Lunes, Pebrero 2, 2015
Case #51 - Pagharap sa isag multo
Nagkwento si Leanne tungkol sa kanyang pagiging matatakutin. Takot siya sa mga ipis, madali siyang magulat, at minsan hirap siyang makatulog sa gabi dahil nag-aalala siya na baka may magnanakaw na pumasok sa bintana, o multo, o halimaw. Natatakot din siya na baka maka-engkwentro siya ng mga halimaw habang nagbabangka siya.
Tila child state ito, kaya tinanong ko kung ano ang nangyari noong kabataan niya upang maging matatakutin siya.
Agad niyang kinuwento ang isang insidente noong 6 anyos pa lamang siya. Isang batang lalaki, na isa sa mga matatalik niyang kaibigan, ay namatay sa pagkalunod. Ilang oras bago ito nadiskubre. Dinala ito sa bahay nila at hiniling ng pamilya nito na buhayin ito ng kanyang ama - doktor kasi ito. Hindi siya nagtagumpay.
Bumabagyo noong gabing iyon, at natulog siya ng may takot sa kanyang puso. Pagkatapos ay binangungot siya - kailangan niya raw iligtas itong taong ito, ngunit hindi niya kaya. Madalas niya itong isipin habang lumalaki siya, at nalulungkot parin siya tuwing naiisip niya ito.
Ngayon, malinaw na kung sinong "multo" ang kinatatakutan niya.
Nagmungkahi ako ng isang confronting na eksperimento - gagamitin namin ang drama, lakas ng kanyang takot, at ang oras na ito upang harapin, sa wakas, ng direkta ang kanyang takot.
Sinabi ko na tatabihan ko siya habang nakaharap siya sa bukas na bintana, at tatayo sa likod niya ang grupo bilang suporta. Sunod, iimbitahan niya ang multo ng kaibigan niyang namatay na pumasok sa kwarto at tumayo sa harap niya.
Ginawa niya nga ito, ngunit nanginginig siya. Hinayaan ko siyang sumandal sa akin. Hinawakan ko siya ng mahigpit, at mas pinalapit ko pa sa likod namin ang grupo. Sinabihan ko siyang kausapin ng direkta ang "multo" at sabihin dito ang kanyang nararamdaman, ang kanyang mga pinagdaanan, at kung gaano niya ito nami-miss.
Tinanong ko kung ano ang naging sagot ng "multo", at sinabi niya na hindi raw nito nagustuhan ang kanyang narinig. Mahalaga na maproseso niya ito; ngunit may bahagi parin sa kanya na naghahangad ng kamatayan upang mapalapit dito.
Kaya inudyukan ko siyang mas kausapin pa ito, sabihing maigi dito ang kanyang mga nararamdaman, at pakinggang maigi ang sagot nito.
Kinailangan ko siyang suportahan upang mapagtagumpayan niya ang kanyang takot, pati ang kanyang hinagpis. Sinabihan ko siyang huminga ng maigi sa kanyang tiyan, at papunta sa kanyang mga binti.
Sa Gestalt, pinagtutuunan namin ng pansin ang grounding at ang paghinga, pati ang pagtulong sa tao na manatili sa kasalukuyan kasama ang kanilang karanasan at ang lakas ng kanilang emosyon. Madalas ay kulang ang suporta upang magawa nila ito, lalo kapag bata pa sila, kaya makakatulong ang suporta upang maharap nilang muli ang kanilang karanasan ng hindi na nalulula dito, at sa paraang mapoproseso na nila ito ng maayos.
Napakahirap para sa kanyang manatili sa kasalukuyan - namuhay siya ng 30 taon sa takot, at nasanay siya sa mababaw na paghinga na siyang nagpapalala pa ng takot, kaya napakahirap para sa kanyang huminga ng malalim. Nangailangan siya ng maraming suporta at direksyon mula sa akin.
Matapos ang ilang sandali ay kumalma na siya, at nakayanan niya nang bitawan ang multong ito at bumalik ng buo sa kanyang sarili. Mas ramdam niya na ang kanyang katawan, at nawala na ang lahat ng bakas ng takot sa kanya.

Martes, Enero 20, 2015
Case #50 - Pagkausap sa mga unan tungkol sa suporta

Naglabas ng maraming paksa si Mark, ngunit tila walang paksa na sapat para maging pokus. Pagdating sa trabaho, siya ay nasa transition - dati ay katrabaho niya ang kanyang ama, ngunit hindi na ngayon. Nagkaroon siya ng maraming negosyo, ngunit wala ni isa sa mga ito ang kumikita ng maganda. Tatlong taon na siyang kasal, at handa na siyang magkaanak. Nagbigay ako ng iba't ibang komento at obserbasyon - ang tila dumadaloy na tunog ng kanyang boses, halimbawa.
Tila wala namang "isyu" sa mga binanggit niya. Kaya nagtanong ako tungkol sa kanyang buhay mag-asawa. Maganda raw ito, at masaya raw siya.
Habang magandang indicator naman ang ganitong sagot, interesado parin ako sa kung paano niya ito nasabi - interesado ako sa mga detalye, sa madaling salita. Sa Gestalt, palagi kaming interesado sa paglayo sa mga generalisation papunta sa specifics, dahil ito ang aming paraan ng paggawa ng contact.
Nahirapan siyang sagutin ito. Nagtanong ako tungkol sa kanyang mga nararamdaman at muli, nahirapan siyang maging specific.
Kaya sinabi ko na baka may kinalaman ang kawalan ng clear figure sa kanyang pagiging hirap na pakiramdaman ang kanyang mga emosyon.
Nagmungkahi ako ng isang eksperimento - iikot siya sa grupo at titingnan ang mga tao dito, isa-isa, at papansinin niya ang kanyang nararamdaman habang tinitingnan ang bawat tao.
Nakayanan niyang ilarawan sa akin ang kanyang karanasan sa malinaw na paraan, kaya malinaw na mayroon siyang kapasidad na tukuyin ang kanyang karanasan sa relasyon; kailangan niya lang talaga siguro ng pag-uudyok at suporta mula sa paligid. Sumang-ayon naman siya dito.
Sunod ay binigyan ko siya ng specific na sasabihin: "Kapag tinitingnan kita, ako ay _____".
Tila napakasimple nito, ngunit mahalagang magsimula sa isang bagay na kaya niyang gawin. Kung iisipin ang kanyang natural na hirap sa pagtukoy ng kanyang mga nararamdaman, mukhang maganda nga kung dito kami magsisimula. Hinayaan ko siyang ilarawan sa akin ang kanyang karanasan sa iba, at pagkatapos ay pinasabi ko sa kanya ng direkta sa iba ang kanyang karanasan sa kanila. Palaging papunta sa relational na direksyon ang Gestalt.
Kaya ginawa niya ito sa maraming tao, at sa bawat pagkakataon ay naging malinaw ang kanyang pagkakasabi.
Muli, malinaw na kailangan niya lang talaga ng suporta mula sa paligid upang magawa niya ito.
Kaya sunod, naglabas ako ng isang unan, sinabi na isipin niya na ito ang kanyang asawa, at inimbitahan siyang kausapin ito gamit ang pangungusap na binigay ko sa kanya kanina: "Tuwing nakikita ko ang ____ sayo, ako ay ____".
Ginawa niya nga ito, at naging malinaw siya. Binanggit ko ito sa kanya, inudyukan siya, at sinabi na talagang may kapasidad nga siyang tukuyin ang kanyang mga nararamdaman at sabihin ito sa iba.
Sinabi ko na siguro ay kailangan niya lang ng maayos na ensayo, sa isang ligtas na setting. Sumang-ayon siya dito.
Sunod ay inimbitahan ko siyang gawin din ito sa kanyang ama.
Sinabi ko na mukhang suporta ang pinakamahalagang isyu dito, kaya inanyayahan ko siyang kausapin muli ang mga unan - una ang kanyang asawa, sunod ang kanyang ama - at sabihin sa kanila, "Tuwing ginagawa mo ang _____, ako ay _____, at nais ko sanang makatanggap ng _____ na suporta mula sayo."
Naging mahalaga ito para sa kanya, dahil naglinaw ito ng maraming detalye, at sinabi niya na pakiramdam niya raw ay napayapa siya pagkatapos nito.
Isa itong magandang halimbawa ng mala-behavioral na eksperimento na naghahalo ng emosyon, contact, pagiging awtentiko, at suporta. Ito ang mga pangunahing elemento na katrabaho natin sa Gestalt, at maaaring maging valuable ang ganoong sesyon na halos naging coaching process na.
Kung ayon sa sitwasyon, maaari ring ipasok sa Gestalt na lapit ang aspetong ito. Mahalagang malaman na hindi ito isang formula; binabagay ito sa tao, at sa kung anong klase ng proseso ang kailangan niya sa oras na iyon.

Martes, Enero 13, 2015
Case #49 - Ang matigas na manika at ang malambot na mga kamay
Nagugulumihanan si Annabelle, at malungkot na malungkot. Nagdala siya ng isang maliit na manika na may mga brasong gawa sa kahoy."Ako ito," sabi niya. "Matigas ang aking mga braso gaya ng sa zombie. Malungkot ang aking puso."
Kinuwento niya na malalang mag-away ang kanyang mga magulang habang lumalaki palang siya, at nakalikha ito ng maraming takot at paninigas sa kanya. Noong tumanda na siya, pakiramdam niya ay naging masyado siyang matigas, at nais niya sanang maging mas malambot. Ngunit pinapakita ng manika kung gaano talaga katigas ang pakiramdam niya.
Nakinig ako ng maigi, at naramdaman ko kung gaano kabukas ang puso ko sa kanya - tunay nga siyang malungkot.
Ngunit kasabay nito ay may lumutang na mapaglarong imahe sa isip ko na tila hindi bagay sa bigat ng sitwasyon - naisip ko ang mga zombie sa nakakatawang paraan.
Kaya binahagi ko ang aking malalim na koneksyon at pag-aalala sa kanya, pati narin ang mapaglarong imahe kong ito ng mga zombie. Hindi naman sa hindi ko ginagalang ang bigat ng kanyyang sitwasyon; gusto ko lang kasi sanang ibahagi ng mas buo ang aking sarili.
Naging bukas naman siya dito. Minungkahi ko na paglaruan namin ang imaheng iyon.
Kaya tumayo kami at naglakad ng magkatabi na tila mga zombie - nilapitan namin ang mga tao sa grupo. Karamihan sa grupo ay tumawa rin at natuwa sa aming kabaliwan. May ilan nga lang na natakot talaga, kaya iniwasan namin sila. Ngunit masasabi na sa kabuuan, isa itong nakakatawa at mala-baliw na karanasan.
Umupo na si Annabelle, at umupo rin ako ng nakaharap sa kanya, attentive sa kung anuman ang nararamdaman niya sa oras na iyon.
Pinalambot siya ng eksperimentong iyon, at ginawa siyang mas bukas. Pinakiramdaman niya ang maliliit ng braso ng kanyang manika at muling nagkomento sa katigasan nito. Ngunit baka lumambot daw ito kung hihimasin niya ito.
Ginawa ko itong cue. Kinuha ko ang kanyang mga braso gamit ang aking mga kamay at hinimas ito. Kumapit siya sa aking mga braso na parang maliit na bata na naghahanap ng kalinga. Tiningan ko siya upang makita kung kamusta ang karanasan para sa kanya, at nakikita ko na tila lumalambot na nga siya. Nagpatuloy ako sa paghimas sa kanyang mga braso, at kinausap ko siya tungkol sa paglambot. Nararamdaman ko ang lakas ng energy sa kanyang mga kamay. Kaya, habang sinasabi niya na tila lumalambot na ang kanyang mga braso, nilagay ko akg aking mga kamay sa aking hita at tinaas ang aking mga palad. Pinahintulutan ko siyang himasin ang aking mga kamay gamit ang kanyang mga kamay, at ginawa niya nga ito. Naging mabagal ang kanyang paghimas. Nagkomento ako tungkol sa dami ng enerhiya sa kanyang mga kamay. Nagkaroon siya ng malalim na koneksyon sa kanyang puso at mga nararamdaman, at nanatili ang kanyang contact sa akin sa buong prosesong ito.
Sinabi niya na ang aking mga kamay ay ang kanyang mga magulang: magkahiwalay, ngunit parehong nandoon. Hinawakan niya ang bawat kamay ng may pagmamahal, ngunit may halong lungkot. Pagkatapos ay kinuha niya ang manika at dinikit ang mukha nito sa bawat isa sa aking mga daliri. Pagkatapos ay kinuha niya ang dalawang braso; nilagay niya ang isang braso sa isa kong kamay, at nilagay din ang isa pang braso sa kabila kong kamay.
Sabi niya - kahit magkahiwalay ang mga magulang ko, maaari parin akong kumonekta sa kanilang dalawa.
Malalim ang kahulugan ng sandaling ito, at nagbago ang kalidad ng kanyang kalungkutan mula sa pagiging stuck at collapsed, papunta sa pagiging bukas at dumadaloy. Nag-relax ang kanyang mga braso at bawat bahagi ng katawan niya ay humihinga, nasa kasalukuyan, at konektado.
Isa itong malalim na karanasan para sa kanya, pati narin sa akin, at pagkatapos ay nakaramdam siya ng malalim na kapayapaan at integration.
Lunes, Enero 5, 2015
Case #48 - Ang bruha, ang pera, at ang sakit
Nagkaroon ng mga seryosong isyu sa kalusugan si Song-li nitong nakaraang taon. Matapos ang maraming operasyon, parang hindi naman gaano nakatulong ang pisikal na intervention - bumuti nga ang kanyang kondisyon, ngunit lumala naman ito ulit. Kaya sikolohikal na ang susunod na posibleng paliwanag. Dumalo na siya sa iba't ibang therapy hinggil dito...kaya nag-ingat akong huwag nang gawin muli ang mga nagawa na sa mga therapy na ito. Tinanong ko siya ng direkta kung anu-ano na ang mga ginawa niya doon. Hindi magandang gumamit ng masyadong marami at magkakaibang lapit para sa iisang problema, at nangangailangan ito ng maingat at propesyonal na pagdedesisyon.Kung lalapit ka sa isang doktor, makakatulong ang pagkuha ng pangawalang opinyon, ngunit hindi na magandang kumuha ng apat o lima pa - nakakalito na masyado iyon. Maaaring makalikha ng lalim ang pakikipagbuno sa isang isyu kasama ang iisang therapist lamang, ngunit maaaring maging counter productive ang "shopping around" para sa iba't ibang lapit. Kaya ayokong sumabak kaagad sa isyu - kinailangan ko muna itong pag-isipan ng maigi.
Nagtanong ako tungkol sa kanyang konteksto - ano ba ang nangyari isang taon ang nakaraan nang una siyang makaranas ng mga problema sa kalusugan? Kinwento niya ang kanyang pagbili ng "paper money" na ginagamit sa China upang sunugin bilang pag-alala sa isang yumao. Namatay ang kanyang ama limang taon na ang nakakaraan, at para dito niya binili ang "paper money" na ito.
Habang binibili niya ito, may isang "bruha" (ito ang ginamit niyang salita) na binalaan siyang huwag bumili ng masyadong marami; kundi, magkakasakit siya. Agad niyang sinubukang ibalik ang kanyang mga binili, ngunit ayaw na itong tanggapin ng tindahan.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang kanyang pagkakasakit.
Nagtanong ako tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ama. Naging malapit at mapag-alaga raw sila isa't isa, at araw araw niya itong iniisip. Madalas niya rin itong kinokonekta sa iba't ibang bagay sa buhay niya, gaya ng kanyang anak na lalaki.
Mahalaga na alamin mo muna ang mga detalye ng field ng isang tao, imbis na pagtuunan kaagad ng pansin ang mga emosyonal na isyu. Nagbibigay ang konteksto ng mahalagang impormasyon na maaaring gumabay sa direksyon ng therapy.
Kaya tinanong ko rin kung gaano kadalas niya itong isipin - matapos ang limang taon ay nakapokus parin siya dito, kaya mukhang may unfinished business siya sa kanyang ama.
Hindi niya naman matukoy kung ano ang unfinished business na ito, o kung ano talaga ang nararamdaman niya tuwing iniisip niya ang kanyang ama, kahit mukha itong positibo.
Posible sigurong mas usisain pa ang kanyang awareness sa mga susunod na sesyon, ngunit dahil malinaw na ayaw niya pa akong papasukin ngayon, ayokong basta na lamang mag-usisa. Sa halip, mas gusto kong manatili na lamang sa piniprisinta niya sa akin. Isa ito sa mga paraan ng Gestalt ng hindi pagpupumilit tuwing may resistance ang kliyente.
Kaya naupo lang ako doon at nakinig sa kanya.
Nagmungkahi ako ng takdang gawain - isang extended na Gestalt experiment.
Minungkahi ko na bumili siya ng isang piraso ng paper money. Tinanong ko kung may litrato ba siya ng kanyang ama; mayroon daw siya sa computer. Ganito ang pinagawa ko: araw-araw, sa parehong oras, gugupit siya ng maliit na piraso mula sa paper money, ilalagay ito sa burner, bubuksan ang litrato ng kanyang ama sa computer, pakikiusapan itong pagpalain ang kanyang buhay, at pagkatapos ay isasara nang muli ang litrato.
Ang tawag dito sa brief therapy ay "prescribing the symptom", at ang katapat naman nito sa Gestalt ay ang "paradoxical theory of change", o pagiging mas present sa kasalukuyan; sa "what is".
Humingi siya ng iba pang mga gawain. Malinaw na bunga ito ng kanyang di-mapakaling paghahanap ng therapy hinggil sa paksang ito, at isang isomorph ng babala ng bruha - na huwag siyang maging masyadong sugapa sa mga bagay na may halaga, na ngayon ay nirerepresenta ng pera na binili niya.
