lifeworksgestaltl1

Lunes, Agosto 11, 2014

Case #25 - Sampung libong pana

Dalawang beses nang diborsyado si Mary, at ngayon ay nagsasama nanaman sila ng kanyang dating asawa, na ama rin ng kanyang anak.
Tinanong ko kung paano ito nangyari.
Dati silang magkasosyo sa negosyo, ngunit hindi sila nagkasundo sa paraan ng pamamalakad. Nang maglaon ay naging bayolente ito sa kanya. Nagpatuloy ito sa loob ng ilang taon.
Nang maglaon ay humingi ito ng diborsyo, at pagkatapos ay nagtangkang makipagrelasyon sa isa sa kanilang mga empleyado sa negosyo.
Ngunit nang tanggihan siya ng babae, nakiusap siyang pakasalan muli si Mary, at pumayag namin ito.
Nagpatuloy naman ang kanyang pananakit dito.
Matapos ang ilang taon, nakipaghiwalay ulit si Mary upang tigilan ang kalupitan nito.
Ngunit matapos ang ilang taon, nagsama ulit sila, at sa pagkakataong ito ay wala nang pananakit na nangyari. Ayon sa kanya, "satisfactory" na ang kanilang relasyon at hindi na siya miserable dito.
Ngunit habang kinukwento niya ang lahat ng ito, nakaramdam siya ng sakit.
Tinanong ko kung paano niya ito nakayanan; naalala niya raw ang mga pinagdaanan ng kanyang ina at lola (hindi pananakit)
Tinanong ko kung ano ang nararamdaman niya. "Parang may sampung libong pana sa puso ko," ani niya.
Pinansin ko na mas madalas niyang dibdibin ang sakit kaysa ilabas ito sa iba, at binanggit ko ang aking pag-aalala sa epekto nito sa kanya.
Tinanong ko kung ano ang karanasan niya sa pagkausap sa akin bilang isang lalaki - sinabi niya na pakiramdam niya raw ay ligtas siya.
Sinabi ko na lalaki ang naglagay ng mga pana na iyon, kaya bilang isang lalaki, gusto kong makatulong sa pag-aalis ng mga iyon.
Tinanong ko kung maaari ba akong lumapit upang mabagal na alisin, isa-isa, ang bawat "pana" sa kanyang puso.
Ginawa ko ito, nilagay sa lupa ang bawat "pana" na nahugot ko, at pinansin ko kung gaano siya nasaktan ng mga ito.
Tinanong ko kung ano ang nararamdaman niya. Marami raw siyang  nararamdamang sakit, ngunit may pakiramdam din ng ginhawa.
Kaya inulit ko ang prosesong ito ng dalawa pang beses, at bingyang pansin ang iba't ibang aspeto ng kanyang karanasan sa bawat pagkakataon.
Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa, ngunit nakaramdam din siya ng pamamanhid sa kanyang mga kamay. Isa itong indikasyon na sapat na ang nagawa ng proseso sa ngayon.
Bilang panghuli, nagmungkahi ako ng ilang mga ritwal na maaaring niyang gawin para sa tatlong pana at sa kanya. Pinili niya ang paglibing.
Kaya nagsalaysay ako sa kanya ng isang kathang-isip na paglalakbay sa isang gubat, kung saan magkasama kami. Inilibing namin ang mga pana at iniwan ang mga ito sa lupa matapos magpaalam sa mga ito.
Nakaramdam daw siya ng gaan pagkatapos ng karanasang ito, at tila nabigyang pansin talaga siya sa lugar na iyon.
Binigyan ko siya ng takdang gawain: kailangan niyang ulitin ang prosesong ginawa namin sa kanyang isip, isang beses isang araw, sa tatlo pang pana, at pagkatapos nito ay gawing muli ang "ritwal" ng paglilibing ng mga ito.
Sa prosesong ito ay mas nakita ko ang kanyang field at nagkaroon ng mas buong pagkakaintindi ng kanyang konteksto. Sunod ay ginamit ko ang aking pagiging lalaki upang maging bahagi ng proseso ng paghihilom. Nagdahan dahan ako; inalam ko ang karanasan niya sa bawat hakbang ng proseso, at binigyan ko siya ng maraming pagpipilian.
Sineryoso ko ang metaphor niya tungkol sa mga pana, at ginamit ko ito upang simulan ang proseso ng paghihilom. Ang mahalaga ay hindi ang bilang ng mga panang "natanggal", o ang pagkawala ng pagkapermanente ng sakit, kundi ang katotohanan na nakabuo kami ng bagong simula; na malaki ang naidulot nitong pagbabago, at na ngayon ay kaya niya na itong harapin ng mag-isa.
Ang Gestalt experiment na ginamit dito ay direktang dinisenyo mula sa mga materyal at salita na nanggaling sa kanya, at gumana ito dahil sa relasyon na nabuo sa pagitan namin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Who is this blog for?

These case examples are for therapists, students and those working in the helping professions. The purpose is to show how the Gestalt approach works in practice, linking theory with clinical challenges.

Because this is aimed at a professional audience, the blog is available by subscription. Please enter your email address to receive free blog updates every time a new entry is added.

Gestalt therapy sessions

For personal therapy with me: www.qualityonlinetherapy.com

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

© Lifeworks 2012

Contact: admin@learngestalt.com

Wikang:

HOME

Informed Consent & Rates

PROFESSIONAL TRAINING

Gestalt Therapy Defined

PROFESSIONAL SERVICES

PAYMENTS

OTHER STUFF

Links

Book:Advice for Men about Women

BLOGS

• English

Bahasa

Čeština

Deutsch

Español

Français

Greek ελληνικά

Hindi हिंदी

Magyar

Melayu

Italiano

Korean한국의

Polski

Português

Română

Russian Русский

Serbian српски

Chinese 中文

Japanese 日本語

Arabic العربية

English Bahasa Čeština Deutsch Español Filipino Français ελληνικά हिंदी Magyar Melayu Italiano 한국의 Polski Português Română Русский српски 中文 日本語 العربية

If you are interested in following my travels/adventures in the course of my teaching work around the world, feel free to follow my Facebook Page!

Can you translate into Filipino? I am looking for volunteers who would like to continue to make this translation available. Please contact me if you would like to contribute.

Interested in Gestalt Therapy training?

Contact us!

vinaysmile

This Gestalt therapy blog is translated into multiple languages. You are welcome to subscribe

logosm1

Links

Career Decision Coaching

Here

and here

Lifeworks

Gestalt training and much more

http://www.depth.net.au

For Men

Here is a dedicated site for my book Understanding the Woman in Your Life

http://www.manlovesawoman.com

The Unvirtues

A site dedicated to this novel approach to the dynamics of self interest in relationship

http://www.unvirtues.com

Learn Gestalt

A site with Gestalt training professional development videos, available for CE points

http://www.learngestalt.com

We help people live more authentically

Want more? See the Archives column here

Gestalt therapy demonstration sessions

Touching pain and anger: https://youtu.be/3r-lsBhfzqY (40m)

Permission to feel: https://youtu.be/2rSNpLBAqj0 (54m)

Marriage after 50: https://youtu.be/JRb1mhmtIVQ (1h 17m)

Serafina - Angel wings: https://youtu.be/iY_FeviFRGQ (45m)

Barb Wire Tattoo: https://youtu.be/WlA9Xfgv6NM (37m)

A natural empath; vibrating with joy: https://youtu.be/tZCHRUrjJ7Y (39m)

Dealing with a metal spider: https://youtu.be/3Z9905IhYBA (51m)

Interactive group: https://youtu.be/G0DVb81X2tY (1h 57m)