lifeworksgestaltl1

Martes, Setyembre 30, 2014

Case #35 - Galit sa Ex

Binanggit ni Marion ang isyu ng kanyang shared parenting arrangements sa dati niyang asawa. Naging malinaw na hindi ito ang malalim na isyu. Ang mas mahalaga ay ang kanyang pagkadi-kumportable at unfinished business sa kanyang asawa.
Bago ko ipaliwanag ang detalyeng nabanggit ko - ang karanasan ko tuwing tinitingnan kita ay na para bang tinutusok ako ng mga mata mo. Nagkaroon ito ng malakas na impact sa akin. Ang pagkakapareho ko sa iyong dating asawa ay ang aking pagiging lalaki, at baka ang ilan sa enerhiya na nararamdaman mo pagdating sa kanya ay narito rin habang kausap mo ako.
Tinanong ko kung ano ang isyu niya, at ang sagot niya ay galit.
Tinanong ko kung ano ang ikinagagalit niya. Nagsimula siyang magkwento ng mahaba tungkol sa sitwasyon...matapos ang ilang minuto ay nagtanong ako ulit: Okay, ano ba talaga ang eksaktong ikinagagalit mo? Muli ay nagkwento nanaman siya ng mahaba.
Kinailangan ko siyang tanungin ng ilang beses bago niya nasabi ng malinaw at direkta na kaya siya galit ay dahil pakiramdam niya ay niloko siya ng kanyang dating asawa, dahil tumigil ito sa pagbibigay ng pinansyal na suporta upang magbuhos ng pera sa kanyang negosyo. Galit din siya dahil nagsinungaling ito tungkol dito sa kanya at sa kanyang mga magulang (na kasama nila sa bahay).
Sabi ko, Oo, mukha ka ngang galit; nakikita ko ito sa mga mata mo. Ano ang nararamdaman mo ngayon?
Nagsimula siyang magkuwento ng mga bagay na mas evaluation, judgment, at opinyon kaysa emosyon.
Sinabi niya nga, "Nilulunok ko ang aking mga emosyon."
Kaya inimbitahan ko siyang isipin na ako ang kanyang dating asawa, at "kagatan" ako. Sinimulan niyang ipaliwanag kung paano niya naiisip na baka dapat din siyang sisihin sa sitwasyong iyon.
Kaya nagpokus ako ulit sa kanya, at hiniling ko na magsabi siya sa akin ng isang bagay ng direkta, na nagsisimula sa mga salitang "Ako ay galit..."
Sa wakas ay nagsimula na siyang magbigay ng mga direktang pahayag tungkol sa mga bagay na ikinagagalit niya.
Kinilala ko ang kanyang mga nararamdaman at sinabi na nakikita at naririnig ko ang kanyang galit - at nakikita ko kung paano ito nalilipat sa luha, kaya nakikita ko narin ang kanyang nararamdamang sakit.
Patuloy kong inudyukan ang direct expression na ito, at nagsalit salit ang kanyang galit at luha. Habang nararamdaman niya na pinakikinggan siya, naging mas kampante siya sa direktang page-express ng kanyang sarili. Nagkaroon din ng maraming katahimikan na puno ng kanyang mga emosyon at ng aking mga simpleng papuri.
Sa huli ay gumaan ang kanyang pakiramdam, at nakapaglabas siya ng maraming sakit at galit na dala niya na mula pa noong divorce.
Upang maging matagumpay ang ganitong proseso, kinailangan kong maging makulit, ipokus ang kanyang awareness, dalhin siya sa kanyang karanasan sa pamamagitan ng paglahok sa eksperimento kasama siya, at sa pagputol ng kwentuhan dahil bahagi ito ng kanyang pag-iwas sa masyadong malalim na pagdadamdam. Nagbigay ako ng isang relational na lalagyan para sa kanyang galit, at sinuportahan at inudyukan ko siya sa page-express ng kanyang sarili...natagalan bago niya naramdaman na ligtas itong gawin. Hindi ko rin sinakyan ang kanyang pag-iwas; sa halip ay inudyukan ko siya na talagang lubusin ang kanyang karanasan.
Bilang pagtugon, binigyan ko siya ng pagkilala na siyang inaasam asam niya - ang makita at marinig. Hindi ako ang kanyang dating asawa, ngunit sapat ang lakas ng enerhiya sa pagitan namin upang matuwa parin siya sa pag-eexpress sa akin bilang simpleng representatibo para sa kanyang asawa. Ang aking pagbibigay pansin sa simula sa aking pagkalalaki ay naging sapat upang palutangin ang lakas ng kanyang mga nararamdaman, at ang aking pagtanggap ay tila tunay na tunay para sa kanya kaya naramdaman niya na hindi na lamang ito "acting".
Maganda ring pansinin na hindi siya sumigaw, tumili, nanuntok ng mga unan, o nagtaas ng boses. Gumagalaw ang galit sa relasyon at sa pagmamay-ari, at hindi palaging nangangailangan ng dramatic therapy techniques.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)