Biyernes, Mayo 23, 2014
Case #7 - Ang tagapagbigay at ang mga marble
Si Changchang ay may edad singkwenta anyos. Mabait siyang tao. Sa katunayan, maalaga siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit inamin niya na hindi siya masaya sa kanyang buhay may-asawa. Hindi niya nararamdaman ang fulfillment, at malungkot siya.
Lumabas na, sa kabila ng pagkakaroon niya ng madaming kaibigan, pagkasagana sa social contact, at pagiging kilala bilang isang mabuting tao, nakakaramdam parin siya ng di-kasiyahan at kalungkutan.
Dumeretso ako sa dialogical mode sa pakikipag-usap sa kanya. Sinabi ko sa kanya - sobrang kumportable ako sa presensya mo. Nararamdaman ko na ikaw ang tipo ng tao na madaling magpatawad, na pwede akong maging tunay na ako at tatanggapin mo parin ako. Sumang-ayon siya - ganito raw talaga ang paraan ng pagtrato niya sa mga tao.
Sinabi ko sa kanya kung gaano ko nagugustuhan ang ganitong klase ng pakiramdam - ang pakiramdam na para bang ligtas ako. Tumango siya at sinabi na mahalaga sa kanya na ganito ang pakiramdam ng mga tao sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya kung paano ko posibleng mapagsasamantalahan ang ganitong klase ng pakiramdam - ng pagsasabi sa kanya ng mga bagay bagay, ng pagsandal sa kanya, ng pagtanggap ng kanyang init. Bilang isang therapist, naging mahirap para sa akin ang pananatili sa isang awtoritatibong posisyon, o bilang isang propesyonal, o pagbibigay sa kanya, kasi nararamdaman ko ang pagtaas ng aking pangangailangan sa harap ng kanyang pagkamapagbigay.
Tumango siya - nakikita niya ang lahat ng ito, bihira nga lang itong malagay ng direkta sa salita.
Napansin ko rin na nakaramdam ako ng kaunting hindi pagka-kumportable sa paraan na mahirap ilarawan. Gusto niya lamang magbigay, at marami nga naman siyang maibibigay. Ngunit kaya niya bang tumanggap? Kaya niya bang tumanggap ng bagay mula sa akin?
Naluha siya. Sinabi niya na mahirap daw iyon.
Maski ako ay naapektuhan ng sandaling iyon. Nanatili kami sa ganitong uri ng emotional contact ng ilang sandali.
Ngunit hindi siya makatanggap ng kahit ano mula sa akin. Parang awtomatiko na sa kanya ang magbigay. Hindi ito balanse.
Kaya nakaisip ako ng isang Gestalt experiment. Nakahanap ako ng ilang magagandang glass marbles sa kuwarto at inilagay ang mga ito sa kamay ko. Sabi ko, bibigyan kita ng marble nang isa-isa. Gusto ko na talagang tanggapin mo sila mula sa akin, na para bang tumatanggap ka ng regalo.
Pumayag siya, at ginawa nga namin ito. Ginawa ko ito ng mabagal habang nakatingin sa kanya, upang siguraduhin na tinatanggap niya talaga ito mula sa akin. Nanginginig siya; unti-unting siyang naging vulnerable, at umiiyak siya habang kinukuha niya ang bawat marble.
Sinabi niya na ito ang pinakaunang pagkakataon na naalala niya sa loob ng mahabang panahon kung saan tunay siyang tumanggap ng bagay mula sa ibang tao. Siya raw kasi palagi ang nagbibigay, at sa ganitong paraan na siya nakilala ng ibang tao. Ngunit habang naglalaon ay nawawalan ng makabuluhang laman ang relasyon dahil hindi two-way ang flow, at bilang resulta ay nanlalamig at nagiging stagnant ito. Kaya siya nagiging malungkot, sa kabila ng kanyang pagiging kilala at pagkakaroon ng maraming kaibigan.
Ginamit ko sa dayalogong ito ang aking personal nakaranasan. Imbis na pag-usapan ang iba pang mga aspeto ng kanyang buhay, dinala ko ang usapan sa kasalukuyan, at ang eksperimento ay nangyari sa pagitan lamang naming dalawa. Naging posible ang bagong karanasan dahil pantay ang antas ng investment namin sa isa't isa. Nilagyan ko ng awareness ang isang relational transaction na kadalasang automatic at nangyayari sa labas ng awareness (sa sitwasyong ito, pagtanggap). Sa pamamagitan ng pagsasama ng sarili kong karanasan (imbis na husgahan siya)makakayanan niyang maging bukas sa isang bagay na bago sa kanya.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento