lifeworksgestaltl1

Miyerkules, Agosto 27, 2014

Case #29 - Paglaki bilang isang galit na batang babae

Binanggit ni Mary ang pagkakaroon ng tampo sa kanyang ama. Tinanong ko ang dahilan; nakipagdiborsyo raw kasi ito sa kanyang ina noong siya ay apat na taong gulang pa lamang.
Inusisa ko ang field na ito. 20 taon na ang nakaraan nang ito'y mangyari, at sampung beses niya pa lamang nakikita ang kanyang ama mula noon. Kakaunti lamang ang alam niya tungkol dito.
Naniwala siya na ang kanyang ina ang biktima dito - nagkaroon kasi ng kabit ang kanyang ama, at matapos ay nagpakasal muli.
Hindi niya sinubukang kausapin ito noong tumanda na siya. Nang tanungin ko kung bakit, sinagot niya na dinala kasi nito dati ang kanyang anak na babae mula sa kanyang pangalawang asawa, at sobrang nagselos si Mary nang lambingin ito ng kanyang ama.
Sinabi ko sa kanya na hindi ang isyu ng divorce o ang kanyang sama ng loob dito ang pagtutuunan ko ng pansin (dahil hindi naman talaga ito ang sentro ng kanyang mga isyu). Sa halip, ang pagtutuunan ko ng pansin ay ang kanyang pagiging adult, at ang pagtulong sa kanyang alamin kung ano ang dapat niyang gawin sa kasalukuyan.
Nagdalawang-isip siya noong una, ngunit malinaw ang aking mga patakaran.
Nagkwento ako sa kanya tungkol sa aking sariling divorce, tungkol sa naging pag-uusap namin ng aking pinakamatandang anak na babae noong tumanda na siya, at ang maling impormasyon na matagal niyang pinaniwalaan.
Sinabi ko na handa akong suportahan siya sa pagbuo ng kanyang sariling pakikipag-usap sa kanyang ama, ngunit hindi dapat siya manatili sa isang posisyon na walang magawa, mala-biktima, at mahina.
Namana niya ang mga kuwento ng kanyang ina, at naapektuhan siya ng mga ito. Ngunit bilang isang tao na nasa tamang edad na, maaari niyang alamin ng direkta mula sa kanyang ama ang bersyon nito ng kuwento. Hindi niya pa ito nagagawa, kaya ginawa kong pokus ang pag-usad papunta dito, hindi ang pag-uusisa pa ng nakaraan.
Maganda ring idagdag na habang nag-uusap kami, gumagamit si Mary ng isang maliit at pambatang boses, at mayroon siyang mga mannerism. Sinabi ko na naiintindihan ko siya at nakikiramay ako sa kanyang di-pagkakasundo sa kanyang ama, ngunit lumipas na ang mga iyon at maski therapy ay hindi na makakatulong upang ibalik ang mga nawalang taon..
Kailangan naming manatili sa pagiging trahedya nito sa kasalukuyan, at humanap ng mga maaaring gawin o mapagkukunan ng lakas habang nandoon.
Mahirap itong sabihin, ngunit kung hindi ko ito ginawa, tutulungan ko lamang siyang manatili sa kanyang walang katapusang paghahangad sa isang bagay na nakalipas na.
Nakakatulong minsan ang pakikiramay, ngunit minsan ay mas kailangan ang mga malinaw na patakaran, at umusad kaysa paulit ulit na lumingon sa  pinanggalingan. Sa kanyang pagiging "maliit na bata", wala siyang mapagpipilian, at wala siyang kakayahang lumapit patungo sa kanyang ama.
Noong bata raw siya, palagi niyang pinapalo ang kanyang ama tuwing nakikita niya ito. Malinaw na galit siya, at sinabi ko na normal lang naman ang kanyang reaksyon. Ngunit wala parin siyang nahahanap na ibang paraan upang makipag-ugnayan dito, at galit parin siya na para bang maliit na bata.
Kaya nagmungkahi ako ng isang eksperimento: tatayo siya sa isang bahagi ng kuwarto, at kunwari ay katabi niya ang kanyang ina. Mula dito ay lalakad siya "papunta" sa kanyang ama, siguro upang makipag-usap o tumayo lamang sa tabi nito.
Tila malaking hamon para sa kanya ang mungkahing ito, at natakot siya. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang palakasin ang kanyang loob, ngunit binigyan ko parin siya ng kakayahang mamili. Pinaalala ko sa kanya ng maraming beses na 24 anyos na siya. Pinakiusapan ko siyang tigilan ang pagsasalita na tila maliit na batang babae, ituwid ang kanyang likod (sinabi niya kanina na palaging sumasakit ang kanyang likod), at umusad papunta sa pagiging taong nasa tamang edad na at may kakayahang pumili.
Unti unti ay pumayag din siyang gawin ang eksperimento. Lumakad siya ng paisa-isang hakbang, at nangailangan siya ng maraming suporta sa bawat hakbang upang hindi malaglag. Sa wakas ay naabot niya rin ang kinaroroonan ng kanyang ama, at may pinakiusapan ako upang magkunwari bilang kanyang ama.
Tingin niya ay imposible para sa kanya ang kausapin ito. Kaya tinanong ko kung ano ang kanyang nararamdaman, at na gawin niyang pangungusap ang mga pakiramdam na ito. Mga kalahating dosenang emosyon ang ginawa naming pangungusap upang magkaroon siya ng mga sasabihin. Nangailangan pa siya ng pagpapalakas ng loob upang mailabas ang mga salitang ito. Sa katunayan ay tila nahihirapan siyang huminga, at nang banggitin ko ito, sinabi niya na produkto raw siguro ito ng kanyang hinanakit sa atensyon na binibigay ng kanyang ama sa isa pa nitong anak na babae.
May mga bagay sana siyang nais tanungin dito, ngunit sinabi ko na mga pahayag lamang ang maaari niyang sabihin dito. Binanggit ko na may bias na ang mga tanong niya, at pinaalala ko sa kanya ang mga dahilan kung bakit niya gustong lumapit dito.
Sa wakas ay kinausap niya na ito; sinabi niya na siya ay galit at nasaktan, ngunit sa kabila ng lahat at nagagalak parin siyang makita ito. Karamihan ng mga sinabi niya ay may kinalaman sa kanyang hinanakit at sa kanyang mga takot. Sinabi ng kanyang "ama" na nagagalak din itong makita siya; hindi raw ito ang inaasahan niyang sagot.
Napakahirap para sa kanya ng buong proseso. Kinailangan kong padaliin ang eksperimento sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya na isa lamang itong therapy group; wala talaga doon ang kanyang ama at ina, at naglalakad lamang siya sa ibabaw ng sahig na gawa sa bamboo - wala nang iba. Binawasan nito ng kaunti ang kanyang pangangamba. Sinamahan ko siya sa bawat hakbang upang gumabay, sumuporta, at manghamon upang manatili siya sa kanyang pagiging "adult".
Isa itong halimbawa ng "safe emergency" sa Gestalt experiment, kung saan sinusuong natin ang isang teritoryo na karaniwan ay mahirap pasukin habang nagbibigay ng kinakailangang suporta.
Nakakatulong itong bigyan ng bagong karanasan ang isang tao.
Ngunit hindi prescriptive ang ganitong klase ng mga eksperimento, at sinasabihan namin ang mga kliyente na huwag isipin na kailangan nila ang mga eksperimentong ito; sa halip, dapat ay tingnan nila ito bilang mga simpleng pagtuklas ng kanilang awareness at choicefulness.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)