Biyernes, Hulyo 25, 2014
Case #20 - Ang nanigas na takip
Tinamaan si Jane ng sharing sa grupo. Nanginginig siya noong pinuntahan niya ako. Ayaw niyang pag-usapan ang paksa, at wala namang problema dito. Tinalakay lang namin ang energy. Pinalarawan ko sa kanya ang kanyang karanasan. Nagkwento siya tungkol sa pakiramdam ng paninigas. Humingi ako sa kanya ng metaphor na maglalarawan ng kanyang nararamdaman. Ang sagot niya - isang nanigas na takip. Tinanong ko kung saang parte ng katawan ito matatagpuan - sa sikmura niya raw.
Inanyahan ko siyang magsalita na tila siya ang takip - "Ako ay isang nanigas na takip." Ginawa niya ito, at pinag-usapan namin ang paraan kung paano niya sinara ang mga "kanto".
Kaya inanyahan ko siyang magsalita bilang kanto. "Ako ay isang kanto"...at naglarawan siya ng iba pang mga aspeto ng pagiging kanto.
PInalagay ko ang isa niyang kamay sa lokasyon ng nanigas na takip, at ang isa pang kamay sa lokasyon ng kanto (sa kanyang tagiliran). Pagkatapos, sinabihan ko siyang hingahan ang mga lugar na ito. Pinaigting nito ang kanyang mga nararamdaman. Nagsimulang manginig ang kanyang mga binti, kaya inudyukan ko pa ito.
Nakaramdam siya ng sobrang kalungkutan, at umiyak siya. Ngunit wala siyang mailabas.
Kaya pinagalaw galaw ko sa kanya ang kanyang mga daliri sa paa. Nahirapan siyang gawin ito, at sa isang paa niya lamang ito nagagawa. Maya maya ay inalalayan ko siya upang magalaw galaw niya rin ang kanyang mga daliri sa kabilang paa.
Pagkatapos ay nagsimula siyang dumighay ng maraming beses. Sinabi niya na pamilyar ito sa kanya.
Ang pagdighay ay isang epektibong anyo ng paglalabas, at maaaring simula ng paggalaw tungo sa expression.
Siyanga; nakaramdam siya ng pagtaas sa kanyang enerhiya, ngunit wala paring nabubuong mga salita. Kaya inudyukan ko ang somatic release na ito at unti-unti, nakayanan niyang lapatan ng salita ang kanyang mga nararamdaman. Pinasabi ko ito sa kanya ng direkta, na para bang ang taong nakasakit sa kanya ay nandoon din.
Ito ang naging katapusan ng sakit na tahimik niyang dinala sa loob ng maraming taon.
Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang mga nararamdaman bilang mga metaphor ("takip", "kanto"), nabuno natin ang mga ito ng mas direkta. Sa pamamagitan ng pagpapaangkin ng mga ito sa kanya, pinokus nito ang kanyang awareness na dating kalat at iwas - natural, wala naman kasing gustong makaramdam ng sakit.
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang pananatili sa mga enerhiya at pakiramdam sa kanyang katawan, nalagpasan natin ng buo ang kanyang proseso ng pag-iisip at naging natural ang daloy. Kung mananatili ka sa proseso ng katawan, palaging ganito ang mangyayari, dahil natural na palaging papunta sa paghilom ang katawan.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento