Sabado, Mayo 17, 2014
Case #5 - Ang malaking rash
Pinuntahan ako ni Lian dahil mayroon siyang malaking skin rash sa kanyang mukha na hindi niya matanggal tanggal.
Hiningan ko siya ng ilang kontekstwal na impormasyon - tungkol sa kanyang buhay, sa kanyang stress levels, sa kanyang kalusugan, pagkain, ehersisyo, at pamilya.
Bata pa siya - mga bente anyos, at nasubukan niya nang magmeditate. Marami na siyang nasubukan na health treatment, ngunit walang gumana.
Tahimik siya at ayon sakanya, madalas siyang hindi napapansin ng mga tao, puwera na lamang sa kanyang rash.
Kaya inutusan ko siyang isipin na siya ang rash, at ilarawan ang sarili niya. Nagsabi siya ng mga bagay gaya ng:
- Pula ako
- Hindi ako makapagtago
- Sensitibo ako
- Hindi ako aalis
- Tinutulak kong palayo ang ibang tao
- Pangit ako
- Namamaga ako
Tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang katawan habang sinasabi niya ang mga bagay na ito. Sinabi niya na nakaramdam siya ng pagkasensitibo, pag-init, at pagiging hindi kumportable.
Sinuri ko pa ang kanyang mga sinabi. Sabi ko, 'Magsabi ka pa ng tungkol sa pagkapula', at tinulungan ko siyang suriin ang kahulugan ng pula sa kanyang buhay. Nagkwento siya sa akin ng isang malungkot na alaala tungkol sa Chinese New Year, isang panahon kung saan punong puno ng pula ang paligid, kung saan hindi umuwi ang kanyang ama.
Nagbunga din ng kwento ang iba pang statement. Nang magsalita siya tungkol sa pagtatago, nagkwento siya tungkol sa kagustuhan niyang pagtaguan ang kanyang nanay na sinasaktan siya.
Tinanong ko siya tungkol sa pagtulak papalayo ng ibang tao. Nung una ay hindi niya ito maipaliwanag - isa kasi siyang mabait na tao na palaging nais na gumawa ng magagandang bagay para sa iba. Ngunit havang pinapalalim natin ito, naging malinaw na ginamit niya ang pagiging "tagapagbigay" sa relasyon upan iwasan na maging malapit ang ibang tao sa kanya. Para sa kanya, ang pagtanggap mula sa iba ay nangangahulugan ng pagpapalapit sa kanila.
Ang pinakamakapangyarihan dito ay ang "pagtulak papalayo ng ibang tao". Hiniling ko sa kanya na sabihin iyon ng direkta sa akin: 'Gusto kitang itulak papalayo'. Naglabas ito ng napakaraming enerhiya, nang malagpasan niya na ang kanyang pagkamahiyain. Inimbitahan ko siyang itulak papalayo ang aking mga kamay, upang maisadula niya ang pagtutulak papalayo. Nung una ay nag-aalangan pa siya, ngunit unti-unti itong lumakas. Lahat ng enerhiya niya ay lumabas sa pamamagitan ng kanyang mga kamay.
Tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya; ang sagot niya ay galit. Kaya tinrabaho namin ang paglalabas niya ng galit.
Dalawang beses ko lang siyang nakita, ngunit binalita niya sa akin na hindi katagalan pagkatapos noon ay nawala na ang kanyang rash, at na natutunan niya nang maging mas assertive sa kanyang buhay at sa kanyang mga relasyon sa iba.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento