lifeworksgestaltl1

Linggo, Hulyo 27, 2014

Case #21 - "Wild" na babae

Kakahiwalay lang ni Cynthia mula sa kanyang pangatlong asawa. 20 years silang naging kasal. May gusto siyang talakayin na panaginip.
Pinakuwento ko ito sa kanya na tila nangyayari pa ito sa kasalukuyan.
Sabi niya:
Tulog ako sa sofa. Dumating ang asawa ko, sabay yakap at halik sa akin. Bumili raw siya ng bagong bahay na mura lang at may malaking shed. Mayroon itong bagong kuwarto.
Naglakad kami papunta sa aming bahay. Mayroong batang lalaking kumuha ng malaking piraso ng kahoy, at tinapon niya ito sa bintana. Ngayon, dumating si John (ang kanyang asawa) at tumunog ang telepono niya. Sinabi niya na kailangan niya raw itong kausapin ng mag-isa, kaya inisip ko na baka mayroon na siyang bagong nobya.
Pinasadula ko sa kanya ang ilan sa mga tao sa kanyang panaginip, at ilarawan ang sarili niya bilang mga karakter na ito.
Una ay ang bahay - sinabi niya, "Ako ay bago, kumikinang, maganda ang kalidad, at mas maganda kaysa lumang bahay. Masaya, malaki, at maraming mapaglalagyan."
Sunod ay si John - "Ako ay masaya, gusto ko ang bahay, milagro na nabili ko ito, malakas ako, mayroon akong layunin sa buhay."
Sunod ay ang piraso ng kahoy na tinapon sa bintana - "Ako ay matigas, malakas, at makapangyarihan; wala nang halaga ang lumang bahay, kinailangan ko lang na mag-ingay at ipakita na sira na ito."
Sunod, ang batang lalaki na 13 anyos sa panaginip - "Ako ay maloko at malakas."
Sunod ay ang bagong nobya - "Ako ay interesado."
Nangailangan ito ng coaching, dahil gusto ni Cynthia na sabihin ko sa kanya ang interpretasyon ko ng bawat elementong binabanggit niya. Ngunit sa Gestalt, ang hinahanap namin ay direktang karanasan at hindi mga asampsyon. Kaya paulit ulit ko siyang pinabalik sa paglalarawan sa sarili niya bilang ang mga elementong nabanggit at sa paglalarawan ng kanyang mga nararamdaman, hindi ng kanyang mga iniisip.
Tinanong ko kung anong elemento ang pinakatumatak sa kanya. Ang batang lalaki raw dahil ito ay mapaglaro, di tulad niya ("out of character" kumbaga).
Iniugnay ko ito sa kanyang buhay ngayon - ano ba para sayo ang "out of character"?
Sabi ni Cynthia - ang hindi umuwi ng magdamag, magkaroon ng malaking bonfire, magkaroon ng party sa dalampasigan sa ilalim ng buwan, at matulog sa beach.
Sinabi niya na gusto niya sanang isama si John, ngunit ayaw nitong nakikita ang pagiging "wild" na babae niya, kaya natutunan niyang pigilan ito.
Pinaliwanag niya na ilang taon niya itong sinubukang isama sa pagsasayaw ng rock and roll, ngunit sa huli ay sumuko na lamang siya.
Iminungkahi ko na tigilan niya na ang pagpipigil, at pumunta na lamang sa dance classes ng mag-isa.
Ngayon, paano kung may gusto siyang sabihin na "wild" kay John - isang bagay na out of character? Paano niya ito sasabihin? Sabi ko, kunwari ako si John, at maaari niya itong sabihin sa akin ng direkta.
Sinabi niya kay John na gusto niyang iwan nilang pareho ang kanyang trabaho, sumakay ng yate at maglakbay sa dagat, kung saan man sila dalhin nito; magluluto siya, at pwede silang magsulat ng mga tula ng magkasama.
Ngayon, pinaisip ko siya ng sasabihin na mas may puwersa; na magsabi siya dito ng bagay na tila ba nanghahamon.
Sinabi niya na pagod na siya sa paggamit nito ng droga, at na galit siya sa mga taon na sinayang niya sa paghihintay na magbago ito. Hindi na siya tatanggap ng mga pangako - aksyon na lamang.
Binigyan ko siya ng feedback sa proseso na ginawa niya - siya ay naging malinaw at mahinahon, at bilang isang hindi defensive na karakter, na-appreciate ko ang kanyang pagiging direkta.
Inudyukan ko siya na maging mas malakas, mas malupit, at mas "wild".
Nagbigay siya ng ilan pang mga pahayag tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang mga hangganan.
Muli, binigyan ko siya ng feedback.
Ramdam niya na lumakas siya mula sa buong karanasang ito.
Sa Gestalt, nagdidisenyo kami ng mga eksperimento na naglalayong usisain ang mga figure na lumilitaw. Maraming lumitaw na figure sa kanyang panaginip, ngunit mas pinagtuunan namin ng pansin ang may pinakamaraming energy para sa kanya - ang paggawa ng mga bagay na hindi bagay o hindi inaasahan mula sa kanya (pagiging "uncharacteristic" sa madaling salita).
Ang pagiging "uncharacteristic" na ito ay ang pagiging "wild", malakas, at direkta, sa positibo at negatibong paraan.
Sumali ako sa eksperimento bilang kanyang "partner", at sa pamamagitan ng pagbibigay ng feedback. Nakatulong ito upang gawing mas makatotohanan ang buong karanasan para sa kanya, at bigyan siya ng ligtas na espasyo upang subukan ang isang panibagong paraan ng pamumuhay.
Ang Gestalt ay tungkol sa pagsubok ng mga bagong bagay ng may suporta, habang pinagtutuunan ng pansin ang mga mahahalagang isyu na lumulutang sa awareness - magandang panghinuha ng mga isyu ang mga panaginip.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)