lifeworksgestaltl1

Sabado, Agosto 2, 2014

Case #22 - Ang lobo sa may pintuan.

Si Matt ay isang matagumpay na entrepreneur. Maraming oras ang ginugol niya sa pagkilala sa kanyang sarili, pagkuha ng iba't ibang mga kurso, pagbabasa ng mga self-help na libro, at pagpapaigi ng kanyang positibong momentum.
Kagagaling niya lamang sa divorce at nagkaroon ng bagong yugto ang kanyang buhay, sa pamamagitan ng isang bagong relasyon. Ang dati niyang asawa ay napakakritikal, lalo na pagdating sa kanyang buhay pinansiyal at sa kanyang trabaho. Bagamat matagumpay siya, at may negosyo na may kabuluhan sa lipunan, hindi siya mayaman. Palagi siyang binabatikos ng kanyang asawa dahil nakukulangan ito sa kanyang pinansyal na tagumpay.
Nilapitan niya ako matapos niyang makaranas ng panic attack habang nasa trabaho. Halos buong araw daw siyang naparalisa.
Mukhang isang pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang dating asawa ang nagdulot nito. Inudyukan kasi siya nitong kanselahin ang kanyang mga plano sa umagang iyon upang sunduin ang kanilang anak, dahil kailangan nitong iwan sa garahe ang kanyang sasakyan. Gaya ng karaniwang ugali nito sa pakikipag-usap kay Matt, naging malupit, mapanisi, at kritikal ito.
Bukod pa doon, may iba pang mga pangyayari - hindi niya nakuha ang isang malaking kontrata na kanyang inaasahan; nahuhuli ang kita ng ilan sa mga malalaki niyang account; marami siyang ginagawang positibong bagay, gaya ng pagsulat ng libro, upang pagandahin ang kanyang karera, ngunit wala ni isa sa mga ito ang umuubra; dinemanda siya ng isa sa mga dati niyang kasosyo; at panghuli, tiningnan niya ang kanyang account sa bangko at nalaman niya na $100 na lang pala ang laman nito.
Tinanong ko kung ano ang kanyang nararamdaman habang kinukuwento ang lahat ng ito sa akin. Paulit ulit niyang ibinabahagi ang kanyang mga ideya tungkol sa mga nangyayari at kinukwento ang iba pang mga nakalipas na pangyayari, ngunit pinigilan ko siya at pinalarawan lamang ang kanyang nararamdaman sa kanyang katawan.
Sinabi niya na habang nangyayari ang panic attack, pakiramdam niya raw ay nakagapos ang kanyang buong katawan. Ngayon, pakiramdam niya na siya ay bulnerable at takot, lalo na sa bandang dibdib.
Inanyayahan ko siyang pagtuunan ng pansin ang mga pakiramdam na ito.Nakaramdam daw siya ng init, at kaunting takot. Sinabi niya na para itong dayuhan na sumasalakay sa kanyang katawan.
Nagbigay siya ng isang analogy na dating ginagamit ng kanyang ama - isang lobo sa may pintuan.
Kadalasan, kapag mataas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili, ayos lang sa kanya ang pagharap sa mga pagsubok. Ngunit ngayon at wala na siyang kumpiyansa sa kanyang sarili, tila kaya na siyang "atakihin" ng lobong ito.
Sinabi ko na baka hindi na lamang nakatayo sa may pinto ang lobo - baka nakatayo narin ito sa harap niya.
Kaya inanyayahan ko siyang isipin na nasa ibabaw niya ang lobo. Sinabi niya na "natutuluan ako ng laway nito". Pinaisip ko sa kanya ang pakiramdam ng dinadaganan; pakinggan ang paghinga ng lobo at pakiramdaman ang laway nito na tumutulo sa kanyang mukha. Pinahinga ko siya ng malalim at maayos at sinabihan siyang pakiramdaman ang takot sa kanyang buong katawan. Binalaan ko siya na makakaramdam siya ng maraming enerhiya, at na kung sumobra na para sa kanya ang karanasan ay maaari niya itong itigil.
Ginawa niya nga, at tila kinokombulsyon siya habang ginagawa ito. Matapos ang ilang minuto ay binuksan niya ang kanyang mga mata; nagulat siya sa dami ng enerhiya na naramdaman niya sa kanyang katawan.
Sunod ay pinaisip ko sa kanya na siya ang lobo; nakatayo sa harap ni Matt at tumutulo ang laway. Sinabihan ko siyang kausapin si Matt at bigyan ito ng ilang mensahe.
Matapos ang ilang minuto, binuksan niyang muli ang kanyang mga mata. Tila marami siyang napagtanto. Sinabi niya, "Madunong pala ang lobong ito."
Napagtanto niya na para pala siyang tupa, at sa posisyong iyon siya ay mahina, mahinhin, bulnerable, at sira ang kumpiyansa sa sarili. Ang lobo naman ang kanyang naisantabing sarili na puno ng kakayahang bunuin ang mga pagsubok na kanyang hinaharap, hindi lamang sa kanyang personal na buhay kundi pati sa kanyang propesyon.
Sa prosesong ito, gumamit ako ng identification, at sinadya kong magsimula sa karanasan niya sa kanyang katawan. Inusisa ko ang pagkakalarawan niya sa kanyang mga nararamdaman bilang "dayuhang sumasalakay" dahil malinaw na hindi lamang ito simpleng takot - sa katunayan, sa sobrang grabe nito ay naparalisa na siya, at masasabi natin na isa itong tunay na delikadong karanasan.
Sa paraang Gestalt, direkta nating inusisa ang kanyang karanasan ng kapahamakan, kaakibat ang sapat na suporta. Sunod namang inusisa ang kabilang dulo ng polarity - ang "dangerous" niyang sarili - na siyang naghilom sa split ng kanyang pagkatao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)