Sabado, Mayo 3, 2014
Case #3 - Si Joan, ang di-masayang kliyente
Si Joan ay isang kliyente na may edad singkwenta. Marami siyang pera at mayroon siyang dalawang anak na babae na malalaki na, galing sa dalawang magkaibang asawa. Hiwalay na siya sa kanyang asawa at marami na siyang napuntahang iba't ibang lugar.
Hindi masaya si Joan. Kulang ang tiwala niya sa kanyang propesyonal na kakayahan, at sa kanyang kakayahan na isapraktika ng maayos ang mga natutunan niya sa maraming taon ng pag-aaral. Pakiramdam niya ay hindi siya naiintindihan ng iba, at na hindi siya sinusuportahan ng kanyang mga kaibigan. Pakiramdam niya ay palagi siyang nagbibigay sa iba, ngunit hindi ito nasusuklian dahil hindi interesado ang ibang tao sa kanya. Marami siyang hinanakit at hindi niya na alam kung saan pupunta, o kung ano ang gagawin.
Hindi madali ang therapy niya. Gusto niya ng mga solusyon, ngunit tinatanggihan niya ang lahat ng klase ng suhestyon. Ang pinakaninanais niya ay pakikiisa sa kanyang mga nararamdaman, pag-intindi, at simpatya mula sa iba.
Makalipas ang ilang panahon, naramdaman ko na hindi na ako kumportable sa simpleng pagsang-ayon lamang na marami siyang kamalasan sa buhay. Ayaw niyang kilalanin ang gampanin niya sa kanyang buhay at tuwing sinasabi ko sa kanya na may kinalaman siya sa mga nangyayari sa kanya, nagiging depensibo siya at nagagalit sa akin dahil sa aking hindi pagsuporta sa kanya.
Gusto niyang ubusin ang bawat sesyon na nagkukwento tungkol sa kapangitan ng kanyang sitwasyon, at sa pangit na pagtrato sa kanya ng iba. Muli, naramdaman ko na hindi na ako kumportable sa simpleng pag-upo at pakikinig lamang, dahil sa pamamagitan nito ay sinusuportahan ko ang kanyang pagkalugmok sa kanyang masakit at di-produktibong paraan ng pagtingin sa kanyang buhay.
Ngunit tuwing sumasabat ako, maiirita siya at pupunan ako.
Hindi madali ang therapy na ito!
Sinabi ko sa kanya na ang nangyayari sa kanya sa totoong mundo ay makikita rin sa relasyon namin. Na ang mga sitwasyon kung saan hindi niya nararamdaman na pinakikinggan o sinusuportahan siya ay nararamdaman niya rin mula sa akin. At na ilan sa mga reaksyon ko ay maaaring kagaya rin ng mga naging reaksyon ng iba sa kanya.
Minsan interesado at bukas siya sa ideya na ito, ngunit minsan ay gusto niyang bumalik na lamang sa mga kwentong nakasanayan niya na.
Isang beses ay hinain ko sa kanya ang mga bagay na gusto kong ayusin at pagtuunan ng pansin kasama siya, imbis na makinig lamang sa kanyang mga kwento. Na-offend siya at galit na galit siya pagkatapos. Sinabi niya na gusto niya nang tapusin ang therapy.
Isa itong halimbawa ng tinatawag nating "punit" sa "tela" ng relasyon. Responsibilidad ng therapist na "ayusin" ito sa pamamagitan ng "acknowledging" (pagpansin/pagkilala) at "reconnection" (muling pagkokonekta/pagtatagpo).
Kaya ang ginawa ko ay ganito: kinilala ko na nakita niya bilang pag-istorbo at pagsabat sa kanya ang mga ginawa ko, at pinansin kung gaano nakasakit at nakagalit sa kanya ang mga ginawa kong ito. Inamin ko na naging apurado ako na pasulungin ang therapy, at na hindi ako nakuntento sa simpleng pakikinig lamang sa kanyang mga kwento. Inamin ko na mukhang hindi umuubra para sa kanya ang pagdadagdag ng buhay at partisipasyon sa therapy.
Napagaan nito ang loob niya, at ito siguro ang pinakaunang pagkakataon sa kanyang buhay na may taong umamin sa kanya ng kanilang parte sa hindi pagiging maayos ng kanilang relasyon. Sa ganitong paraan, nakaranas siya ng healing mula sa karanasang ito at bilang resulta, may parte sa kanya na lumakas at tumibay.
Pero sa kabila ng lahat, marami paring kailangang ayusin...

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento