lifeworksgestaltl1

Martes, Agosto 19, 2014

Case #27 - Pagiging moral

Mayroong maliit na kumpanya si John. Ang isyu niya ay ang kanyang pagiging moral na tao. Sa mundo kung saan pwede ang kahit ano, mayroon siyang mga prinsipyo na matibay niyang pinaninindigan. Ganito rin siya pagdating sa kanyang pamilya - sineseryoso niya ang kanyang mga tungkulin, nirerespeto niya ang kanyang mga magulang, at sumusunod siya sa mga tradisyon.
Ngunit nabibigatan na siya. Minsan ay pinagdududahan niya ang pagiging magandang bagay ng kanyang pagkamoral, at nag-aalala na baka sa huli ay pumalpak ang kanyang negosyo dahil hindi siya handang maging mandaraya, gaya ng kanyang mga kalaban.
Una kong pinaalala sa kanya ang mga bentahe ng kanyang paraan ng pamumuhay, ngunit hindi siya gaanong naapektuhan nito. Nag-aalala siya na baka hindi siya matulungan nito sa totoong mundo, ngunit nais niya paring panatilihin ang kanyang istriktong moralidad.
Kaya nagpatukoy ako sa kanya ang dalawang magkasalungat na tao - isang karakter mula sa kasaysayan na moral, at isang karakter na walang sinusunod na batas.
Pumili siya ng dalawa. Pinaako ko sa kanya ang karakter ng bawat isa, at pinagawa ko siya ng dayalogo sa pagitan ng dalawang karakter na ito. Napakahirap daw para sa kanya nito at hindi niya mapanindigan ang kanyang mga karakter. "Hindi ba pwedeng pag-isahin ko nalang sila?" tanong niya. Pero hindi ganoon kadali ang integration...
Habang nasa matuwid na karakter siya, sinabi niya na sinusunod niya lang ang malalim at mahabang tradisyon ng pagiging Tsino, habang ang isa pang karakter ay walang ginawa kundi ilagay sa panganib ang mga prinsipyo na iyon.
Naging malinaw na ang isyu - ang pagiging mahalaga sa kanya ng pagrespeto sa tradisyon, isang malalim na katangian ng kulturang Tsino.
Kaya minungkahi ko na iwan niya na ang parehong karakter, sumandal sa kanyang upuan, at kausapin ang bawat karakter. Kinilala niya ang kagandahan ng tradisyon, ngunit inamin niya na may matututunan din siya mula sa isa pang karakter.
Malaking hakbang ito para sa kanya.
Pinaisip ko sa kanya ang eksenang ito: kunwari ay isa siyang emperor na may dalawang tagapayo, ngunit sa huli ay kanya parin ang huling salita.
Gumaan ang pakiramdam niya matapos marinig ito, at sa wakas ay nakita niya na ang halaga ng kanyang "panibagong tagapayo".
Binanggit niya na may ganitong dimensyon ang kanyang personal na buhay,  kung saan masyado niyang sineseryoso ang lahat at na pakiramdam niya ay wala na siyang pahinga.
Kaya tumukoy kami ng dalawa pang tagapayo - isa na magpapaalala sa kanya ng kanyang mga responsbilidad, at isa na walang respeto sa kinauukulan, iresponsable, at mahilig magsaya.
Muli, gumaan ang loob niyang isipin na bagamat may dalawa siyang tagapayo, sa kanya parin manggagaling ang huling desisyon. Pinatukoy ko siya ng isang kakilala na swak sa karakter ng taong mahilig magsaya, at binanggit niya ang kanyang pinsan. Dati, negatibo ang tingin niya sa pinsan niyang ito, ngunit ngayon ay gumanda na ang tingin niya dito, at papayag na siyang gumugol ng oras upang makasama ito.
Ginamit namin ang pagpapahalaga ng Gestalt sa polarities, kung saan ang bawat katangian ay palaging mayroong kabaligtaran. Ang lubos na pananatili sa iisang dulo lamang ay hahantong sa isang split. Mahalaga sa Gestalt process ang integration - dapat itong maabot sa pamamagitan ng aktwal na pakikipag-ugnay sa magkabilang dulo ng polarity, at hindi lamang sa pamamagitan ng intelektwal na pag-intindi.
Hindi siya hiyang sa karaniwang anyo ng eksperimento (direct dialogue), kaya dapat ay palagi tayong maging handang baguhin ang disenyo ng eksperimento ayon sa pagtugon ng kliyente.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)