lifeworksgestaltl1

Biyernes, Setyembre 5, 2014

Case #31 - Pagpapalit ng sex para sa intimacy

Sinabi ni Louise na naghahangad siya ng mas maraming passion sa kanyang relasyon.
Nangalunya ang kanyang asawa limang taon na ang nakaraan. Tumagal ito ng halos isang taon. Umamin ito, lumuhod, humingi ng patawad, at tinapos ang pangangalunya.
Mula noon ay unti unting bumuti ang sitwasyon, ngunit may mga isyu paring natitira para kay Louise.
Nung unang nalaman ni Louise ang tungkol sa relasyong ito, naging rasyonal ang kanyang pagtugon - tinanong niya ang kanyang asawa kung iiwan na ba siya nito o hindi. Ang kanyang unang paraan ng pagharap sa isyu ay ang pagsuri ng sitwasyon, at pag-alam ng kanilang posisyon dito. Maganda itong gamitin bilang panimulang survival strategy.
Ngunit makalipas ang ilang panahon, nakaramdam narin siya ng kalungkutan.
At sa kasalukuyan ay mas nararamdaman niya na ang kanyang galit.
Ngunit hindi niya ito binabanggit. Sinabi kasi ng kanyang asawa na kung galit talaga siya, handa siyang iwan ito (dahil sa kanyang guilt). Kaya natatakot siya na baka iwan talaga siya ng kanyang asawa kung ilalabas niya ang kanyan tunay na nararamdaman.
Ngunit nilalamon na siya ng kanyang galit, at kahit maraming magagandang bagay sa kanilang relasyon, hindi pa siya nagiging bukas muli sa kanyang asawa, pati sa sekswal na antas - medyo nagpipigil siya. Tinanong ko kung gaano kadalas sila nagtatalik - mga apat na beses daw sa isang buwan.
Tinanong ko kung gaano kadalas sila mag-usap - mga kalahating oras isang araw daw ang karaniwan.
Pina-rate ko sa kanya ang emotional intelligence level ng kanyang asawa. 3 raw. Malinaw sakin na kung tama nga ang rating na iyon, hindi niya makukuha ang klase ng pakikinig na hinahangad niya mula sa kanyang asawa. Wala masyadong magiging silbi ang pagtulong sa kanyang maglabas ng kanyang mga damdamin sa kanyang asawa; maaaring maibsan nga nito ng kaunti ang kanyang galit, ngunit hindi naman ito makakatulong upang dagdagan ang kanilang intimacy, dahil wala nang ibang manggagaling pa mula sa kanyang asawa. At kung hindi niya sasabihin dito ang mga nangyayari sa kanya, mananatiling mababaw ang kanilang relasyon.
Hindi "pagpapatawad" ang layunin ng Gestalt, ngunit malakas parin ang pokus nito sa "what is". Ngunit sa kasong ito, marami pang ibang pagpipilian si Louise na hindi niya pa naiisip.
Guro si Louise, at nabanggit niya na binago niya ang kanyang estilo ng pagtuturo sa loob ng ilang taon upang bitawan ang mga "dapat at hindi dapat gawin". Dahil dito, nagkaroon siya ng paunti unti ngunit mahalagang pagbabago sa kanyang silid-aralan. Kasabay nito ay ang kanyang "paglalakbay" upang "hanapin ang kanyang sarili".
Kaya alam ko na may resources siya, at malinaw na tinatrabaho niya ang kanyang sariling pag-unlad bilang tao.
Ngunit hindi niya pa ito naipapasok sa kanyang relasyon.
Ang aking pokus ay ang isyu sa kanyang relasyon at hindi ang intrapsychic na interaksyon ni Louise sa kanyang sarili, o interpersonal na interaksyon sa akin.
Kaya nagmungkahi ako ng takdang gawain.
May kinalaman ito sa isang deal: mas maraming sex para sa mas maraming intimacy.
Minungkahi ko na sabihin niya sa kanyang asawa na gusto niyang mas makipagtalik pa dito, at na gusto niyang maging mas malapit sila sa isa't isa. At na para magawa niya iyon, kailangan niya ng mas maraming intimacy.
Upang maabot iyon, kailangan nilang gumugol ng kalahating oras isang araw para sa isa't isa upang mapagyaman nila ang kanilang intimacy. Nagmungkahi ako ng mga maaari nilang gawin - pag-eensayo ng sinserong pakikipag-usap sa isa't isa tungkol sa mga maliliit na bagay; pagbabasa ng libro ng magkasama at pagtalakay nito; pag-eensayo ng pakikinig o pagpapahayag ng emosyon sa isa't isa; pagbuo ng espasyo upang pakinggan ang mga hinanakit ng bawat isa; o simpleng paggawa lamang ng mga bagay ng magkasama sa loob ng oras na iyon upang pagbutihin ang kanilang bonding at pagiging malapit sa isa't isa.
Sumang-ayon ako nang sabihin niya na unfair ito, dahil tila naging guro siya na huhubog sa kanyang asawa para lamang mailabas niya na dito ng maayos ang kanyang galit. Hindi raw ito patas dahil madodoble ang trabaho na gagawin niya.
Subalit may dala itong iba pang mga benepisyo, at makakatulong ito upang maabot ang kanyang inaasam na passion sa kanilang relasyon.
Ang magiging resulta nito ay ang mas pagkakaintindihan nila, at hindi lamang ang personal awareness journey kung saan siya lamang ang makikinabang.
Ginamit ng lapit na ito ang tinatawag na "working with a couple relationship with one person". Ibig sabihin, pinapanatili natin sa gitna ng pakikipag-usap sa kliyente ang kanilang relasyon, at imbis na magpokus lamang sa kanila, tinitingnan din natin kung paano mapapatibay ang relasyon.
Maraming emosyon, identidad, at kwento ang produkto ng isang relasyon sa pagitan ng dalawang tao. Kaya isang hakbang papunta sa pagbabago ay ang paggawa ng mahalagang shift sa relasyon, imbis na pagtuunan lamang ng pansin ang indibidwal na karanasan. Gumagamit ito ng isang field approach - ang pagtuon ng pansin sa buo, kaysa mga bahagi nito.
Parang napakatusong pag-usapan ng pagbibigay ng sex kapalit ng pagbabago ng ugali, ngunit ginagawa naman talaga ito ng mga tao nang hindi nila namamalayan. Ang pag-amin ng iyong ginagawa at paglilinaw nito sa konteksto ng relasyon ay tunay na nakapagbibigay ng pagpipilian para sa iyong partner. Dahil dito, ang ganitong gawain ay hindi mapangkontrol, kundi pagiging totoo sa sarili. Sa ganitong konteksto, ang ganoong klase ng palitan ay isang paraan upang pagandahin ang relasyon sa pagitan ng magkasintahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)