Gayunpaman, tinandaan ko ang kanyang pagiging di-mapakali para sa mga susunod na sesyon.
Naka-sick leave siya, kaya tinanong ko kung ano ang ginawa niya noong araw na iyon. Nasa bahay lang daw siya, at sa loob ng walong oras ay nagluto, nagpahinga, at naglakad lakad.
Tinanong ko kung may mga social issues ba na mahalaga sa kanya, ngunit wala naman daw.
Kaya minungkahi ko na mag-isip siya ng isang proyektong may kinalaman sa serbisyo na maaari niyang simulan sa ngalan ng kanyang ama.
Binago nito ang simbolismo para sa kanyang ama, at ginawa itong springboard papunta sa buhay at pakikisalamuha imbis na tagatuon ng pansin sa sakit, kamatayan, at kawalan ng pakikisalamuha. Binigyan din siya nito ng positibong bagay na maaari niyang pagtuunan ng pansin - isang bagay na maaaring tumayo bilang "silbi" ng kanyang buhay.
Miyerkules, Disyembre 24, 2014
Case #47 - Ang katapusan ng isang relasyon ay isang bagong simula
Matagal nang may problema ang relasyon ng magkasintahang ito.
Ang pinakaunang sinabi ni Rhonda sa sesyon ay - "Nagdiborsyo ang aking mga magulang, at pinangako ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko ito hahayaang mangyari sa aking magiging pamilya." Talagang nababagabag siya. Inakbayan siya ni Brian, ngunit nilayuan niya ito.
Sinabihan ko si Brian na lumipat sa bandang harap ni Rhonda upang makita nila ng maayos ang isa't isa.
Ang pangalawang bagay na sinabi niya ay, "Ayoko na. Hindi ko na kaya. Tapos na ang relasyong ito para sa akin."
Nagulat si Brian. Maraming beses niya na raw itong narinig dati, at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya nitong mga nakaraang buwan upang magbago at pagandahin ang sitwasyon. Sinimulan niyang ipaliwanag ito...ngunit pinigilan ko siya. Sa perspektibong Gestalt kasi, tinitingnan bilang pag-iwas sa kasalukuyan ang pagpapaliwanag.
Inudyukan ko siyang sabihin na lamang kay Rhonda ang kanyang nararamdaman. Pagkatapos humingi ng maraming suporta, sinabi niya na para siyang natataranta, at pakiramdam niya ay inabanduna siya. Nagsimula siyang umiyak.
Naupo lamang si Rhonda ng walang sinasabi. Nang sabihan ko siyang sagutin ito, sinabi niya lang na tila blangko na siya - sobra na ito para sa kanya, at lumabas na siya sa kanyang awareness. Sa Gestalt, hindi natin pinipilit ang isang tao kapag dumating na sila sa ganitong punto.
Kaya si Brian na lamang ang kinausap ko - pinaliwanag ko na hindi na available si Rhonda, kaya wala nang silbi kung magpupumilit pa siya. Dinamayan ko siya sa kanyang mga nararamdaman, at tinulungan siyang samahan ang kanyang sarili sa pagkakataong ito. Kinilala ko ang kanyang nararamdaman; kung gaano kasakit para sa kanya ang sitwasyong ito, at kung gaano kahirap tanggapin na "binaba na [ni Rhonda] ang bintana" at sa gayon ay hindi na available para sa kanya sa oras ng lungkot at pangangailangan.
Pagkatapos ay tumingin si Ronda sa kanya ng may luha sa kanyang mga mata. Sabi niya - nangyari ito sa iyong nanay, pati sa dati mong asawa, at kahit kailan ay hindi ko ginustong gawin ito sayo.
Bumigay si Brian, at tila umurong papasok sa sarili niya habang umiiyak. Inudyukan ko siyang manatili sa kasalukuyan, upang makita na ngayon ay may luha na si Rhonda at sa gayon ay available na, at upang kilalanin ang koneksyon nila sa sandaling iyon. Naging mahirap ito para sa kanya.
Sinabi niya na nagui-guilty siya, dahil pakiramdam niya ay pumalpak siya, at binanggit niya ang kanyang kagustuhang gawin muli ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit pinigilan ko siya, dahil wala nang sapat na emosyonal na espasyo si Rhonda upang pag-usapan ang hinaharap.
Sunod ay tinanong ko si Rhonda kung kaya niyang tanggapin ang sinabi ni Brian. Tila blangko parin siya - kaya minungkahi ko na sabihin niya kay Brian na hindi niya pa ito kayang tanggapin. Ito ang kanyang magiging awtentikong emosyonal na pahayag.
Napakahirap para kay Brian na marinig iyon. Inudyukan ko siyang sabihin ito kay Rhonda. Tumugon si Rhonda sa pamamagitan ng pagpansin sa galit, hinanakit, at lungkot na nakita niya sa mga mata nito. Kaya pinapaliwanag ko kay Brian ang mga emosyon na iyon.
Nakinig nga si Rhonda, ngunit sinabi niya na "Ayoko nang magpatuloy pa; hindi na maganda ang pakiramdam ko dito, kasi alam ko na napakahirap nito para sayo."
Bigla na lamang nagsara si Brian at umatras muli papasok sa kanyang sarili; malinaw na hindi na siya available. Minungkahi ko na sabihin niya kay Rhonda na hindi niya ito kayang pakinggan sa kasalukuyan, ngunit maski iyon ay mahirap para sa kanyang gawin.
Kaya sinabihan ko si Rhonda na kausapin ako. Isa itong technique sa couples therapy - ang pagsuporta sa isang tao, habang hindi available ang isa pa, upang mawala ang pressure at pahintulutang maging witness lamang ang isa.
Sinabi ni Rhonda na gusto niyang bigyan si Brian ng maraming oras upang tanggapin ang sitwasyong ito, at inamin ko na tingin ko ay hindi niya naman ito matatanggap kahit kailan. Mahal siya nito, at malamang ay wala itong balak sumuko. Nagulat si Rhonda dito.
Kaya mas pinalabas ko pa ang kanyang mga nararamdaman at mga personal na pahayag.
Pagkatapos ay naging available si Brian, at sinabi niya dito na nagui-guilty siya, at na nagsisisi siya na naging ganito ang sitwasyon. Sabay silang umiyak. Gusto sanang lumapit ni Brian, ngunit sabi ni Rhonda - Huwag. Pakiusap, huwag ka masyadong lumapit sa akin.
Tinanong ko kung bakit niya ito sinabi - Hindi niya na raw kasi mahal si Brian. Hinamon ko ang pahayag na ito - nakabase kasi ito sa maling ideya na tungkol lamang sa emosyon ang pag-ibig. Kaya sinabihan ko siyang gawin itong personal na pahayag. Sabi niya, "Sinara ko na ang aking mga emosyon."
Isa itong mahalagang pahayag, dahil mula noon ay naging tungkol sa aksyon, choice, at volition ang buong isyu.
Kaya inudyukan ko si Brian na sabihing narinig niya ito, at na sabihin dito ang kanyang mga nararamdaman. Nagawa niya naman ito, at pareho silang umiyak.
Ngunit may nagbago na sa pagitan nila. Kahit tila imposible, at wala namang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap, nakayanan nilang magkaroon ng malalim at awtentikong contact. Pareho silang umabot sa punto na parang sobra na ang sitwasyon, ngunit sa tulong ng aking pagsuporta, nakayanan nilang magpatuloy at harapin ng magkasama ang pakiramdam ng kawalan at paghihinagpis.
Hindi ko na nalaman ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Ngunit ang pokus ng Gestalt ay nasa pag-abot ng malalim at awtentikong contact; ito ang sandigan ng isang tunay na relasyon, ang bagay na malinaw na wala sa kanilang relasyon noon.

Lunes, Disyembre 15, 2014
Case #46 - Mga uod
Nagkwento si Felicity tungkol sa kanyang mga bangungot. Wala tayong mga pre-set na interpretasyon para sa mga panaginip sa Gestalt, ngunit kadalasan ay tungkol sa aggression ang mga bangungot; malinaw na lahat ng aspeto ng isang panaginip ay tungkol sa nananaginip, kaya lahat ng bangungot ay may kinalaman sa aggression ng tao.
Madalas umulit ang panaginip ni Felicity, ngunit sa iba't ibang anyo. Ganito ang karaniwan nitong takbo:
Nasa basement siya at kumukuha ng mga uod. Daan daang libong uod ang nandoon.
Sa susunod na eksena ay nagsusuka na siya ng mga uod - punong puno ng uod ang kanyang buong katawan. Nakayanan niya namang isuka itong lahat, maliban lamang sa isa.
Isang tingin lang sa panaginip ay maaari ka nang magpakawala ng maraming interpretasyon. Sa pinakapalasak na antas, ang basement ay kung ano ang nasa pinakakaibuturan ng kanyang puso, at malinaw na tumutukoy ang mga uod sa isang bulok na aspeto ng kanyang pagkatao.
PERO, hindi namin ito ginagawa sa Gestalt.
Nananatili lamang kami sa kasalukuyan, sa karanasan ng tao, at sa kanilang sariling pagpapakahulugan dito.
Kaya inanyayahan ko si Felicity na gampanan ang bawat karakter sa kanyang panaginip at magsalita bilang ang karakter na ito. Bilang uod, sinabi niya na siya ay mataba, tamad, at walang kapangyarihan.
Sinabi naman ng nag-iisang uod na naiwan sa loob niya na gusto narin nitong lumabas.
Ang susunod na dapat gawin ay ang pagsasadula nito. Kaya sinamahan ko siya sa pagkukunwari bilang uod - naglakad lakad kami na parang uod.
Sinabi ko na lahat tayo ay may uod sa loob - mga bagay na ayaw nating ipakita sa iba.
Nagkwento ako tungkol sa aking mga "uod" - ang pagiging pangit ng ugali ko sa mga partikular na sitwasyon, at nagbigay din ako ng ilang halimbawa.
Pagdating sa pagbubuking ng mga bagay na mahirap sabihin sa iba, maganda kung mangunguna sa pagbibigay ng halimbawa ang therapist.
Nung una ay nag-aalangan siyang magbanggit ng mga ganoong bagay tungkol sa kanyang sarili. Nakita ko ang expression niya - nakanguso siya na parang inosenteng bata. Nagkomento ako tungkol dito, at ginaya ito upang makita niya.
Sabi ko - parang hindi naman ganyan ang itsura ng taong may mga uod sa loob niya!
Pinamukha nito sa kanya ang persona na kanyang pinapakita, at ginawa siyang mas handa na maging awtentiko.
Tumukoy siya ng ilang aspeto ng kanyang sarili na mala-uod, at kinilala ko kung gaano kahirap ito para sa kanya. Ganoon parin ang expression sa kanyang mukha. Binanggit ko kaagad ang incongruity na ito, dahil para bang binabawi niya ang kanyang sinabi sa pamamagitan ng pagpapakita ng ganoong expression.
Tinaas nito kaagad ang kanyang awareness tungkol sa kanyang disowning process. Ang Gestalt awareness ay palaging agad agad - palagi itong papunta sa mas malalim na pagkakakilala sa iyong sarili, ngayon din.
Pagkatapos ay inanyayahan ko ang grupong magbahagi rin tungkol sa kanilang "mala-uod na sarili". Lalo nitong pinababa ang hiya para kay Felicity, at bumuo ito ng bond sa loob ng grupo sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng aming mas malalim at sikretong sarili, sa paraang masaya at kaaya aya para sa lahat.

Lunes, Disyembre 8, 2014
Case #45 - Paano harapin ang kalungkutan
Gustong pag-usapan ni Betty ang kanyang takot. Hindi niya matukoy kung tungkol saan ito, o kung saan ito konektado.
Ngunit bago ko sakyan ang kanyang pokus, sinubukan ko muna siyang kilalanin. Nagtanong ako tungkol sa kanyang mga anak, sa kanyang buhay may-asawa, at sa kanyang trabaho. Kaka-resign niya lang sa kanyang trabaho matapos ang 20 taon, at kasalukuyang nasa transition period. Maayos naman ang kanyang buhay pamilya; maganda at talentado ang kanyang anak na babae, at mahal na mahal naman siya ng kanyang asawa.
Ngunit nakikita ko na hindi siya masaya. Tinanong ko kung masaya ba siya - hindi raw. Ngunit iniisip ng lahat na perpekto ang buhay niya, pati ang kanyang pamilya. Tinanong ko kung ano ang problema.
Sabi niya - mas mahal ako ng asawa ko kaysa mahal ko siya. Secure ako sa kanya, ngunit arranged marriage lang kami at hindi ko siya "type". Tinanong ko kung ano ba ang tipo niya: isang tao raw na may malakas na karakter, malinaw na vision sa buhay, at magandang taste. Wala ni isa dito ang kanyang asawa.
Nagulat ako dito, at natagalan bago ko ito maproseso. Isang magandang buhay, ngunit may kulang na mahalagang bagay. Tumingin ako muli sa kanyang mga mata, at nakita ko kung gaano siya kamiserable. Tinanong ko kung ilang taon na siya - 44 daw. Tinanong ko kung 44 na taon niya pa bang makakasama ang kanyang asawa, at sabi niya ay oo.
