Sabado, Agosto 16, 2014
Case #26 - Pagbibigay at pagtanggap
Gustong gusto ni Tracy na bumabiyaheng mag-isa. Gusto niya ang pakiramdam ng pagiging independent. Minsan kada ilang linggo lamang siya umuuwi, at ayos na ayos iyon para sa kanya. May sarili siyang tirahan sa siyudad. Bagay daw ito sa kanyang asawa, dahil mataas ang kanyang mga pamantayan, ngunit sigurado na magkakaroon ng mga pag-aaway dahil sa kanyang uri ng pamumuhay.
Pakiramdam niya ay pag-aari niya ang kanyang buhay, at ngayon na malaki na ang kanilang anak, wala na siyang aatupaging responsibilidad sa kanyang pamilya. Maligayang maligaya naman siya sa kanyang paraan ng pamumuhay at sa kanyang trabaho.
Ngunit nababahala siya dahil nagsimula siyang makaramdam ng taranta tuwing nasa bahay siya, matapos ang maikling panahon.
Upang mas usisain ang pakiramdam na ito, nagtanong ako tungkol sa kanyang mga magulang. Marami siyang kalayaan noong bata pa siya - abala sa maraming anak ang kanyang ina, at tinatrato siya na "parang lalaki" ng kanyang ama, habang nagiging malambing parin sa kanya. Ngunit tuwing nakakakuha siya ng atensyon, kadalasan ay pressure lamang ito na maging magaling, o maging mabait na bata. Ang punto ay ito - ang sitwasyon ay palaging "either-or". Either makakatanggap siya ng atensyon, o ng kalayaan;walang gitna.
Kaya nagmungkahi ako ng eksperimento upang usisain ang ganitong sitwason sa kanyang asawa.
Tumayo kami at humarap sa isa't isa. Ang nakataas na kamay ay nagpapakita ng paghahangad ng atensyon, at ang ang kamay na nanunulak palayo naman ay nagpapakita ng kalayaan.
Nabagabag siya kaagad. Ayaw niya raw mapunta sa posisyon ng paghahangad ng atensyon - masyado raw itong nakaka-pressure at nakakararanta.
Tinanong ko kung gaano kadalas niyang nararanasan ang paghahangad ng atensyon mula sa kanyang asawa, ng may buong pahintulot niya. Sinabi niya na naghahangad siya ng mas maraming pang kalayaan, bukod pa sa kung ano na ang mayroon siya. Tinanong ko kung gaano karami. Pag-uwi ng dalawang beses lamang isang taon at ilang araw lamang na pananatili sa bahay, at ang kakayahang gawin kung ano man ang ibig niya sa kanyang oras, tugon niya.
Hindi ito ang aking ideal na modelo ng isang relasyon, ngunit handa akong tanggapin na baka ito ang ideal para sa kanya.
Base sa pagkakasundong iyon, nagpatuloy kami. Gusto niya na saglit lamang na manatili sa posisyon ng paghingi ng atensyon, at agad siyang lumilipat sa posisyon ng paghahangad ng kalayaan. Sinabi niya na hindi talaga kumportable para sa kanya ang paghahangad ng atensyon mula sa kanyang asawa.
Kaya binaliktad ko ang sitwasyon. Ako ang magiging asawa, at nilagay ko ang kamay ko sa posisyon ng paghingi ng atensyon. Agad niya akong tinulak palayo ng malakas.
Lumutang ang maraming hinanakit. Pakiramdam niya kasi na tuwing magkasama sila ng kanyang asawa, palagi itong may kailangan sa kanya, at na palagi siyang nagbibigay nang hindi nakakatanggap ng kapalit. Kaya lumabas ang galit niya, at naging malinaw ang paulit ulit na proseso sa relasyon nila - Itutulak niya itong palayo, mangangailangan ito, itutulak niya nanaman itong palayo, at uulit nanamang muli ang proseso.
Kaya minungkahi ko na magdagdag kami ng isa pang hand position: pagbibigay. Malinaw na wala na siyang maibibigay pa. Ngunit kinuha ko ang posisyon ng pagbibigay bilang kanyang asawa, at pinagawa ko sa kanya ang posisyon ng paghingi ng atensyon, o ang posisyon ng pagtanggap.
Nagpalutang din ito ng pagkalungkot. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya nakatanggap mula dito kailanman, at na masyadong maraming taon na ang lumipas kung saan bigay lamang siya ng bigay.
Pinapunta ko siya sa kasalukuyan, at pinanamnam ko sa kanya ang karanasan ng pagtanggap, matapos niyang ipahayag ang kanyang hinanakit. Pumayag siya, at naging malalim ang epekto ng karanasan ng pagtanggap sa kanya. Ngunit agad siyang hindi napakali - iniisip niya kasi na kapalit ng pagtanggap ay ang muling pagbibigay, at kinakatakutan niya iyon.
Naging malinaw ang isang mas malalim na aspeto ng proseso.
Kaya iminungkahi ko na magsalitan kami. Magbibigay ako sa kanya, tatanggap siya, at kapag hindi na siya mapakali, magpapalit kami. Maaari siyang magbigay upang "bayaran" ang kanyang "utang" at makakatanggap ako, pero kung kumportable lamang ito para sa kanya.
Naging mabilis ang kanyang rhythm ng pagpapalit, at ilang segundo lang kaming nanatili sa bawat posisyon. Ngunit naging kumportable siya dito at pakiramdam niya ay hindi sumobra ang pananatili namin sa bawat posisyon.
Marami siyang napagtanto sa karanasang ito, at binigyan siya nito ng isang karanasan na matagal niya nang inaasam asam, ngunit sinukuan na.
Ang mahalaga dito ay hindi ang pagiging "fix" o "cure" nito para sa sitwasyon, kundi ang katotohonan na inungkat nito ang kanyang awareness at nagbigay sa kanya ng mas malalim pang awareness sa kanyang sarili, sa kanyang konteksto, sa kanyang partisipasyon sa proseso, at sa isang panibagong karanasan.
Ang mga bagong karanasan na lumalabas mula sa mga Gestalt experiment ay hindi mga "solusyon", ngunit pinapalawak nito ang mundo ng isang tao at binibigyan sila panibagong perspektibo tungkol sa kung ano ang posible. Maaari rin itong magbigay ng isang nakakahilom na karanasan, na maaaring bumawi para sa kawalan ng isang pangangailangan sa paligid.
Nagsimula sa pag-usisa ng konteksto ng field ang prosesong ito. Nang naging malinaw na ito, lumipat kami sa isang panibagong here and now experiment. Upang magawa ito, kailangan niyang maramdaman na hindi ito dinidiktahan ng kahit ano, at na baka ang kanyang rhythm talaga ang isyu dito.
Bilang isang kalahok sa eksperimento, mas mararamdaman ko kung nasaan na siya at kung ano ang kailangan niya, at mas maiintindihan ko ang kanyang karanasan.
Pinahintulutan din ako nitong tumugon sa mga panibagong paraan. Binago ko ang eksperimento upang isama ang pangatlong gesture ng "pagbibigay", dahil malinaw na ito ang kulang ngunit pinakamahalagang sangkap. Pinahintulutan siya nitong makaranas ng pagtanggap ng wala masyadong kapalit.

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento