lifeworksgestaltl1

Sabado, Setyembre 27, 2014

Case #34 - Contact at authenticity

Si Nathan ay isang lalaking matikas, mapag-alala sa iba, at may malakas na presensiya.
Ang isyu niya ay authenticity. Pakiramdam niya ay hindi siya tunay na authentic sa iba.
Halos hindi siya lumalaban o nakikipagtalo. Madali siyang kausap at katrabaho sa trabaho at sa bahay.
Bahagi ng nakaraan ng kanyang pamilya ang pag-aaway at sakitan sa pagitan ng kanyang nakatatandang kuya at ate, habang siya naman ang "good boy" sa pamilya.  Mayroong dalawang insidente na naging malaki ang epekto sa kanya noong bata pa siya. Una ay noong nagalit siya ng sobra sa kanyang kuya, at binato niya ito ng isang bagay na muntik nang makatusok sa mata nito. Ang pangalawa ay noong may sinuntok siyang batang lalaki sa eskwelahan, na bilang ganti ay pumunta sa kanyang bahay upang kalmutin ang kanyang mukha.
Mula noon, nagpigil na siya at hindi na nanakit pa.
Ginulat niya ako noong sinabi niya na walang siyang kumpiyansa sa kanyang sarili. Nagulat ako dahil malinaw na isa siyang makapangyarihang lalaki na grounded sa kanyang katawan.
Inamin niya nga na minsan ay may mga naiisip siyang mapanakit na bagay tungkol sa iba, na madalas niyang kinikimkim.
Kaya binigyan ko siya ng isang authenticity process, na una kong ginawa ko sa kanya.
Mayroon itong tatlong aspeto - sasabihin niya ang iniisip niya, ang nararamdaman niya, at kung ano ang nais niya mula sa isang tao.
Ginawa ko ito sa kanya, at siya sa akin. Madali niya itong nagawa.
Nilarawan ko ito bilang isang awtentikong pagtatagpo. Kung ipagpapatuloy, magiging awtentikong pag-uusap ito, na kalaunan ay magiging awtentikong relasyon.
Pagkatapos ay inimbitahan ko siyang gawin ito sa tatlong tao sa loob ng grupo. Ang una niyang kinausap ay naging direkta at madaling kausap. Ang pangalawa ay isang babae na naging kumplikado ang pagtugon sa kanya. Nawala siya, kaya sinabihan ko siyang tumugon gamit ang isang pahayag tungkol sa kanyang nararamdaman. Binigyan ko siya ng isang pormula na magagamit niya lalo sa pagtugon sa mga babae; pagkatapos ng paunang authentic meeting statement, nakagawa siya ng tatlong feeling statements sa bawat isang thinking statement na ginagawa niya.
Sinubukan niya ulit ito sa isa pang tao.
Nang kamustahin ko ang kanyang karanasan, sinabi niya na madali lang pala ito.
Naging malinaw sakin na ang kailangan niya lang talaga ay kaunting direksyon, ilang mga panuto, at suporta sa pag-eensayo nito.
Bilang lalaki, gusto niyang magkaroon ng malinaw na panuto. Bilang isang tao na maraming tagong kapangyarihan, kailangan niya lang ng ligtas na paraan upang magamit ang kapangyarihang iyon.
Naging kampante siya na maipagpapatuloy niya ang pagsasagawa ng prosesong ito.
Siyempre, pwede naman nating pagtuunan ng pansin ang pinanggalingan niyang sitwasyon sa kanyang pamilya, o ang kanyang pag-iwas sa gulo. Ngunit ang ginawa dito ay isang intervention na nakatuon hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati sa hinaharap, at binigyan siya nito ng agarang karanasan ng tagumpay. Naging mahalaga ito dahil sa kanyang mahinang kumpiyansa sa sarili. Binigyan din siya nito ng oportunidad na matuto sa pamamagitan ng karanasan, upang maipagpatuloy niya ang pagtuklas para sa kanyang sarili ng proseso ng awtentikong contact.
Ang contact ang isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng Gestalt theory at practice, at iyon ang naging pangunahing tema ng sesyon na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)