Kaya malinaw na ang desisyon niya ay maging nandoon kasama ang kanyang asawa, kahit ang kapalit nito ay ang kawalan ng koneksyon sa kanilang relasyon. Ang palasak na pangangailangan para sa passion, meeting, at synergy ay wala doon. Nagpakakuntento siya sa isang mababaw ngunit maayos na buhay, kahit mayroon itong malalim na pangangailangang hindi naaabot.
Sa Gestalt, interesado kami sa choice, at tinitingnan namin ito gamit ang existential notions. Nilalagay tayo ng buhay sa iba't ibang klase ng sitwasyon, ngunit palagi tayong may pagpipilian. Ang pakiramdam ng pagkakakulong ay hindi nanggagaling sa ating mga sitwasyon, kundi sa ating pagkalimot na may pagpipilian pala tayo sa bawat sandali.
Kasama rin ng choice ang consequences, at ang isang sulit na buhay ay isang buhay kung saan pinananagutan ng tao ang kanyang mga aksyon, imbis na subukang sisihin ang iba, o maghangad na sana ibang tao na lamang siya.
Ganito nga ang sitwasyon ni Betty. Malinaw ang kanyang mga desisyon, pati ang mga kinalabasan nito. Ngunit miserable siya, at kailangan nitong magbago, pwera na lamang kung gusto niyang manatiling ganito.
Maraming siyang pagpipilian sa loob ng istrukturang pinili niyang panindigan.
Gumugol ako ng oras sa pagtabi lamang sa kanya, at pagkilala sa kanyang pagiging miserable. Ito ang relational na espasyo kung saan walang kailangang magbago, walang agenda, at ang pokus lamang ay nasa pag-iral; pag-iral ng magkasama, at pagkilala sa presensya ng isa't isa. Ang tawag dito ay "I-Thou".
Pagkatapos nito, tinanong ko kung ano ang mga posible niyang gawin. Ang pagtatanong nito sa una pa lang ay parang pagmumungkahi ng "solusyon" sa isang sitwasyon na wala naman talagang solusyon. Ngunit matapos ang ilang sandaling pamamalagi sa kanyang isyu, maaari na naming usisain ng magkasama ang iba't ibang pagpipilian at perspektibo.
Tinanong ko kung alam ba ng asawa niya ang tungkol sa pagiging miserable niya, at kung pinapakita ba niya ito sa kanyang asawa gaya ng pagpapakita niya nito sa akin. Hindi raw. Kaya nagbahagi ako ng isang pangyayari sa sarili kong buhay, kung saan nagkaroon sa akin ng malaking impact ang pagkukwento ng aking asawa tungkol sa isang bagay na nagpapamiserable sa kanya. Dahil mahal na mahal siya ng kanyang asawa, maaari itong magsimula ng pagbabago.
Sinabi ko na kahit kailan ay hindi niya ito magiging "type", ngunit kung motivated ito, maaari nitong subukang gumawa ng mga hakbang upang maging "type" niya. Nakasalalay sa kanya ang pag-amin dito ng kanyang totoong sarili at mga pangangailangan. Ang hamon ay na gawin niya ito sa isang paraan na magbibigay ng mga positibong resulta.
Minungkahi ko na sabihan itong tingnan siya sa mata ng sampung minuto, ng hindi nag-uusap, para lang maipakita niya dito ang kanyang pagkamiserable. Pagkatapos nito, maaari niyang banggitin dito ang ilang maliliit na pagbabago na nais niyang gawin nito, na magiging makahulugan para sa kanya.
Ngunit hindi nito ibig sabihin na ito na talaga ang solusyon sa kanyang pagkamiserable. Ang totoo ay nasa sitwasyon siya kung saan hindi natutugunan ang kanyang mga pangangailangan. Kaya minungkahi ko na aktibo niyang tuklasin ang kanyang pagkamalikhain, at sumubok ng mga spiritwal na gawain. Baka matulungan siya nitong makahanap ng kaligayahan na hindi matatagpuan sa kanyang paligid.
Hindi sinusuportahan ng Gestalt ang pagmumungkahi ng mga ganitong bagay bilang solusyon. Ngunit sa konteksto ng isang malalim na contact sa personal na pagkaka-stuck, nagiging makahulugan para sa tao ang ganitong mga posibilidad, at nagkakaroon siya ng malalim na kagustuhang gumalaw papunta sa direksyong iyon. Kung mayroong interes, maaaring makatulong ang praktikal na suporta sa taong iyon - halimbawa ay ang pag-uusap tungkol sa kung paano niya magagawa ang pagbabago, at ang buong range ng kanyang mga pwedeng pagpilian.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)