lifeworksgestaltl1

Biyernes, Agosto 8, 2014

Case #24 - Ang abandunadong sanggol

Ginamit ko ang simula ng sesyon upang bumuo ng koneksyon kay Jane. Napansin ko ang kanyang maladilaw/malaginto na pantaas. Sinabi niya na gusto niya ang mga mala-apoy na kulay dahil nagbibigay daw ito ng init, at nakakatulong sa kanya tuwing nalulungkot siya. Gustong gusto niya raw kasama ang mga tao na entusiyastiko o masigla; kung hindi raw ganito ang isang tao, wala siyang interes dito.
Tinanong ko kung anong isyu ang nais niyang pagtuunan ng pansin - ang sagot niya ay negosyo, ama, at nobyo. Pinapili ko siya ng isa, at negosyo ang pinili niya.
Ayos lang kahit ano ang piliin ng kliyente, dahil malamang ay ito nga ang pinakamahalaga.
Pinalinaw ko sa kanya ang kanyang isyu. Sinabi niya na masyado raw siyang makasarili - palagi niyang sinusunod ang gusto niya nang hindi iniisip ang iba.
Binigyang pansin ko ang mga positibong dulot ng ganitong ugali sa negosyo, ngunit naiintindihan ko rin kung paano ito makakaagrabyado sa iba.
Bigla niyang inamin na naghahangad lamang siya ng pagkilala, at na ampon lamang siya. Inabandona raw siya ng kanyang mga magulang sa ilalim ng isang tulay.
Maraming nabago para sa akin dahil dito. Ang kanyang pagbubunyag nito ay nangangahulugang kaya niyang ipagkatiwala sa akin ang mga bagay na personal at mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Imbis na tingnan ito bilang isang piraso ng impormasyon lamang na maaari kong pakinabangan, mas sineryoso ko ito at tiningnan ito bilang isa sa kanyang mga malalalim na paraan ng paghingi ng pagkilala.
Naintindihan ko rin ang kanyang paghahangad ng init.
Tinanong ko kung ano ang nararamdaman niya, ngunit wala siyang masabi, bukod sa lamig na nararamdaman niya sa kanyang binti dahil sa air con.
Kaya tinanong ko, paano naman ang pakiramdam ng panlalamig sa isang relasyon? Ito kasi ang opposite polarity ng init na hinahanap niya sa isang relasyon.
Ngunit ayokong bigyan masyado ng oras ang pag-uusap tungkol dito. Kaya sunod kong tinanong kung gaano katagal siyang iniwan sa ilalim ng tulay. Hindi niya raw alam, kaya pinahula ko na lamang sa kanya. Isang araw daw siguro.
Siyempre, malamang ay nilamig siya sa loob ng panahong iyon.
Matapos palutangin ang memorya ng malungkot na karanasang ito, gusto kong siguraduhin na may ibang mangyayari. Tinanong ko siya kung maaari ba akong lumapit, at kung maaari niya bang ilagay ang kanyang ulo sa aking balikat.
Sinabi niya na oo, ito talaga ang matagal niya nang inaasam asam.
Kaya ginawa nga namin iyon, at sinabihan ko siyang namnamin lang ang init hangga't kaya niya. Natagalan siya - hindi niya ito magawa noong una. Ngunit maya maya ay sinimulan niya rin; bumilis ang kanyang hininga, gaya ng isang sanggol. Maya ay maya ay bumagal din ito. Tinanong ko kung ano ang nararamdaman niya - mainit daw, ngunit malamig parin ang mga binti niya. Kaya tinakpan ko ito ng tela upang makapagpatuloy kami. May naririnig daw siyang mga tunog galing sa kanyang sikmura. Nagtanong ako tungkol sa isang kaugnay na karanasan, at nagkwento siya tungkol sa kanyang mga tangkang magbawas ng timbang at magdiyeta.
Malinaw na tungkol ito sa gutom, at posibleng konektado sa kanyang gutom para sa emosyonal na init. Kaya tinanong ko kung maaari ko rin bang ilagay ang kamay ko sa kanyang tiyan, at pinanamnam ko ulit sa kanya ang init.
Nanatili kaming ganito ng matagal at maya maya, sinabihan ko siya na bibitaw na ako.
Dumalo na raw siya sa napakaraming workshop, ngunit ngayon lang daw siya nakaranas ng ganitong klase ng pagtugon.
Ang proseso ng Gestalt ay ginagabayan ng pokus sa kasalukuyang relasyon, pati narin ng konteksto ng field at kung ano ang wala doon. Nagsama sama ang lahat ng isyung nabanggit niya - ang kanyang paghahangad ng pagkilala, paghahangad ng init, gutom at sobra sobrang pagkain, at ang kanyang pagkamakasarili.
Kaya binigyan ko siya ng "pagkilala" sa pinakamalalim na antas na kaya kong ibigay - non-verbal, at may kasamang paghipo - dahil karaniwang sa non-verbal na antas at sa paghipo nararanasan ng sanggol ang komunikasyon.
Tunay na nakakatulong sa therapy ang facilitative na estilo, ngunit ang mga pinakamalalim na pagbabago ay maaari lamang manggaling mula sa isang relasyon. Mahalaga na maintindihan mo ng maigi ang mga pangangailangang relasyonal ng isang kliyente, pati ang pagkakaroon ng kakayahang magpalitaw ng malalim ng bunga mula sa iyong pagtugon sa pangangailangan na iyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)