na siya available. Minungkahi ko na sabihin niya kay Rhonda na hindi niya ito kayang pakinggan sa kasalukuyan, ngunit maski iyon ay mahirap para sa kanyang gawin.
Kaya sinabihan ko si Rhonda na kausapin ako. Isa itong technique sa couples therapy - ang pagsuporta sa isang tao, habang hindi available ang isa pa, upang mawala ang pressure at pahintulutang maging witness lamang ang isa.
Sinabi ni Rhonda na gusto niyang bigyan si Brian ng maraming oras upang tanggapin ang sitwasyong ito, at inamin ko na tingin ko ay hindi niya naman ito matatanggap kahit kailan. Mahal siya nito, at malamang ay wala itong balak sumuko. Nagulat si Rhonda dito.
Kaya mas pinalabas ko pa ang kanyang mga nararamdaman at mga personal na pahayag.
Pagkatapos ay naging available si Brian, at sinabi niya dito na nagui-guilty siya, at na nagsisisi siya na naging ganito ang sitwasyon. Sabay silang umiyak. Gusto sanang lumapit ni Brian, ngunit sabi ni Rhonda - Huwag. Pakiusap, huwag ka masyadong lumapit sa akin.
Tinanong ko kung bakit niya ito sinabi - Hindi niya na raw kasi mahal si Brian. Hinamon ko ang pahayag na ito - nakabase kasi ito sa maling ideya na tungkol lamang sa emosyon ang pag-ibig. Kaya sinabihan ko siyang gawin itong personal na pahayag. Sabi niya, "Sinara ko na ang aking mga emosyon."
Isa itong mahalagang pahayag, dahil mula noon ay naging tungkol sa aksyon, choice, at volition ang buong isyu.
Kaya inudyukan ko si Brian na sabihing narinig niya ito, at na sabihin dito ang kanyang mga nararamdaman. Nagawa niya naman ito, at pareho silang umiyak.
Ngunit may nagbago na sa pagitan nila. Kahit tila imposible, at wala namang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap, nakayanan nilang magkaroon ng malalim at awtentikong contact. Pareho silang umabot sa punto na parang sobra na ang sitwasyon, ngunit sa tulong ng aking pagsuporta, nakayanan nilang magpatuloy at harapin ng magkasama ang pakiramdam ng kawalan at paghihinagpis.
Hindi ko na nalaman ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Ngunit ang pokus ng Gestalt ay nasa pag-abot ng malalim at awtentikong contact; ito ang sandigan ng isang tunay na relasyon, ang bagay na malinaw na wala sa kanilang relasyon noon.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento