Biyernes, Mayo 30, 2014
Case #9 - Ang solusyon ay ang hindi pagbibigay ng solusyon
Mayroong anak na binata si Jane. Nahihirapan siyang i-motivate ang anak niya, at hindi niya alam kung uudyukan niya ba itong pagbutihan ang kanyang pag-aaral, o kung bibigyan niya na lamang ito ng pagkakataon na diskubrihin ang at kumilos ayon sa sarili niyang lebel. Nag-uubos kasi ito ng maraming oras sa internet.
Humihingi siya sa akin ng payo, ng solusyon, at ng patnubay.
Siyempre, gusto ko siyang bigyan ng parental advice- ama rin naman kasi ako sa limang anak. Marami akong opinyon ukol sa kung ano ang makakatulong.
Ngunit imbis na gawin iyon, tinanggihan ko siya, at imbis ay pinagtuunan ko ng pansin ang kanyang mga nararamdaman habang kinukwento niya ang kanyang sitwasyon. Patalun-talon ang kwento niya- pagkukwento tungkol sa isang positibong karanasan sa parenting class, pag-aalala na baka hindi maging maayos ang buhay ng kanyang anak. Mahirap panatilihin ang pokus niya sa kasalukuyan, sa akin, at sa kanyang mga nararamdaman.
Binahagi ko sa kanya ang ilan sa mga pakiramdam ko sa pagpapalaki sa aking mga anak na dalaga at binata. Nakabuo ito ng oportunidad para sa kanya na maging bukas sa pagbabahagi ng kanyang mga agam-agam at tensyon. Nakangiti siya habang ginagawa ito. Nagkokomento ako sa aking mga nakikita at naririnig, at tinanong ko siya kung ano ang nagagawang pagkakaiba ng mga ito para sa kanya.
Nagkwento siya tungkol sa pagpipilit na magkunwaring masaya, kaysa magmukhang nag-aalala at malungkot. Medyo umuubra raw ito para sa kanya.
Ngunit kita sa tensyong nararamdaman niya na hindi ito sapat.
Kaya nanatili akong nakapokus sa kasalukuyan, sa kanyang karanasan, at nagkwento ako tungkol sa aking mga naging problema noong nasa ganoong edad pa ang aking mga anak.
Unti-unti, hinayaan niya ang sarili niyang mas makaramdam. Hinikayat ko siyang huminga ng mas malalim.
Inamin niya na pakiramdam niya ay naliligaw siya. Minungkahi ko na imbis na bigyan siya ng mga solusyon upang makatakas siya sa kanyang pakiramdam ng pagkaligaw, ay sasamahan ko nalang muna siya doon. Minungkahi ko na patagalin namin ang aming pananatili doon ng isang minuto.
Nagrelax siya, at nagsimula siyang makaramdam ng init sa kalooban niya. Napansin ko na nakalagay ang kamay niya sa gilid ng kanyang sikmura, malapit sa kanyang ribs. Dinala ko ang kanyang awareness sa puntong ito. Kadalasan daw ay nakakaramdam siya ng agam-agam at tensyon sa kanyang sikmura. Ngayon ay init na ang nararamdaman niya. Inimbitahin ko siyang mas ramdamin pa ito.
Ngayon ay lumalalim na ang kanyang mga nararamdaman, at nagsimula siyang umiyak. Unti-unti na siyang nagiging bukas sa pakikiisa sa kanyang mga malalalim na nararamdaman. Nandoon na ang pakiramdam ng kalungkutan at init.
Ito ang punto ng integration.
Sa wakas ay mababahaginan ko na siya ng isang parenting principle na natuklasan kong epektibo para sa akin. Ngayon ay matatanggap niya na ito ng may bukas na puso, at hindi lang bilang isang intelektwal na ideya.
Ang mahalaga dito ay, imbis na pumasok sa therapy na may dala-dalang mga solusyon na siyang gusto niyang makuha (at na ayon sa kanya ay nabigay naman na ng iba), sinamahan ko siya sa kanyang pagmamatigas, hinikayat siyang manatili sa kasalukuyan, at sinamahan siya sa kanyang pagkaligaw, at nakatulong ito upang mas maging totoo siya sa sarili niya. Ang pokus ay relational imbis na behavioral.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento