Linggo, Hulyo 6, 2014
Case #15 - Ang kaso ni Wang, mahinang perception, at pagkurap.
Si Wang ay isang matalinong binata. Gusto kong gamitin at ipakita ang kakayahan ng phenomenological approach, kaya nagsimula ako sa pagpansin sa kulay ng kanyang t-shirt - isang nakababagot na brown.
Pinili niya raw ito dahil may pagka-color blind siya, at mukha itong green sa kanya.
Sa katunayan, ginamit niya ang salitang "mahina" upang ilarawan ang kanyang perception ng mga kulay.
Sinabi niya rin na sa pangkalahatan, ang kanyang sensory at interpersonal na perception (pakikiramdam sa madaling salita) ay mahina. Dahil dito, nagkaroon siya ng mga problema sa kanyang nobya.
Pinasok ko ang aking sarili sa usapan, at nagkwento ako tungkol sa aking mahinang pakikiramdam.
Nakatulong ang personal na rebelasyong ito upang maging mas bukas siya.
Gusto niyang malaman kung paano ito babaguhin o aayusin.
Pinaliwanag ko mula sa punto de bistang Gestalt na hindi kami interesado sa pag-aayos ng problema, kundi sa pagiging mas konektado sa kasalukuyan (sa "what is"), sa pag-intindi ng mga lakas at kahinaan ng estilo ng bawat tao, at sa pagpapalawak ng mga posibilidad.
Kaya humingi ako ng partikular na halimbawa kung paano umuubra para sa kanya ang kanyang estilo. Nagsimula siyang magkwento tungkol dito, sabay sabing "Pero"... Kaya pinatigil ko siya, at nagsimulang magbahagi ng sarili kong mga halimbawa ng valuing na umuubra para sa akin.
Ang karaniwang pamamaraan ng Gestalt ay ang pangunguna ng therapist gamit ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.
Pagkatapos, nagtanong ako tungkol sa kanyang mga limitasyon. Binigyan niya ako ng general na kasagutan, kaya humingi ako ng mas malinaw na halimbawa. Sa Gestalt, gusto natin na palaging nakakonekta ang mga isyu sa malilinaw na kundisyon upang mabuno natin ito ng mas maayos.
Binigay niyang halimbawa ang kagustuhan ng nobya niyang makatanggap ng appreciation at malalambing na salita, ngunit pakiramdam niya ay nabigay niya na ang mga iyon, kaya hindi na siya nagbibigay pa nito. Nahihirapan talaga siyang intindihin ang nararamdaman ng kanyang nobya.
Binigay ko naman sa kanya ang obserbasyon ko sa kanyang pagkurap. Medyo kakaiba ito - madalas siyang kumurap, at minsan ay halatang halata.
Medyo alam niya na ginagawa niya ito, ngunit nang inimbitahan ko siyang maging mas aware sa kanyang karanasan habang kumukurap, naging blangko ang reaksyon niya. Kaya inimbitahan ko siyang tingnan ang ibang mga tao sa loob ng grupo at pansinin ang kanyang pagkurap habang ginagawa iyon. Masyado itong mahirap para sa kanya - mabilis kasi siyang gumalaw kaya hindi niya na napansin.
Kaya sinabihan ko siyang tumingin sa akin, at pansinin ang kanyang pagkurap habang ginagawa ito. Agad siyang nagkomento tungkol sa sarili niya, ngunit pinakiusapan ko siyang obserbahan lamang ang sarili niya at ang kanyang karanasan na para bang camera.
Mahirap ito para sa kanya, at wala siya gaanong awareness. Pero sa isang punto ay kumurap siya ng malaki at mabagal, at tinanong ko siya kung anong nangyari noon.
Sinabi niya na iniiwasan niya raw ang contact.
Sa Gestalt, inoobserbahan namin ang mga penomena, lalung lalo na ang mga punto kung saan nagbabago ang karanasan, at iniimbestigahan ang naging karanasan sa puntong iyon.
Tinalakay namin ang avoidance, at nagbigay ako ng halimbawa mula sa sarili kong karanasan na nangyari noong binisita ko ang aking ama. Muli, nakatulong ang aking self-disclosure upang magkaroon kami ng mas maraming contact.
Nagreact siya dito ng may emosyon - nahihirapan din daw kasi siyang kausapin ang kanyang ama.
Wala kaming sapat na oras upang mas pag-usapan pa iyon, pero tinandaan namin ito para sa mga sesyon sa hinaharap.
Marami naman na kaming natalakay sa sesyon na ito, kaya tinapos na namin.
Nakatukoy siya ng partikular na aspeto na pagtutuunan at pag-eensayuhan ng kanyang awareness, dahil nagsisimula pa lamang siyang palawakin ito. Matalino siya at palaisip, at nagsilbing somatic marker ang kanyang pagkurap na siyang tutulong sa kanyang maging mas mulat sa kanyang mga nararamdaman, lalo kapag masyado na itong bumibigat.
Ang kanyang kapasidad na makiramdam sa iba ay hindi mahahasa hangga't hindi niya nahahasa ang pakikiramdam niya sa kanyang sarili. At ang kanyang "mahinang" perceptual sense ay kaya niyang kontrolin kahit papano, sa pamamagitan ng pagkurap.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento