lifeworksgestaltl1

Martes, Setyembre 2, 2014

Case #30 - Isang magandang dahilan upang huwag maging sekswal

Nireklamo ni Bridgit ang pakiramdam ng paninigas sa bandang ibaba ng kanyang likod, pati sa bandang ari. Limang taon na siyang divorced at mula noon ay hindi pa siya nakakahanap ng panibagong karelasyon.
Nasaktan daw siya ng kanyang asawa. Kahit kailan ay hindi siya naging sexually responsive dito, ngunit maganda naman sa ibang aspeto ang kanilang relasyon.
Tinanong ko siya kung paano eksakto siya nasaktan nito, ngunit nahirapan siyang tumukoy ng ganoong pagkakataon. Pakiramdam niya raw ay naging sarado siya dito, at sa ganitong paraan niya naranasan ang sakit.
Ngunit mukhang wala naman talagang nagawang masama ang kanyang asawa, kaya baka iba ang dahilan.
Kaya inamin niya na wala talaga masyadong pakiramdam ang kanyang katawan.
Sinama ko ang sarili ko sa usapan at nagkwento tungkol sa karanasan ko ng dissociation, at tungkol sa pagiging hirap ko na maging tunay na kaisa ng aking katawan.
Hinala niya raw ay nanggaling ito sa pagkakasaksi niya ng panggugulpi ng kanyang mga magulang sa kanyang kapatid na lalaki, mula noong 8 anyos hanggang 16 anyos ito. Pagkatapos noon ay na-kidnap ito ng mga people smuggler, at limang taon ang lumipas bago ito nakasulat sa kanila at naligtas mula doon. Ngunit pagkatapos noon, nagpagala gala ito sa kalye kasama ang mga manlilimos, nagnakaw, at nakulong ng ilang beses, at ninakawan pa nga siya na ito nang sinubukan niya itong tulungan.
Labinlimang taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ama, at sinabi niya na mula noon ay naging maayos, masaya, at maganda na ang buhay ng kanyang kapatid.
Ngunit hanggang ngayon ay nakakaramdam parin siya ng sakit at hinayang na wala siyang nagawa upang pigilan ang mga pambubugbog na ito.
Sinabi ko na wala naman siyang suporta noong mga panahong iyon - wala siyang makausap tungkol dito, at walang nagpapagaan ng loob niya.
Dahil ramdam na ramdam niya parin sa kasalukuyan ang sakit, tinanong ko kung maaari ko ba siyang tabihan at akbayan, upang maramdaman niya ang suporta na hindi niya naranasan. Para lamang maranasan niya ang pakiramdam, na para bang nandoon din ako noong mga panahong iyon.
Habang ginagawa ko ito, nagsimula siyang humagulgol at nakaramdam ng malalim na sakit habang hinahabol ang kanyang hininga. Niyakap ko lang siya at nanatiling kasama niya sa kasalukuyan, habang pinakikinggan ang matinding sakit sa kanyang mga hikbi.
Matapos ang ilang minuto ay lumipas din ang kanyang pag-iyak, at nanahimik siya. Inalo ko siya.
Tapos, tumuwid siya ng upo at tumingin sa akin. Sabi niya, "Ngayon, may gusto naman akong ibigay sayo." Naramdaman ko ang pagbabago sa kanyang enerhiya, pati narin ng akin. Sabi ko, "Naramdaman ko yan, nakaramdam ako ng init." Sinabi niya na nakaramdam din siya ng init sa buo niyang katawan.
Tinanong ko kung ano ang gusto niyang ibigay sa akin, ngunit nahirapan siyang bumuo ng salita upang sabihin ito.
Tapos sinabi niya, "Gusto kong halikan ang mga mata mo gamit ang mga mata ko." Naramdaman ko ang kanyang pagiging bukas at ang daloy ng enerhiya sa pagitan namin. Sabi ko, ngayon ikaw ay tunay na nasa katawan mo na, at handa ka na para sa isang relasyon. Tumango siya.
Hindi ko agad sinunggaban ang unang figure na hinain niya (pakiramdam ng paninigas), pati ang pangalawa (kakulangan ng pakiramdam sa kanyang katawan). Tumugon ako sa paraang dialohikal at naghintay hanggang sa may iba pang lumitaw - ang kanyang unfinished business sa kanyang pamilya.
Nag-iwan ng malalim na galos sa kanya ang pagkakasaksi ng ganoong klase ng trauma, at sa kabila ng pagbangon sa buhay ng kanyang kapatid, nakakapit parin siya sa sakit at hinayang. Hindi siya makausad hangga't hindi napapansin ng iba ang pinagdadaanan niyang sakit, at hangga't walang sumusuporta sa kanya habang nararanasan niya ang ganoong sakit.
Nagbigay daan sa isang malalim na karanasan ng paghilom ang karanasang ito, kaya nakayanan niyang bitawan ang sakit at hinayang, pasukin ang kanyang katawan, at maging bukas sa kanyang mga sekswal na pakiramdam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)