Lunes, Mayo 26, 2014
Case #8 - Kawalan ng tiwala sa mga lalaki
Si Gabriella ay may apat na taong anak na lalaki, at kasalukuyang limang buwan nang pinagbubuntis ang kanyang magiging anak sa kanyang partner, si Jose, na nagpapakilala bilang kanyang nobyo. Dalawang taon na silang nagsasama.
Naguguluhan siya sa kanyang relasyon sa mga lalaki. Si Jose ay supportive at desididong palakihin ang kanilang anak, ngunit mayroon itong isa pang anak sa isang babae na hindi niya kinakasama. Siyam na taong gulang na ang bata.
Nakakaramdam si Gabriella ng malaking galit sa mga lalaki. Ang kanyang ama ay walang pakialam at mahirap abutin, at bihira siyang purihin nito. Kaya nakakaramdam siya ng paghahangad ng kabaitan mula sa mga lalaki, at kasabay nito ay rejection sa kahit anong indikasyon ng pagiging malayo ang loob ng lalaki.
Nagsasama sila ni Jose, ngunit nag-aalangan itong panindigan siya ng tuluyan at pakasalan. Nakaramdam siya ng malaking galit sa kanya dahil dito, at nagdulot ito ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Ngunit natatakot din siya na baka iwan siya nito. Kaya ang ginawa niya ay, pinatigas niya ang kanyang kalooban at ginawa nalang kung ano ang alam niyang gawin; nagpakatatag siya at dumepende sa kanyang sarili.
Ang kaso, noong ginawa niya iyon, lalo pa niyang nailayo ang kanyang sarili sa suporta at kabaitan na ninanais niya.
Kaya inimbitahan ko siyang dalhin ito sa kasalukuyan ng kasama ako - after all, lalaki ako. Hinikayat ko siyang sabihin sa akin kung ano ang mga hindi niya pinagkakatiwalaan sa mga lalaki, at na sabihin sa akin ng deretsahan ang mga bagay gaya ng - "Wala akong tiwala na magiging mabait ka, wala akong tiwala na hindi ka nandito para lamang sa sarili mong interes', atbp.
Nag-aalangan siyang sabihin sa aking ng direkta ang mga bagay na ito, ngunit inudyukan ko siyang gawin ito dahil kampante at sigurado ako sa sarili ko, at na kaya kong marinig ang mga ganoong bagay.
Kaya ginawa niya nga. Tinanong ko siya kung ano ang kanyang nararamdaman - medyo namamanhid daw. Kaya pinahinga ko siya nang malalim at inudyukan siyang maging bukas sa kanyang mga nararamdaman. Nakakonekta siya sa kanyang galit. Kaya pinasabi ko ulit sa kanya ang pinasabi ko kanina, ng may galit.
Ginawa niya nga, at pagkatapos ay naiyak siya. Kumurot sa kanyang kalooban ang ginawa kong pakikinig lamang sa kanya, at ang aking hindi pag-atras o pagpalag. Sinabi ko sa kanya na naramdaman ko ang aking pag-aalala sa kanya sa sitwasyon na iyon. Nagsimula siyang umiyak. Masyado raw siyang nasanay sa pagtutulak palayo ng mga lalaki dahil sa galit niya, kaya naging bago at makabagbag-damdaming karanasan para sa kanya ang makakita ng lalaking hindi siya nilalayuan.
Nang kumalma na siya, sinabi niya na isa raw itong makapangyarihang karanasan na hindi niya makakalimutan. Nagsilbing katuparan ng isa sa mga pinakamalalim niyang hiling mula pagkabata ang kaalaman na: posible palang mapakinggan ng sabay ang kanyang galit at pangangailangan.
Hindi ito palaging 'curative' na karanasan. Ngunit isa itong malalim at panibagong klase ng karanasan na kaya niyang i-integrate, at maaari itong maging bahagi niya; ang kaalaman at lakas at pagkakampante na hindi niya palaging kailangang "dalhin ang mundo".
Siyempre, ang karagdagang kakayahan na maging vulnerable ay maaaring makabuo ng mga positibong cycle sa isang relasyon, kaya maaari siyang makaranas ng resulta na kakaiba sa mga nakasanayan niya na.
Kasama sa Gestalt process ang pagbibigay ng pansin sa konteksto ng kanyang karanasan, at paggawa ng isang eksperimento na naglalayong magbukas ng oportunidad para sa panibagong karanasan sa kanyang mga relasyon. Ginamit ko ang sarili ko upang direktang makatugon sa kanya, at samakatuwid ay makabuo ng 'I-Thou' na koneksyon.
Sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa therapeutic na relasyon, nailatag ko ang pundasyon para sa pagbabago ng mga magiging relasyon niya sa hinaharap.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento