lifeworksgestaltl1

Martes, Setyembre 9, 2014

Case #32 - Mapagkakatiwalaang resources

Mayroong dalawang isyu si Diane. Una, ang kanyang anak na lalaki na labindalawang taong gulang ay hindi nag-aaral ng mabuti at ayon sa gusto niya.
Pina-rate ko sa isang scale kung gaano kaayos ang pag-aaral ng kanyang anak, at ang sagot niya ay 6 o 7. Ginagawa niya ba ang kanyang mga takdang aralin? Oo. Ngunit upang makapasok sa isang premyadong paaralan, kailangang magkaroon ng mga matataas na grado, kaya naroon parin ang pressure.
Una, tumugon ako mula sa sarili kong ground - ang aking paniniwala sa parent-centered na pagpapalaki ng anak, ang aking mga paniniwala tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng balanseng buhay para sa isang bata, at ang hindi pagiging ultimate goal para sa akin ng akademikong katanyagan.
Mahalaga na maging malinaw ang aking personal na posisyon, pakiramdaman ko ng maigi ang hangganan ng aming mga pagkakaiba, at isipin kung paano siya makakatagpo sa kinaroroonan niya ng aking kagustuhang sumuporta (kasama ang mga limitasyon nito)
Nabagabag siya, dahil marami na siyang nabasang libro tungkol sa pagiging magulang bago pa ang pag-uusap na ito. Sinubukan niyang intindihin ang kanyang anak ngunit nag-aalala siya sa kinabukasan nito, at hindi niya alam kung ano ang epektibong paraan upang udyukan ito.
Kaya ang mungkahi ko ay ito: Tabihan niya ito, at unang una ay sabihin dito kung ano ang mahalaga para sa kanya pagdating sa paglaki nito.
Sunod ay linawin niya rito ang itsura ng mundong kanyang kinakaharap - isang lipunan at sistema kung saan mabagsik ang labanan, at nangangailangan ng partikular na mga grado upang makapasok sa mga partikular na institusyon. Babanggitin niya rito ang iba't ibang institusyon na iyon, ang kanilang mga requirements, at ang mga magaganda at pangit na maidudulot ng pagpasok sa mga institusyong iyon.
Pagkatapos ay susuportahan niya ito sa pag-iisip ng mga personal na layunin, kung saan niya gustong mapunta, at kung ano ang mga kailangan niyang gawin upang maabot iyon.
Sa paraang ito, magiging sinsero siya habang sinusuportahan ang kanyang anak sa paghanap ng sarili niyang ground. Sa gayon, ang kanyang kahandaan at kagustuhang sumuporta ay magiging tunay na suporta para sa kanyang anak, imbis na maging paraan lamang ng kanyang pagpili para dito.
Ang pangalawang isyu naman ay ang kanyang relasyon sa kanyang asawa. Araw araw uuwi ito, iinom ng beer, magbabasa ng diyaryo, susulat sa kanyang blog, at iisnabin siya at ang kanilang mga anak.
Malinaw na hindi siya masaya sa sitwasyon, ngunit wala pa siyang nagagawa upang ayusin ito.
Sa ibang paraan ay nakikisalo naman ito sa buhay pamilya; nagpaplano ito ng mga outing para sa kanila, gumugugol ng oras para makasama sila, at madalas din itong magluto.
Kahit kailan ay hindi ito naging magaling sa pakikipagtalastasan, kaya hindi naman talaga ito bago.
Malinaw sa akin na ang pagkulit sa kanyang asawa, o pagmumungkahi na magbigay siya dito ng awtentikong kumunikasyon ay hindi magiging epektibo.
Kaya nagtanong ako tungkol sa blog ng kanyang asawa. Maganda raw ang pagkakasulat, nakakatawa, at may mga larawan na may mga interesanteng komento sa ilalim nito. Sana lang daw ay ganoon din ito makipag-usap sa kanya.
Naging malinaw sa akin ang direksyon. Hindi niya ito mababago, ngunit masasamahan niya ito. Tinanong ko kung mayroon ba itong iPad. Oo, pero tinago niya na raw.
Sinabihan ko siyang ibalik kaagad ang iPad, at bumili ng isa pa para sa sarili niya. Sa pamamagitan nito ay maaari niya itong kausapin sa pamamagitan ng pagsusulat. Maaari siyang tumugon sa blog nito (sumasagot kasi ito sa mga nagkokomento); maaari niya itong bigyan ng mga note o liham - mga maliliit na one liner. Habang nagbabasa ito ng diyaryo maaari niya itong padalhan ng mga maliliit na komento. Maaari siyang sumulat ng mga liham para ipadala sa kanya, o ilagay sa ilalim ng kanyang unan.
Sa paraang ito, ginamit ko kung ano ang maaaring gamitin. Hindi nito tinrabaho ang kanyang intrapsychic dynamics, at tumanggi akong sang-ayunan ang kanyang paniniwala na may mali sa kanya, dahil nga hindi siya pinapansin ng kanyang asawa. Sa halip ay hinanap ko kung nasaan ang resources at kung paano siya makakabuo ng contact dito, sa paraang malikhain at labas sa nakasanayang kahon ng kanilang relasyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)