Miyerkules, Agosto 6, 2014
Case #23 - Ang lasenggong ama
May mga isyu si Mary sa kanyang ama.
Una kong ginugulan ng panahon ang pagbuo ng koneksyon sa kanya. Sinabi ko sa kanya ang aking karanasan sa kanya sa panahong naging magkasama kami - siya ay entusiyastiko, bukas, at naging mainit ang aking pagtanggap sa kanya.
Tinanong ko naman kung ano ang karanasan niya sa akin. Pakiramdam niya raw ay relaxed siya, dahil mukhang palakaibigan ako.
Tinanong ko kung ano ang mga pagkakaiba at pagkakapareho namin ng kanyang ama.
Ang mga pagkakaiba: palagi nitong binabatikos ang kanyang paggastos, minsan ay nasosobrahan na ito ng inom, at nag-aalala siya dito kaya pinagsasabihan niya ito.
Ang mga pagkakapareho: Supportive ito at palaging pinapalakas ang kanyang loob.
Nagkukwento raw ang kanyang ina sa kanya ng mga reklamo at hinanakit nito sa kanyang ama,
Pinatukoy ko sa kanya ang mga nararamdaman niya sa kanyang katawan. Tila raw may nakabara sa kanyang dibdib, may tensyon sa kanyang likod at leeg, at kaunting paninikip sa kanyang sikmura. Gumugol kami ng oras sa kanyang paghinga papunta sa mga pakiramdam na ito.
Pagkatapos ay umakto ako bilang kanyang ama at sinubukang magsalita na gaya nito.
Bilang kanyang "ama", sinabi ko:
- "Wag ka nang makialam; sarili kong desisyon ang mga pinili kong gawin sa aking buhay; sarili mong buhay ang intindihin mo."
- "Nais kong maintindihan mo na aayusin namin ito ng ina mo sa sarili naming paraan, kaya wag ka na masyadong mag-alala sa aming relasyon."
- "Kung magrereklamo sayo ang ina mo tungkol sa akin, gusto kong lumayo ka at sabihin sa kanya na ayaw mo na itong marinig."
Matapos sabihin ang mga pahayag na ito, tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya raw ay nakaginhawa siya.
Sa huli, sinabihan ko siyang ihinga ng malalim ang kanyang pakiramdam ng pagbitaw at ginhawa.
Nais niya rin sanang pag-usapan ang isa pang isyu niya sa kanyang ama, ngunit pinakiusapan ko siyang tumigil muna doon, at sa halip ay manatili muna sa kanyang pakiramdam ng ginhawa.
-
Sa prosesong ito direkta akong nagsimula sa relational ground, dahil alam ko na ang kanyang ama ang kanyang isyu, at nais kong tuklasin ang mga paraan kung saan ako'y nasa ganoon ding posisyon. Sa paggawa nito, madali kong makikita ang kanyang mga tunay na isyu, at malalaman ko kung naranasan ko rin ba ang mga ito.
Pinagtitibay ng mga pagkakaiba at pagkakapareho ang koneksyon namin ng kanyang ama, at pinaghihiwalay din kami dito, ngunit nagbibigay din ito ng punto kung saan maaari kaming maging konektado at bumuo ng pagkakapareho sa pagitan namin.
Malinaw na napipilitang maging "magulang" si Mary dahil sa sistema ng kanyang pamilya, at hindi ito nakabubuti para sa kanya.
Kaya sa pamamagitan ng pag-ako ng posisyon ng kanyang ama, nakayanan kong magpaabot ng isang mensahe tungkol dito na mas posibleng tumama sa kanya. May pagkakahawig ito sa isang family constellation statement.
Lutang naman talaga ang mga isyu sa alak, ngunit hindi natin ito kayang bunuin ng sabay sabay, at malinaw na mas kailangan niyang tigilan ang pagiging tagapagligtas ng kanyang ama. Kaya kung maririnig niya mula dito ang mensahe na nagpapatigil sa kanya, baka maudyukan siya nitong umatras at magsimula nang pagtuunan ng pansin ang pansarili niyang mga pangangailangan.
Ang kanyang ginhawa ay isang indikasyon na papunta kami sa tamang direksyon. Siniguro ng initial somatic checking na magkakaroon ako ng base line, at sa gayon ay mababantayan ang anumang pagbabago na mangyayari.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento