lifeworksgestaltl1

Miyerkules, Marso 18, 2015

Case #56 - Nangangailangan ng atensyon ang batang babae

Inamin ni Wendy ang kagustuhan niyang magkaroon ng kabiyak. Diborsyado na siya, at mayroon siyang negosyo. Kinwento niya ang kanyang kakulangan ng pasensya sa kanyang mga empleyado, ang ganyang pagiging businesslike, at ang hindi niya pagpapakita ng kahinaan. Kinumpara niya ito sa pasensya na nakikita niya sa akin.
Tinalakay namin ang mga isyu ng kapangyarihan - ang kakayahang maging businesslike at direkta, ang sarap ng paghawak ng kontrol, at ang pagiging boss.
Tila nahihiya siya habang nagsasalita ako, at pinaglalaruan niya ang kanyang mga kamay...mukha siyang maliit na bata. Tinanong ko kung gaano kabata ang pakiramdam niya - 10 anyos daw, at tinanong ko kung ano ang nangyari sa kanya noong edad na iyon.
Nagtanong ako tungkol sa pasensya ng pamilya niya. Sinampal daw siya dati ng kanyang ama noong 10 siya dahil bumababa na ang mga grado niya sa eskwelahan. Sa katunayan, palagi nitong binubugbog ang kanyang nakababatang kapatid. Ngunit sa publiko, isa itong pasensyosong tao, na palaging may oras para sa mga tao.
Sinabi ko na baka kabahan siya sa pasensya na nakikita niya sa akin bilang therapist kasi ang tanong ay: sasabog din kaya ako gaya ng kanyang ama?
Sumang-ayon siya. Isyu raw niya ang kawalan niya ng tiwala sa mga lalaki. Pati ang kanyang unang asawa ay walang pasensya sa kanya; interesado lamang ito sa kung ano ang maaari niyang gawin para dito. Sinabi niya na gusto niya lang talagang makahanap ng bagong kabiyak.
Binunyag niya na kaya bumaba ang mga grado niya noon ay dahil nasa boarding school siya, at nabule siya ng sobra. Walang kaalam alam ang mga magulang niya, at wala rin silang interes dito. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya.
Tinabihan ko lamang siya, at habang kausap ko siya ay nararamdaman ko ang kanyang pagiging sensitibo, ang kanyang pagiging vulnerable, at ang kanyang pangangailangang makita bilang kung sino talaga siya, imbis na maging simpleng bahagi lamang ng agenda ng isang tao. Kailangan niya ng isang taong interesado sa kanyang mga pinagdadaanan, at hindi lamang sa kanyang mga grado.
Nagsimula siyang umiyak, at lalo siyang lumambot. Dineklara ko ang aking interes sa kanya, at ang hindi ko paghahangad na maging iba siya sa kanyang tunay na sarili. Tila gutom siya para sa ganitong uri ng sitwasyon. Umupo lang kami ng ganoon ng ilang sandali habang inuudyukan ko siyang namnamin ang karanasang ito.
Sinabi ko na kailangan muna niya ng alaga, atensyon, at natural na pagmature, bago siya magkaroon ng matibay na pundasyon para sa isang relasyon.
Sa Gestalt, hindi lang ang pinresentang isyu ng kliyente ang ating pinagtutuunan ng pansin - mahalaga ring isama ang mga napapansin ng therapist, lalo ang mga bagay na hindi namamalayan ng kliyente. Dadalhin  natin ang mga ito sa kasalukuyang awareness, at uusisain ang mga nilalaman nito - kadalasan ay tungkol ito sa pamilya, ngunit hindi palagi. At dadalhin naman sa kasalukuyan ang impormasyong ito tungkol sa field, pati narin sa therapeutic na relasyon.
Nagbibigay ito ng malinaw na therapeutic agenda, at sa prosesong ito ay maaari nating ipagpatuloy ang trabaho sa tema na una iyang nilatag - ang kagustuhang magkaroon ng panibagong kabiyak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)