lifeworksgestaltl1

Biyernes, Agosto 22, 2014

Case #28 - Ang nagsasalitang pantalon

Tinalakay ni Nancy ang kanyang samu't saring isyu. Pakiramdam niya raw ay malayo sa pagiging totoo sa sarili ang kanyang pag-uugali. Nagka-anak siya sa kanyang unang asawa, ngunit parang wala lang din ang relasyon nila dahil bihira lamang silang magsama.
Nagkuwento rin siya tungkol sa kanyang pangalawang pag-aasawa - nagkaroon siya ng maraming aborsyon; gusto ng asawa niya ng isa pang anak, ngunit ayaw niya na. Naging masaya siya sa kanyang pangalawang asawa, ngunit minsan ay tinatago niya rito ang kanyang pagdalo sa mga workshop. Nagkuwento siya tungkol sa kanyang pagiging mahina sa pisikal na aspeto, at sa kagustuhan niyang baguhin ito.
Sinabi ko sa kanya na sunod sunod ang pagbuhos ng kanyang isyu; tila walang isyu na sapat ang lalim upang mapagtuunan ng tamang pansin. Sinabi niya na nahirapan din ang iba niyang therapist sa pagtukoy ng isyu na kanilang pagtutuunan ng pansin.
Tinanong ko kung ano ang kailangan niya mula sa akin: "Magpaligtas," tugon niya. Pinaliwanag ko na matutuwa sana akong subukang iligtas siya, ngunit mukhang hindi ito umuubra; matutuwa rin sana akong tulungan siyang lumakas, ngunit mukhang hindi rin iyon umuubra ngayon.
Sa simula ng sesyon, pinansin ko ang kanyang mga pantalon - mayroon itong makulay at kumplikadong disenyo. Maraming beses ko itong pinansin. Napansin ko rin ang kanyang bibig - marami siyang expression. Madalas niyang kagatin ang kanyang labi, o ilabas ang kanyang ngipin sa isang partikular na paraan.
Nagkomento ako sa mga bagay na ito. Wala siyang awareness sa kanyang bibig, at hindi siya interesado sa kanyang mga pantalon.
Matapos ang kaunting talakayan, bumalik ako sa pagpansin sa kanyang pantalon, at minungkahi na tingnan namin kung matutulungan kaya kami nitong pumili ng isyu na bubunuin.
Tinanong ko kung anong aspeto nito ang pinakagusto niya. May pinakita siyang parte sa bandang bukong bukong na may tatlong magkakaibang kulay. Nilarawan niya ang mga ito bilang mga maiinit at malalamig na kulay.
Kaya pinaako ko sa kanya ang "pagkatao" ng bawat kulay na iyon, at pinalarawan ang kanyang sarili ayon sa mga kulay na iyon. Naglarawan siya ng isang sarili na mainit, masigla, entusiyastiko, at kumikinang. Pagkatapos ay isang sarili na mahinahon, mahilig magbulay bulay, at gustong mapag-isa. Sunod ay isang saril na malamig, mapagkalkula, at rasyonal.
Tumugon ako sa bawat isa sa mga paglalarawang ito. Pagdating sa huling paglalarawan, agad siyang nag-react - sinabi niya na hindi ito OK para sa kanya, at na sinisisi niya ang kanyang sarili.
Lumitaw na marami siyang batayan ng kung ano ang dapat, kaya naging "mali" ang bahaging iyon. Tinanong ko kung saan nanggaling ang mga batayang ito - sa kanyang ina raw. Kaya kumuha kami ng isang unan upang tumayo para sa kanyang ina, at kinausap niya ito. Inihayag niya dito ang kanyang koneksyon, pati narin ang kanyang mga hangganan, sa kanyang batayan ng mga dapat gawin.
Nariyan din ang kanyang dating biyenan na naging "ideal" para sa kanya sa iba't ibang paraan, ngunit mas puno pa ng mga batayan ng "dapat" gawin. Pinalagay ko ang kanyang biyenan sa unan, at muli ay inihayag niya ang kanyang mga koneksyon, pati narin ang kanyang mga hangganan.
Paulit ulit kong binalikan ang malamig/mapagkalkulang bahagi ng kanyang sarili upang subukang ipakita sa kanya na hindi ito mali. Tuwing hindi siya sumasang-ayon, tatanungin ko kung mas gusto niya bang madiktahan ng mga "dapat", at ang sagot niya ay "Hindi".
Sa wakas ay nakinig narin siya sa akin, dahil nagkwento ako sa kanya tungkol sa aking mapagkalkulang sarili. Sinabi ko na kung ako ay nasa work o business mode, magiging kumportable ako sa parteng iyon ng kanyang pagkatao. O kung ako ay nasa aking malamig o mapagkalkulang mode, ayos lang sa akin ito. Ngunit kung pakiramdam ko ay bulnerable o nangangailangan ako, maaaring masaktan ako.
Nakayanan niyang makinig sa akin ng hindi sumasabat, at intindihin ang aking pagpuri sa kanya. "Pero isa itong bahagi ng pagkatao ko na gusto kong baguhin dahil maaari itong makasakit ng mga tao," sabi niya. "Mas interesado ako sa pagtanggap mo nito bilang bahagi ng pagkatao mo, at kapag nagawa mo iyon, mararamdaman ko na ligtas ako sayo," tugon ko.
Naintindihan niya na ang mahalaga ay hindi ang pagtanggal o pagbago sa bahaging ito, kundi sa simpleng pagtanggap ng presensya nito.
Nahirapan akong simulan ang aktwal na sesyon. Tuwing nagsisimula siyang tumukoy ng isang malinaw na figure, bigla itong nag-iiba. Ito mismo ay kapansin pansin - ang kanyang palipat lipat na pokus. Pinili kong huwag muna itong pagtuunan ng pansin dahil wala pang sapat na ground sa pagitan namin. Pinag-isipan kong subukan ang pagiging "tagapagligtas", ngunit nagpasyang huwag na lang dahil hindi naman ito nagtagal bilang isang figure.
Kaya imbis na makipaghabulan kakahanap ng malinaw na tema, bumalik ako sa kung ano ang figural para sa akin - ang kanyang pantalon. Na wala itong kahalagahan sa kanya ay nangangahulugan na maaari tayong makahanap ng bagay na lulutang mula dito, sa kabila ng kanyang pagtangging magpalitaw ng malinaw na figure. Agad agad ay tumukoy siya ng tatlong mahahalagang bahagi ng kanyang sarili.
Inusisa ko ang mga ito sa pamamagitan ng relasyon - tumugon ako sa bawat isa sa mga ito.
Lumutang ang kanyang pagkadi-kumportable sa pangatlong bahagi, at malinaw itong tumuturo sa trabaho na kailangang gawin - harapin ang mga "dapat", at ang pinanggalingan nito.
Matapos niyang gawin ito, nakayanan niyang dalhin ang bahagi niyang iyon sa relasyon niya sa akin, at sa kanyang sarili.
Ang resulta ay ang natural na kinahahantungan ng isang Gestalt na proseso - integration.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)